Dinala ako ng mga paa ko sa Cafeteria, I texted Andromeda at sinabing hihintayin ko siya sa Cafeteria para maihatid ko siya pauwi Bumili muna ako ng Tuna Sandwich sa counter at umupo sa malapit sa pintuan para bungad at makikita agad ako ni Andromeda pagkapasok niya I was about to take a bite on my Tuna Sandwich ng biglang may umagaw nito Sinamaan ko ng tingin si Pikachu habang masayang masaya siyang kinakain ang binili kong sandwich, pero hindi niya man lang ako pinansin at pinagpatuloy lang ang pagkain Nandito nanaman ang batang ito wearing her famous Onesies Pikachu outfit, I really wonder kung nilalabhan niya pa yan because I never saw her wearing anything except that thing napabuntong hininga nalang ako at hinayaan nalang siya, wala naman na akong magagawa eh, kinain na niya eh

