Chapter 1: Why is it so hard to introduce?
Hindi man madali pero bat nga ba mahirap makipagusap sakanya? Matagal nanaman na kame nagkikita, tapos close yung batch natin sakanya. Bat ba kame lang hindi nag-uusap
Andito ako ngayon sa bahay ng tropa ko overnight kame and ewan ko paulit ulit na yung rant ko pero paulit ulit din yung sagot ng tropa ko saken (alangan Celi paulit ulit ka nadin kakareklamo dyan sa 6 years crush mo aba sino di maiirita dyan)
Selenne: alam mo mo na sagot dyan sa tanong mo diba? Di ko na uulitin
Sagot ng tropa kong ubod ng sipag habang nagsasagot ng assignments nya para mabawasan na daw. Selenne Nashlea Vanez my over sa kasipagan mag-aral bestfriend since childhood, same kame ng pinupuntahan na kindergarten, elementary and syempre this highschool pero ewan ko lang sa college kase medical course kukunin nya kaya baka dun na kame magiba ng landas. Aba thank you naman kung ganun at nasasawa na ko sa mga sermon nya saken lagi charot. Pano sya yung "mom" of the group namin tipong malaman nya lang M.U namin eh ijajudge nya daw muna bago iapprove kaya nung isang beses nagkabebe ako tinago ko sakanya ayun nagkatampuhan. Ang ending 2 months lang din kame nung nakalandian ko kaya no issue nadin hekhekhek.
Celieste: ehh Sel naman eh, hmp eh ikaw Cha-cha? Dali na di ko na kase talaga alam gagawin ko kung aasa padin ba ko dun oh ano
Charm: Alam mo gagawin?
Sagot nya na alam mong di mapagkakatiwalaan sa tono palang.
Charmainne Krislovve Chendez my bestfriend since childhood din pero elementary kame naging magkaklase and naging close tapos pinakilala ko kay Selenne, selos pa nga sya nung una kay Charmainne eh di nya daw vibes pero si loka ayun naging gusto bigla after sya pinagtanggol nung isang beses na nabully sya nung nasa 4th grade. Dikit ng dikit kay Charmainne after nung incident na yun kala mo naman di nya binabackstab noon, charot siniraan. Etong babae na to apakachill lang lagi as in kahit grades wala syang pakealam, tipong kame nagcacram na kame kase pasahan nun hanggang 4pm lang tapos sya natutulog pa. Pero kakaiba din to, magugulat nalang kame pag ipapasa na namin mas nauna pa sya sa 1st honor namin na magpasa. Silent killer din pala to edi sana nakahingi ako sagot charot nag-aaral din ako no grade conscious,,,, slight na medyo.
Celieste: Oh ano??
Charm: Kain ka bubog.
odiba sabe sayo eh, eto lang kinakainis ko dito malakas lagi mambara
Celieste: Ehhh Cha-cha ayos kaseee
Charm: Alam mo naman di ako matino kausap bat tatanungin mo pa ko sa ganyan
Celieste: Panget naman nento kabonding, sagot lang eh damot
Charm: Ganto lang kase yan, it could be torpe sya or sadyang tahimik lang sya na tao. Di naman din namin sya ganun nakakausap talaga unless kung ikaw una kakausap dun sa tao.
Celieste: Eh panooo di ko kaya huhu di talaga kame close
Charm: Alam mo wag mo nalang ako kausapin ha.
Celieste: Hehehehehe pero thank you sa payo charm, sadyang ako na siguro yung problema huhu. Pero diba ang lalaki dapat lagi nagfifrst move? Diba?? Diba?? Wag nyo sabihing mali ako
Charm: Mali ka.
Selenne: I stick with the boy who always do the first move. Kase mas bet ko padin yung traditional way kesa ngayon na madalian nalang maghi sa chat sobrang korny walang kaeffort effort.
Celieste: Oh diba! Sabe na di lang ako eh huhu
Charm: Namomorblema ka ng ganyan eh ang tanong, gusto ka ba nung tao?
Celieste: Syempre! di ko alam
Selenne: Oh then ask him. Wala ka malalaman kung panay ka lang dyan assume sa sarili mo. You should confirm it directly to the guy. Malay mo diba
Celieste: Ehhh wag mo ko paasahin charot. Kung malakas lang talaga loob ko huhu
Selenne: Hay nako Celi pinapahirapan mo lang sarili mo. Basta pinayuhan ka na namin
Charm: Di ako damay dyan ah.
Selenne: Shut up Charm, ah basta you do the work nalang siguro para matahimik nadin yang utak mo.
Celieste: Eh etong utak ko pag nahanapan ko na ng solusyon may panibago nanamang tanong to, kaya wala din
Charm: Edi pugutin mo na, akin na ako pupugot
Selenne: Samahan kita dali para wala na pinoproblema tong babaita na to.
Celieste: Sige nga dali huhu
At tuluyan nga nila ako pinugutan, charot
Ganyan lang naman yung usual na usap namin kada nagoovernight, random things kahit yung isa nagawa ng assignment or yung isa naman panay bara lang saken. Pero love ko padin mga yan pag seryosong usap matitino padin naman din sumagot. Sometimes..... pero solid yan at matitiwala mo pagdating sa problem and answer maliban sa math.
And before I forgot, the name is Celieste Aschellia Yonaz my mom said she loves astrology stuffs kaya mostly ang name ko originated sya sa Astrology pero syempre iniba nila onti para may originality padin kahit papaano. Hirap kaya ko isulat yan noon nung paparaktisin na isulat sariling name but now I find my name unique out from the other names kase pansin ko din na andaming nagkakaparehas na name pero yung akin sobrang rare na parang rare na baboy, kunware natawa nalang kayo nagutom tuloy ako gusto ko ng steak. So anyways going back nakikipagtalo padin ako sa dalawa kung ano gagawin ko sa aking longest crush of the years. Pero kase diba kung di mo close yung tao edi syempre ang hirap na bigla mo dadaldalin out of nowhere tas ano random stuffs itatanong mo sakanya? Okay kung di nyo magets yung situation eto na ieexplain ko na.
F L A S H B A C K
Yung batch namin na tinutukoy ko it means parang magtotropa lang din pero I mean is same age kaming lahat pero syempre meron padin na mas nauunang year pag pasukan sa school. Our religion is born again christian and yes we all go to the same church since childhood pa and yun ang reason kaya may batch kame na magtotropa kase you know mostly is matatanda andun pero yun nga since bata kame andun na, we consider ourselves as magkakabatch since onti lang din kame and same interests.
As usual diba pag bata nakakapagusap ng random stuffs kase nga "bata" and samin ng crush ko yeah ganun lang din. NOON. Pero ngayon sobrang laki na ng agwat namin kahit sabihin mo nasa iisang tropahan kame. Actually nung bata pa kame di ko pa talaga siya crush non as in nakikita ko lang siya as "normal kid" na tahimik (introvert kase siya), ako pa nga mismo nalapit sakanya noon eh siyempre makulet ako noon ubod sa pagiging friendly pero ngayon takot na takot na sa madaming tao, charot, slight.
One time edi syempre lumaki na kame, I remember 1st year highschool ako nun, there's this upcoming Youth Camp in our church which is usually held every year pero ibang places lagi. So edi may gathering nun usap usap ganun may mga sariling grupo para sa event na yun, kame as usual magkakausap mga girls eh ako kase napatingin lang saglit sa right side ko nun eh sakto andun pala si Zerrel magisa lang nakaupo. Tas nagulat nalang ako etong isang "ate" namin bigla pala nilapitan si Zerrel tas sinabi na crush ko daw siya which is hindi pa nung time na yon. Edi syempre pag may issue kalat agad yan sinong tatanggi sa grasya diba basta nakulo pa yan. Simula nun lagi na kame inaasar dalawa, meron pa nga daw kame love team eh tawag "CeliRel" pero mas bet ko "ZeReste" para sounds like Zesto na juice para diba lagi naaalala charot naging choosy. Edi ayun dinala na namin hanggang pagtanda yang asaran nila without knowing na sila yung reason bat lalo kame napalayo sa isa't isa charot kala mo may something. Kala nyo natutuwa kame, syempre ako lang.
Hindi pero kidding aside yep sa una nadadala nadin pala ako sa asaran nila ganern hanggang sa puppy crush ko na pala siya pero ngayon narealize ko pagtanda ,na sobrang nakakaumay na. Tipong alam mo yung oo nasa iisang tropahan nga kame pero alam mo yun di talaga close, like total strangers ika nga. Nakakalungkot lang sa part na sa sobrang nasanay kame na inaasar never kame may encounter na usual na usap like a normal friend or person kase sobrang napaparanoid na kame na baka may mangasar bigla ganun. For me okay lang naman saken yung asar kase syempre sinong di kikiligin na iship ka sa pogi diba, pero yun nga nakikita ko sakanya na sobrang di siya komportable. Hoy maganda ako ah baka iimagine nyo na panget ako kase di komportable, well you know the feeling na nagkakaanxiety ka na dahil sa ubod ng umay na pang-aasar sayo ganern.
Syempre iba iba ang pakiramdam ng tao kaya syempre dat iniisip padin naten ang isa't isa lalo na kung si crush yan. Charot mabait na nilalang tayo Celi kaya dapat walang favoritism. Pero diba kung si crush syempre all time favorite yarn. Odiba ubod ng daldal ng utak ko pero ayun na nga.
I realized that way back in the past, my feelings was just a push-over, aminado naman ako na madali ako matulak na tao. Na tipong iasar mo lang ako kay ganto ganyan kilig talaga agad basta pogi. Ewan ngayon, nagtataka padin ako bat iniiisip ko padin siya? Nasanay lang ba sa kilig dahil sakanya? Or siguro iba na? I don't wanna also confuse myself for things like these kase baka mamaya pag naging kame (sana) di pala talaga kilig yun mamaya nadala lang pala talaga ako. Pero no, I know for myself that this is real feelings, no any push-over related things, just me and my feeelings for him. Pero I can't still say na this is love, because I know it has deeper meaning for that and maaga pa para maranasan ko yan.
At baka mapahaba nanaman ang kwento kaya yep that's the story on how me and my crush becomes a tropa but is usually treated each other like a total strangers. Kung kulang man yung info basta ikukwento ko nalang sa sunod.
E N D OF F L A S H B A C K
Celieste: Dali na kase Sel, ikaw tong aaya samen mag overnight tapos ikaw tong napakakj
Selenne: Eh lahat na ipagawa nyo saken wag lang yang pagsasayaw na yan, mapapagod lang kayo saken magturo. Mas okay nalang na tapusin ko tong ipapasa bukas
Celieste: Ay jusko po napaka simple nalang kamo nung steps. Cha-cha tulungan mo nga kase ako kumbinsihin to wag ka panay dyan hilata
It's already 2AM in the morning pero gising na gising padin diwa namin at naisipan ko na gumawa kame ng t****k. Syempre memories din to no, pag overnight namin walang word na tulugan ang uso samin.
Charm: Yung may twerk na steps kase gusto nyan, tamo baka ikaw pa turuan nyan
Selenne: Ay weh meron? Dali twerk lang gagawin ko
Charm: Oh diba basic
Celieste: Putek ganyan pala mga taste mo Sel ha di mo sinasabi saken
Selenne: Anoba bhie inaaral ko yan kase yan lang kaya ko gawin
Celieste: Magulat nalang ako nagviral na yang pwet mo sa t****k ha
Charm: Baka kamo masama na yan sa top 5 videos sa youtube
Selenne: Ayaw nyo nun may panggala na tayo lagi
Charm: Tas akin nalang yung matitira kase ako rason bat kita napatwerk.
Celieste: Oh dali na turuan na kita Sel para may pangkain na tayo
Umabot na kame ng siguro halos 4AM, pano ba naman kase panay twerk lang talaga alam ni Sel kaya ayan sa ibang steps sobrang natagalan kame turuan si babae. Kaya ang ending panay ilang take lang yung lamang tas isang matinong video lang meron kame, di pa nga yun sabay sabay eh. Ayun mga napagod kame kaya after nung t****k video making, panay chikahan nalang kame hangga't sa nakatulog na si Charm.
Selenne: Etong babaeng to lagi nalang, akala mo lagi nakaset na pag overnight dapat sya lagi nauuna matulog
Celieste: Yun nga eh, hayaan mo tayo namna may benefits at madami tayo pambati sa birthday nya
Selenne: Oo nga no HHAHAHAHAAAHHAHAHA panay ka bara samen ha, humanda ka
Celieste: HAHAHAHAHHAHAAHHAHAHA oo nga
Habang pinagtitripan namin si Charm ay bigla ko naisip na kamustahin si Selenne sa lovelife nya
Celieste: Sel kamusta na pala yung kinukwento mo saming nakakalandian mo sa omegle
Selenne: Ah wala yun, napakatoxic pala wala di nya nameet yun expectations ko
Celieste: Ilang months tinagal?
Selenne: Baka kamo weeks lang, 3 lang yung 1 week nga na huli eh paextend pa yun
Celieste: Ahh expired na pagdating ng 4th week?
Selenne: Yep exactly
Celieste: Hay nako HAHHAHHAHHAHAAHAHAHAHA
Etong si Sel sobrang taas talaga ng expectations nyan sa lalaki, pero wala naman syang iniistan na kpop group or something na sobrang crush na artista. Sadyang ganun talaga siyang tao, siguro narin sa pagiging independent woman niya or a mother figure para samen. Pero sometimes nag a-aagree nadin ako sa mga taste nya sa men pero sometimes no kase sobrang di na makatotohanan at imposibleng lalaki na yung tinutukoy niya. Ayoko madamay taste ko sa lalaki at baka samahan ko na siya mag madre balang araw. Kaya I stay as what I like para nadin yung utak ko nasa physical world pa hindi yung mala fiction characters or kdrama characters. Mahirap na at baka mababad pa ko dun.
Dumaan ng isang oras at napahaba ang chikahan namin dalawa and umabot sa point na mga deeper or serious conversations about sa life yung napaguusapan namin. Tutal wala naman kaming mga jowa kaya kame muna may late-night talks.
Selenne: Sayang di nadinig ni Cha-cha tong usapan naten
Celieste: Oo at hirap ka nanaman ulitin kwento mo nyan
Selenne: Oks lang yan sanay na ko magadjust, charot tara nadin magsleep at ilang oras na lang din maitutulog natin nako we have church pa tomo
Celieste: Ay oo nga kelanga ko magbeauty sleep at makikita ko na ang aking loves hekhekhekhek
Selenne: One-sided love kamo
Celieste: Alam mo ikaw, nahahawa ka na kay Cha-cha
Selenne: Oo virus yan eh, charot sige na goodnight na bakla
Celieste: Nightyy mwamwma
*lights off*
E N D O F C H A P T E R 1