"Drake, F*ck off! She's Mine!" rinig kong sigaw ng pamilyar na tinig galing sa kung saan, agad naman akong napalingon doon at hindi mapigilang mapangiti ng makita si Draven Ngunit mabilis na napalitan ang pagngiti ko ng labis na pagtataka dahil sa nakakunot na noo, nakaigting na panga at nakakuyom na kamao ni Draven Galit ba ito? Masama ang mga tingin nito na naglakad palapit samin ni Drake na napag-alaman kong nakatatanda niya palang kapatid at nang makalapit ito ay hinatak ako ni Draven at tinago sa likuran niya Nagsukatan ng tingin ang magkapatid na para bang nag-uusap sila ng walang lumalabas na salita sa bibig Hay naku! Paano ba ako napunta sa sitwasyon na ito? Flashback >> Matapos ng pag-uusap namin ni Draven ay dumiretso na ako sa napag-usapan naming lugar kung saan

