PROLOGUE

599 Words
PROLOGUE "Y-young L-lady" the maid stuttered. Nawala ang atensyon ko sa mga naglalakihang puno na nakapalibot sa mansyon. Lumakad ako paalis ng balkonahe ng aking silid at tinungo ang aking kama at naupo sa sulok nito. "Are you afraid of me" I asked. Hindi nakatakas sa aking paningin ang kaniyang mga kamay na nanginginig bago niya ito itinago sa kaniyang likuran. Nanatili ang kaniyang nakayukong ulo, tila iniiwasan na mapatingin sa aking mga mata. "N-no Young Lady" usal nito subalit nangatal pa rin ang kaniyang boses. Ngumiti ako. "Come here" Kita ko ang pagkagulat at paninigas ng kaniyang katawan. She's indeed afraid of me. No doubt. Sino nga bang hindi matatakot sa akin. Lahat ng naninirahan dito sa mansyon ay takot sa akin. Hindi dahil sa ako ang amo nila at mayaman ang pamilya ko kundi takot sila dahil sa kaya kong gawin. They think I am a monster. Huminga ako ng malamin. Lagi nila itong pinaparamdam sa akin. That I am different. That I am nothing but a monster. That I am no human. That I am not a family. Ako na ang tumayo dahil hindi ito umaalis sa kaniyang pwesto malapit sa pinto ng aking silid. Humakbang ako papalapit sa kaniya. Don't be afraid. Sigaw ng aking utak. Hindi siya pwedeng matakot sa akin. Hindi pwede kahit ang pamilya ko. They just need to trust me and believe in me. Iyon lang ang kailangan ko upang bumalik ako sa dati. "Y-young L-lady, w-wag p-po" Sabi nito ng makalapit na ako sa kaniya. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at nanlamig ang aking katawan dahil sa kaniyang sinabi. I am not going to kill her. I am neither a killer nor a monster. Sigaw ng isipan ko. Tinawag ko lang siya upang makahingi ng tulong. Gusto ko ng makaalis sa lugar na ito at kailangan ko ng tulong dahil sa tingin ko hindi ko kakayanin ang tumakas ng walang tulong. "I am not going to kill you. I promise" saad ko Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Inabot ko ang kaniyang kamay upang pakalmahin siya ngunit napabitaw ako. Unti-unting nangitim ang kaniyang kamay na hinawakan ko at kita ko ang mabilis na pagkalat nito sa kaniyang katawan. Tila natutuyot ang kaniyang buong katawan hanggang sa ang natira nalang ay ang kaniyang balat na nangingitim at buto bago bumagsak sa sahig. Wala ng buhay at hindi na makilala ang mukha. Huminga ako ng malalim at nilapitan ang katawan ng katulong. Umupo ako at binuhat ang ulo nito. Hinaplos ko ang buhok nito na hindi naapektuhan. "Sabi ko naman sayo huwag mo kong katakutan. Tingnan mo ang nangyari. You are no longer breathing. You are no longer alive. Diba ayaw mo pang mamamatay?" Inilapag ko ng dahan dahan ang ulo niya sa sahig bago ako tumayo at pinagpagan ang puting bistida na suot ko. I killed her. I killed. AGAIN. Lumakad ako at bumalik sa balkonahe ng aking silid. Tanaw na tanaw ko ang naglalakihang mga puno at ang ibong malayang lumilipad. How I wish, ibon na lang sana ako. Atleast kahit nakakulong sa hawla hindi naman nakakakadena. Napatingin ako sa aking dalawang paa. Hilaw na napangiti ako ng makita ko ang kadena na nakapulupot sa aking paa. Malaya nga akong nakakagalaw sa silid na ito ngunit hindi ko rin iyon dama. Sa bawat paggalaw ko, rinig ang ingay ng kadena. Sa bawat pagtigil ko ramdam ko ang bigat nito. They are afraid of me but Little did they know, they are the ones who turned me into a monster.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD