Isa, dalawa, tatlo
agad na dinilat ko ang mga mata ko at nakipagtitigan sa kalangitan
"kapag pagod ka na, pumikit ka lang at bumilang ng tatlo. magpahinga ka lang at wag susuko, malalagpasan mo ang lahat Andi, you are stronger than you think" napangiti nalang ako nang maalala ko ang sinabing iyon ni Mommy
Magpahinga lang at wag na wag susuko
"I wish I really am stronger than I think" malungkot kong saad
Bitbit ang mga maleta, pumasok na ako sa limousine na pinadala ng aking ama upang sunduin ako at dalhin sa pinagmamalaki niyang Mansion
after leaving me at nagpayaman sa ibang bansa, may karapatan pa pala siyang utos-utosan ako
Nang mamatay si Mommy ay siya na ang pumalit na Guardian ko kaya't hindi ko man gusto ay wala akong magawa kung hindi ang sumunod sa mga sinasabi niya
katulad ngayon He told me to leave the boarding house na tinutuluyan ko nang mahigit tatlong taon na, I insist at patuloy na nanirahan doon and in the end binayaran niya yung landlord ko at ito na mismo ang nagpalayas sakin
huminto ang limousine sa isang napakagarbong mansion, mahahalata mong mayaman ang may-ari nito, May napakalawak na hardin, malaking fountain at napakaganda at malaking Mansion.....
Kung makikita ito ng iba ay paniguradong hahanga sila sa angkin nitong ganda
but little did those people know, na ang lalaking nagmamay-ari ng Mansion na ito ay nagawang iwanan ang asawa't anak para lang mapatayo ito......nagawa nitong iwanan ang pamilya para lang magpayaman
bumaba na ako sa sasakyan at tuloy tuloy lang na pumasok, hindi pinansin ang hilehilerang mga maid na gumawa ng daan para sakin at sabay sabay na nagbow,
"Welcome to Verillo's Grand Mansion, Lady Andromeda" bati sakin ng lalaking nakasuit and tie na sa tingin ko ay nasa edad 50 pataas, I think ito yung butler na sinasabi ng magaling kong ama na sasalubong sakin dahil out of town siya ngayon kaya't hindi niya ako masasalubong, hindi ko tinugon ang bati nito at sa halip ay inabot ko dito ang maleta ko na agad naman niyang kinuha sakin
"where's my room?" I just asked coldly nakita ko namang medyo napalunok yung butler ngunit tinaasan ko lamang ito ng kilay
"Don't scare him like that little sis" Cepheus said habang pababa ito ng hagdan
He's Cepheus Verillo, my older brother, siya yung sinama ni Daddy nung umalis ito ng bansa
hindi ko nalang pinansin si Cepheus at pinandilatan pa ng mata yung butler dahil hindi parin ito nagsasalita
"I said where's my room?" naiiritang pag-uulit ko sa tanong ko dahil hindi parin ako sinasagot nito
"2nd floor, last room on the left side" si Cepheus na ang sumagot, walang lingon lingon na tinahak ko na ang daan papunta sa room ko
Tss kung sinagot agad nung butler yung tanong ko, edi sana hindi ko siya natarayan
"pagpasensyahan niyo na po siya, badtrip lang po yan dahil hindi nasunod ang gusto niya, pero mabait po yan" rinig ko pang sabi ni Cepheus na hindi ko nalang pinansin pa
pagkapasok sa room ko ay agad na nilock ko ang pinto at binato ang sarili sa kama
I'm tired, tired of Everything
~~~~~~~~~~~~~~~
Suot suot ang uniform ng L.A. ay lumabas na ako ng room ko
"Where are you going?" Cepheus asked nang makasalubong ko ito sa corridor
I can't help but to roll my eyes
Now I know kung bakit bumalik pa ang mga ito, para manghimasok sa buhay ko after nila akong iwanan
I didn't know na may karapatan pa sila para gawin iyon
tinaasan ko muna ito ng kilay bago sinagot
"Don't act like you care, hindi bagay sayo" I just said then turn my back at him
it's better this way Andi! don't get too attached with them again para kapag iniwan ka nila ulit, hindi na ganoon kasakit.
before going to school ay napagpasyahan kong dumiretso muna sa room ng pinakapaborito kong tao, I just need to calm myself a bit, kahit matagal na, medyo masakit parin pala talaga kapag naaalala mo kung paano ka nagawang iwan ng mga taong hindi mo inaasahang iiwan ka rin sa dulo
"ATEEEE!" tili ng isang batang makulit ng makita akong papasok ng kwarto niya
"Cass, dont shout like that" pagsusuway ko dito bago ito binuhat at pinugpog ng halik sa pisngi
She is Cassiopeia Verillo, My Little Sister, My Mommy died while giving birth to her but I never blame her for that, alam ko namang wala siyang kasalanan and who am I to blame an innocent child?
"Ate? chaan ka pupunta?" tanong ni Cass with her pouty lips nang mapansin niya ang suot kong uniform
"pupuntang school si Ate" sagot ko naman at nginitian siya
"Chama si Cashopeya Ateee" paglalambing naman nito at sinandig ang kaliwang pisngi nito sa balikat ko
"Hindi pwede eh, pasasalubungan ka nalang ni Ate pag-uwi, anong gusto mong pasalubong?" sabi ko nalang dahil nakita kong nagbabadya na ang luha sa mga mata niya
"Chama Cashopeya!" pagpupumilit nito
mahinang pinisil ko naman ang ilong nito, kapag ganito siya ay hindi ako nakakatanggi sakanya dahil sa sobrang kacute-an niya, but what can I do? hindi ko talaga siya pwedeng isama sa school.
"Cass hindi talaga pwede, puro mga adults na yung nandoon, babies are not allowed in there" pagpapaliwanag ko na kinakunot naman ng noo nito
"I'm not a baby anymore! big girl na ko Ate" napangiti nalang ako ng makita ko ang inis na rumehistro sa mukha nito
sarap pisilin ng pisngi!
"Don't worry Cass, next time isasama na kita but for now anong gusto mong pasalubong pag-uwi ko?" masayang ngumiti naman ito at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang maliliit niyang mga kamay
"Gusto ko Jabee ate! yung spaghetti tsaka chickenjoy" excited nitong saad kaya't napatawa nalang ako dahil dito
"Okey okey, just promise ate that you'll be a good girl hmmm?" sabi ko dito, ngumiti naman ito ng malawak at masayang tumango
"Opo Ate" she said that made me smile once again
~~~~~~~~~~~~~~
Nakarating na ako ng school and I just rolled my eyes nang magsimula nanamang magbulungan ang mga nasa paligid ko
what's wrong with them?
Grade 9, Junior High School palang ako ay dito na ako nag-aral sa L.A. at ngayong First year College na ako taking BS. Psychology ay hindi ko parin talaga mapigilang mairita dahil sa araw-araw nalang na ginawa ng diyos, everytime na makikita nila ako ay ipanangangalandakan nilang ako ang topic ng pagbubulungan nila
napabuntong hininga nalang ako at pinagpasyahang balewalain nalang iyon, nagdirediretso nalang ako sa room ko, hindi ko naman ikayayaman kung pagtutuunan ko pa ito ng pansin.
Nang makarating sa classroom, lahat nang mga kaklase ko ay napabaling ang atensyon sakin
ganoon na ba talaga ako katakaw atensyon? tss
nagdirediretso nalang ako sa bakanteng upuan sa dulong bahagi ng classroom at umupo dito
this is the only seat na pinakapayapa, dahil wala akong katabi, walang mangungulit at walang kakausap saakin
isn't that great?