CHAPTER 1

1964 Words
NApatingin ako sa salamin sa aking harapan. It is a full length mirror. Hinawakan ko ang aking kulay puting buhok. It is almost silver na may hanggang bewang na haba. Tuwid na tuwid ito. I have this ability that can manipulate  the color of my skin, eyes and hair. Bata pa lang ako alam ko na iyon. At first, inisip ko na iyon na talaga ang kapangyarihan ko. Nothing special but later on it turned out that I am more than special and I hate it. I don't like the idea of having a power that can easily destroy anything and everything. Para akong isinumpa. I am cursed. I am a monster. Iyon ang palaging naririnig ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Even this chain in my feet. I can easily break it but heck. I am afraid of myself. Afraid of the thoughts that I might destroy this whole room and worse this whole mansion. Thinking about that all of the people in this mansion might died in my hands makes me want to end my life. I am not a killer. Yes, I have killed many lives and it is not my fault. They are afraid of me. That's why. Isang malakas na pagsabog ang pumutol sa aking pag iisip. Agad akong tumakbo sa may balkonahe upang tingnan kung anong nangyayare. I saw how the mansion's barrier slowly breaking. Duon nakita ko ulit ang isang malaking bato ang sumalpok sa barrier ng aming mansion na naging dahilan ng tuluyan nitong pagkabasag at unti-unti na itong nalusaw at nawala. What is happening? Tanong ng aking utak. Naguguluhan ako dahil wala man lang kahit isa ang pumupunta sa aking silid upang sabihin kung anong nangyayare. Hindi rin naman ako makakalabas dahil sa nakakadena sa aking mga paa. Napatingin ako sa may ibaba. I am not knowledgeable when it comes to rebels but I am 100 percent sure that they are rebels. Ang mga taong nasa baba ay mga rebelde ng mundong ito. I once red a book about them. Pagala-gala lang sila sa labas. Sa capital at sa kahit saan. They are rebels because they use black magic. Sila yung mga taong walang kapangyarihan simula ng ipanganak sila and with the help of  black magic nagkakaroon sila ng kapangyarihan na katulad ng sa normal na mage. Elemental and others. Ang pinagkaiba nga lang, they produce black smoke along with their magic, ito ay kung baguhan palang. Ngunit sa pagtagal ng panahon, natutunan nila ang tamang paggamit upang hindi lumikha ng black smoke so they can deceive many mage. Matapang ang amoy nito ngunit hindi parin iyon sapat upang maamoy sila ng mga mage. Masakit sa ilong. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Kahit malayo sila sa akin at nasa ibaba sila amoy na amoy ko ang black smoke sa katawan nila. It's stingy. Kahit hindi sila maglabas ng kapangyarihan. Amoy ko pa rin sila. They are wearing black cloak and I can see from here that the back of their cloak has some kind of symbol that is color red. Patuloy na nakikipaglaban ang mga rebels sa mga kawal ng mansyon. Magic to magic. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. I know they can't hurt me. Lalo na at mga rebels sila. Their blood are now full of black magic. It can trigger my magic once na lumapit sila sa akin. "Haia" Napalingon ako sa may pinto ng aking silid. I saw my brother. Hinihingal ito na tila kagagaling lang sa matinding pagtakbo. "Kuya" mahinang usal ko. Ngayon ko nalang siya ulit nakita. Kahit nasa iisang mansion lang kami ay ni minsan, sa loob ng sampong taon hindi ko na siya nakita pang muli. "You need to get out from here. It is not safe anymore" Saad niya. He's in mid 20's now. Hindi na ako nagulat sa kaniyang sinabi. In one swift move. Nabasag ang kadenang nakatali sa aking paa. Napatingin ako sa hawak niyang palakol na gawa sa hangin. "Kuya" sambit ko ulit dito ngunit parang wala siyang narinig dahil umalis na din siya. Napatingin ako sa paa kong nakalaya na. Hindi ko namalayan na umaagos na pala ang aking luha. Wala akong nararamdaman na kahit ano ngunit lumuluha ako. Iyon ang isa sa epekto ng kapangyarihan ko. Simula ng gabing iyon kung saan lumabas ang aking tunay na magic, nawalan ako ng pakiramdam. Hindi pisikal kundi emosyonal. Kinuha ng kapangyarihan ko ang aking nararamdaman bilang isang tao. Patuloy kong pinupunasan ang luha sa aking pisnge ngunit patuloy sa pag-agos ang aking luha. Huminga ako ng malalim upang pigilan ito. Bumalik ako sa ulirat ng may biglang sumulpot sa aking harapan. Now I can clearly see how horrible their faces are. Iyon ang isa pa sa mga epekto ng black magic. Wala silang ilong at ang kanilang bibig ay walang labi. Ang ngipin nila ay matutulis at patuloy sa paglalaway. Wala rin silang tenga. Ang balat rin nila ay mukhang malagkit. "What are you doing here?" Tanong ko dito. I know they can talk. They are human after all. "Nagpunta kami rito upang maalarma ang iba pang maharlika ng Magical World. Masyado niyong inaabuso ang pagkamaharlika niyo. Hindi niyo alam natatapakan niyo na masyado ang mga nasa ibabang antas" Puno ng pait, poot at pagkasuklam niyang sabi. Ramdam ko ang gigil sa kaniyang bawat salita. Siguro kung hindi ako manhid maaring poot at pagkasuklam din ang nararamdaman ko sa pamilya ko. "Mali kayo ng pinuntirya" maiksing sabi ko dito. Halos sumakit ang aking ulo dahil sa pagpipigil kong mapalabas ang aking kapangyarihan. Ayoko munang mamatay ang rebelde sa harap ko dahil kailangan ko pa ng impormasyon. "Mali? Tama lang na nandito kami. Ang lahi ng mga Alke ang pangalwa sa pinakamarangyang tao sa Magical World. Kayo ang pangalwa sa rango ng mga maharlika. Ngayon mo sabihin sakin ngayon kung mali ang napuntahan namin?" Tumango ako. Hindi ko alam ang bagay na iyon. Siguro kung hindi ako nakakulong ay alam ko na iyon ngayon ngunit iba ang buhay ko sa aking mga pamilya. Kinulong nila ako at marahil hindi na ako kilala ng iba pa naming kamag anak. I once met my great grandfather. Ang ama ng angkan namin. He is 100 plus years old. He's no immortal. Sadyang mahaba lang kaniyang buhay dahil isa siyang mage. 200 years old ang max ng edad ng isang mage. "Umalis na kayo sa Mansion na ito" Tumawa ng pagak ang rebeldeng kaharap ko. Tila natuwa sa sinabi ko. "Alam mo hija, hindi ko alam na may tinatago silang dalaga na maladyosa ang ganda sa mansion na ito. Karamihan kasi sa edad mo ay nasa Royal Magian Academy. Duon diba ang tapunan ng mga kabataang maharlika" Royal Magian Academy? Nakakatawang isipin na noong bata ako ay pingarap kong makapasok sa lugar na iyon. Kampante ako na makakapasok ako doon dahil dugong bughaw ako. "Umalis na kayo" Ulit ko sa rebelde. "Nagpapatawa kaba?" sabi nito bago nag-apoy ang kaniyang kamay. Lalong lumakas ang amoy ng black smoke kahit wala namang lumalabas sa kaniya. Pumikit ako ng mariin. Iminulat ko ang aking mata at sa puntong tumama ang paningin ko sa rebelde ay agad itong natumba at katulad ng laging nangyayari. Natuyot at nangitim ang kaniyang balat at nawalan ng kalaman laman. Mabilis na bumalik sa dating kulay ang mata ko which is brown. My eyes always turns into silver when I can't no longer resist my own magic. Nabaling ang tingin ko sa aking paa. I am no longer trapped. Wala ng pumipigil sa natural na magic at ability ko. Huminga ako ng malalim at mabilis na nagteleport. Sa isang iglap. Nasa ibang lugar na ako. Napatingin ako sa paligid. Madaming dumadaan na tao at madami ding mga establishimento. Naglakad lakad ako. Napapalingon lahat sa akin ang mga tao sa paligid ko. Tila sinusuri ang istura ko. I am just wearing a white dress and I am barefooted. Inikot ko ang aking paningin. I am sure, nasa Capital ako ng Magical World. Ang pinakamalaking lugar sa lahat. Ang Magikos Capital. Nakakatuwang isipin na nasa Capital ako ngayon. Ngunit wala akong maramdaman na kahit anong saya at kagalakan. Naglakad lakad pa ako. Madaming magagarang sasakyan sa kalsada. Iyon ay ang kotse na iba-iba ang desensyo. Isa lang ang sasakyan sa magical word at ito ay kotse wala ng iba. "Mommy, look oh, there's a goddess" "Yes baby, pag laki mo ganyan ka din kaganda okay?" Napabaling ako sa batang nagsalita. She's cute. Dahil sa paglingon ko sa bata ay hindi ko napansin ang taong padaan kaya nabunggo ko ito. Wala sa sariling napahawak ako sa braso nito dahil kamuntikan na akong matumba. Agad akong napabitaw dito at tinitigan ang braso nito. Nothing's change. Nananatili ang kaniyang katamtamang kulay. Buti naman walang nangyaring masama. Tumingala ako upang humingi ng pasensya dahil hindi ko naman sinasadya na mabunggo siya. "Sorry" saad ko dito. Ngayon ko lang napansin kung gaano siya kantangkad. He is towering me. Nakatingala ako sa kaniya. He has a beautiful pair of dark brooding eyes. Itim na itim iyon na tila nanghihigop ng kaluluwa. He has a firm jawline and pointed nose. His lips looks so soft and kissable. He has a disheveled dark hair parang sinuklay lang gamit ang kamay. He looked at me from head to toe. Tila sinusuri ang aking itsura. "Pasensya talaga" Ulit ko pa dito bago ko napagpasyahan na umalis. Nakarating ako sa isang café kaya naman napagpasyahan kong magpahinga muna. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano ako ngayon. Kung saan ako matutulog at saan titira. Nagugutom na din ako. " Have you heard the news?" "Yeah, Alke's clan had been attacked by the rebels" "Naalarma lahat ng mga dugong bughaw. Balita rin na lalong lumalakas ang mga rebelde because of the so called black magic. May nakapagsabi din na habang tumatagal. Palakas ng palakas ang black magic sa katawan nila" "Padami na din sila ng padami" "Ang alam ko, isang pamilya lang ng Alke ang inatake. Wala daw namatay pero may nawawala hindi naman sinasabi sa balita kung sino parang hindi nga nila hinahanap" "Palibhasa may galit ang mga rebelde sa mga dugong bughaw. Balita ko ang pinuno ng mga rebelde ay dating alipin ng angkan ng mga dugong bughaw. I don't know the details" "Hija" Nawala ang atensyon ko ng may matandang umupo sa aking harapan. "Bakit po?" tanong ko dito. Ang matandang babae sa harapan ko ay tila may sinasabi ang kaniyang mga mata sa akin. "Kanina pa kita sinusundan. Wala ka bang matutuluyan?" tanong nito at tinanguan ko lang bilang sagot. Ngumiti naman ang matanda at hinawakan ang dalawang kamay ko na nakapatong sa table. "Hayaan mong tingnan ang iyong sarili sa anggulo ng iba" Napakunot ang noo ko sa sinabi ng matanda ngunit halos umikot ang aking ulo at halos maliyo ako sa hindi ko malaman na dahilan kaya napapikit na lamang ako. Pagkamulat ko ay nakaupo parin at nasa café parin ako. Napatingin ako sa harapan ko. Para akong nakatingin sa salamin. Walang mababakas na emosyon at kahit anong pagaalala ang aking mukha. "Bakit po?" Halos mangilabot ako sa sarili kong tinig dahil sa lamig noon. Seryoso ang mga mata kong nakatingin sa akin. Iyon ang sinabi ko kanina. Ngayon ko lang rin napansin na ang mga mata ng halos tao sa loob ng café ay nakatutok sa akin. Iba't iba ang mababasa mo sa kanilang mga mata. May namamangha, naiinggit at iba pa. Bumalik ang tingin ko sa aking harapan kung saan ako nakaupo kanina. Para akong nasa harap ng salamin at nakikipagtitigan sa aking sarili. "Ngayon alam mo na, Hindi pangkaraniwan ang presensya mo Hija, ang ganda mo ay walang mapaghambingan. Nahihiwagaan lang ako kung bakit walang kabuhay buhay ang iyong mukha kaya pagpasensyan mo na ang matanda kung nanghimasok ako sa buhay mo. Ikaw ay natatangi sa lahat" Rinig kong tinig ng matanda bago ako nawalan ng malay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD