It's already 3 in the afternoon at kasalukuyan akong naglalakad palabas ng School, kakatapos lang ng klase and unlike other students na nagagawa pang mag-stay sa school para makipag-chikahan, I prefer going home, magbabasa nalang siguro ako
Dumiretso ako sa isang Convenient Store at napagpasyahang bumili ng snacks ko, masarap magbasa habang kumakain
Tumingin ako sa mga hawak kong mga pagkain pagkatapos kong maglibot-libot sa Convenient store at chineck kung nandun na ba lahat ng kailangan ko
Isang balot ng Fudgee bar ✔
Dalawang Lays ✔
Dalawang Pringles ✔
Tatlong balot ng Gummy bears ✔
Dalawang balot ng Marshmallows ✔
Isang Malaking Pik-Nik ✔
hmmmm? parang may kulang?
Ay oo nga, wala pa yung Favorite kong Potato Chips!
agad na hinanap ko iyon sa Junkfoods Section ng store at halos magliwanag ang mga mata ko ng makita ito
Nang makuha ko iyon ay agad na akong dumiretso sa Counter, ngunit hindi pa ako nakakalayo ay may kung sinong humablot ng potato chips sa mga kamay ko
dahil nga sa marami akong hawak kaya't pagkahila ng potato chips sa mga kamay ko ay kasabay na nagsipaghulugan ng mga bitbit ko
inis na nilingon ko ang lapastangan ngunit ang walanghiya ay tinalikuran lang ako at nagpunta na sa Counter para bayaran ang potato chips na kinuha niya sakin
Sh*t! that was the last one!
Stay Calm Andi! wala ka nang magagawa binayaran niya na yun and you can't do anything.....F*ck I can't stay calm
agad na sinugod ko ang kung sino man na iyon na kumuha ng potato chips ko, palabas na ito ng store kaya't mabilis na hinarangan ko ang daan nito
nakita ko ang bahagyang pagpipigil ng ngiti nito pero wala akong pake
nilahad ko ang palad ko, kailangan ko yung potato chips, ako ang nauna dun, kung gusto niya nun edi sana mas maaga siyang pumunta nung store
"Oh? I'm Draven, nice meeting you" sabi nito at shinake ang hands ko
What the Eff? Is he crazy?
I immediately take his hands away from mine at sinamaan siya ng tingin
tinaasan naman ako nito ng kilay na parang nagtataka
"Give me my Potato chips, ako ang nauna dyan" I seriously said, napakunot noo naman ito at napatingin sa hawak niyang potato chips bago ngumisi at nilapit ang mukha saakin
"This? well I already paid for it" sabi nito and he smiled from ear to ear na lalong nakapagpainit ng ulo ko
Calm down Andi, you need to calm down or else baka maging murder scene ang Convenient store na ito
"I will pay for it, just give it back to me, ako ang naunang kumuha dyan and that's the last one" pagpapaliwanag ko dito na puno ng pagtitimping huwag itong masapak dahil sa nang-iinis nitong mga ngisi
"Well sorry dear, nauna ka mang kumuha but I payed for it first so it's mine" sabi nito bago dahan dahang binuksan yung potato chips, nanlalaki naman ang matang pinanuod ko ang bawat galaw niya dahil sa hindi ako makapaniwala, Why this Jerk!?! kumuha siya ng isa sa nakabukas nang potato chips at dahan dahang nginuya ito sa harap mismo ng mukha ko
F*ck it!
Sa inis ko ay tinapakan ko ang kanang paa niya at hindi pa ako nakuntento diniinan ko pa ito kaya't napahiyaw siya sa sakit at nagtatalon habang hawak hawak ang tinapakang paa niya
"Jerk!" I said before leaving him inside that Convenient Store
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dumiretso nalang ako sa Jollibee matapos ang engkwentrong iyon dahil Unang una sa lahat, nagugutom ako at pangalawa dahil pinangakuan ko si Cass na papasalubungan ko siya
Matapos makapag-order, bitbit ang mga order ko ay agad na naghanap ako ng mauupuan, at kung sinuswerte ka nga naman may isang couple na papaalis na kaya't dumiretso ako dun at agad na naupo bago pa ako maunahan nang kung sino
nilabas ko sa bag ang Physics book ko at binuklat iyon bago sinimulang kainin yung Fries ko
hmmm?
The kinematic formulas are a set of formulas that relate the five kinematic variables listed below.
Δx Displacement
t Time interval
v0 Initial velocity
v Final velocity
a Constant acceleration
If we know three of these five kinematic variables, Δx, t, v0, v, a-for an object under constant acceleration, we can use a kinematic formula, to solve for one of the unknown variables.
napahinto ako sa pagbabasa at agad na nag-angat ng tingin ng mapansing hindi ako nag-iisa sa lamesa ko
napataas ang kilay ko nang makita ang pagmumukha ng pamilyar na salot sa buhay ko, ang bwisit na nilalang na nanira ng araw ko
nakita ko ang hindi makapaniwalang ekspresyon na nakarehistro sa mukha niya pagkakita saakin, What a Great Pretender, if I know sinundan niya lang talaga ako dito para bwisitin ako lalo
"Ikaw pala yan Miss?" saad nito na para bang hinihintay niyang banggitin ko ang pangalan ko
tss akala naman niya mauuto niya ako
agad na binalik ko nalang ang atensyon sa librong binabasa, wala akong mapapala kung pagtutuunan ko pa ng pansin ang bwisit na nilalang na iyan
"Look miss-whoever you are, I'm sorry sa ginawa ko kanina, I know I act like a jerk...."
"oh? surprisingly you know you're a jerk" I sarcastically said cutting him off without even looking at him
"Patapusin mo naman ako, I'm trying to apologize here" naiinis na nitong saad
hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa way ng pagsasalita niya, para siyang batang hindi mapagbigyan sa gusto nito
"You smiled" he said na parang shocked na shocked kaya't napatingin ako sakanya
at kita ko ang gulat sa mukha niya
"What?" I asked habang halos magdikit na ang mga kilay ko sa pagkakakunot ng noo
"I said, you just smiled" masaya nitong turan, okey? he's acting weird
"And so? Hindi ba ako pwedeng ngumiti?" tanong ko dito at tinaasan ito ng kilay
ngumiti naman ito ng pagkalawak lawak na ikinataka ko
What's his problem?
I think he has some mental Issues
"You should smile often, you look beautiful with it" sabi nito that made my heart skip a beat
what the hell is wrong with my heart?