CHAPTER 2

2358 Words
DAhan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Una kong nakita ang bubong na yare sa dayami. Napakunot ang noo ko. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko na nasa loob ako ng isang maliit na bahay kubo. Pinakiramdaman ko ang aking hinihigaan at napagtantong sa papag ako nakahiga. "Mabuti at gising kana hija" wika ng matandang babae. Natatandaan ko na siya rin yung nakausap ko sa café. "Ano pong nangyare? Bakit po ako nandito?" Ngumiti ang matandang babae. "Dinala kita dito sa munting bahay ko dahil nawalan ka ng malay. Naalala ko rin na wala kang matutuluyan. Huwag kang mag-alala hija. Mabait akong tao at may tiwala ako sayo" Sa unang pagkakataon. Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi ng matanda. Iyon lang ang kailangan ko upang bumalik ako sa dati. "Kilala kita at ang pagkatao mo hija" patuloy ng matandang babae "Paano po?" tanong ko dito "Isa akong witch hija. Kayong mga mage ay madaling basahin ngunit nahirapan ako sayo, nakakakita ako ng nakaraan. Pagpasensyahan mo na ang Lola Hija, may pagka pakealamera din kasi ako" sabi ng matanda habang tumatawa pa. "Ako po si Haia" saad ko dito. Tinanguan naman ako ng matanda at umupo sa papag sa aking tabi. "Isa kang Alke" Hindi iyon tanong kundi pangungusap. Hindi ako nagsalita. "Huwag kang mag-alala hija. Hindi kita ibabalik sa kanila" "Hindi po ako nag-aalala" mabilis na sagot ko sa matanda. Nginitian naman ako nito. "Simula ngayon. Tawagin mo akong Lola Fina at ikaw ay ituturing kong apo" Napangiti ako kahit wala akong nararamdaman na kahit ano. Alam ko lang sa mga oras na ito na dapat masaya ako dahil may taong handang tumanggap sa akin kahit na isa akong delikadong nilalang. 6 months later "Maligayang kaarawan Haia apo" masayang bati ni Lola Fina. Napangiti ako bago ito niyakap. "Salamat po" usal ko dito. Iniharap ako ni Lola Fina sa kaniya bago hinawakan ang magkabilang pisngi ko at ikulong ang mukha ko sa kaniyang palad. "Alam kong manhid ka Haia pero salamat dahil kahit wala kang nararamdaman na emosyon ay pinipilit mo parin ngumiti para sa akin" Ngumiti ako. Ngayon ko lang hiniling na sana hindi ako manhid. Minsan gusto ko din maranasan ang totoong kasiyahan at kagalakan. Pinunasan ni Lola Fina ang aking pisnge kaya naman wala sa sarili kong napahawak sa aking pisnge at duon ko lang naramdaman ang luha sa aking pisnge na patuloy na umaagos galing sa aking mga mata.Umiiyak na naman ako ng hindi ko man lang nalalaman. "Haia apo, 19 na taong gulang kana hija. Dalaga ka na nga talaga at lalo ka pang gumaganda" tumatawang saad si Lola. Nasa labas kami ngayon ng bahay kubo ni Lola. Nasa may kagubatan kami at paglabas ng kagubatan na ito ay may mga kabahayan na at hindi nalalayo sa Capital. May lamesang kahoy at doon nakapatong ang aking handa. May maliit na cake din na binili pa ni Lola Fina sa Capital. "Sa isang buwan apo, iiwan mo na ako" Malungkot na sabi ni Lola Fina. Kumunot naman ang noo ko. "Bakit ho?" takang tanong ko dito. "Ipapasok kita sa Royal Magian Academy. Doon naman talaga ikaw nararapat" Umiling ako. "Diba ho, inampon niyo na ako? Sabi mo po sa akin na apo niyo na ako diba kaya hindi na ako isang dugong bughaw" Ngumiti ng matamis si Lola Fina. "Oo Haia, Apo na kita ngunit hindi maaalis na isa kang buong dugong bughaw. Isa kang Alke ngunit hindi mo na iyon gagamitin sa ngayon ako ang bahala" "Ano pong ibig niyong sabihin?" nalilitong tanong ko. "Kakilala ko ang Headmaster ng paaralang iyon. Sasabihin ko na apo kita at ikaw ay magiging si Haia Sulivan" Tumango tango ako. Nang matapos ang aming maliit na celebrasyon ng aking kaarawan ay binigyan ako ng pera ni Lola Fina. Maglibot-libot daw muna ako sa Capital habang siya ay may inaasikaso na hindi ko alam kung ano. Nakasuot lang ako ng fitted jeans, boots na may heels na 2 inch at fitted black t-shirt kaya lalong umangat ang maputi kong balat. Hinayaan ko din na nakalugay ang aking hanggang bewang na buhok. Kumpara sa mga araw na pagpunta ko sa Magikos Capital ay mapapansin kong mas maraming tao ngayon dahil sabi sa akin ni Lola Fina ay bakasyon kaya malayang nakakagala ang mga kasing edad ko at mas bata sa akin na pumapasok sa Royal Magian Academy. Hindi din ako nag-aalala na baka may makakita sa akin na kakilala ko dahil ang pamilya ko lang at si Lolo at si Great Grandfather ang nakakaalam sa pagkatao ko. Hindi naman sila mahilig pumunta sa Capital. My family is consist of 5 members. Mommy, Daddy, Si Kuya Theo at Si Ate Aleia na mas matanda sa akin ng dalawang taon at ako. We are very close back then pero nagbago na ang lahat. Everything had changed. Pumasok ako sa paborito kong café at umorder ng frappè. Umupo ako sa malapit sa glass wall dahil paborito kong pagmasdan ang mga tao sa labas. "Mas maganda pa rin ako" "Insecure ka lang Fhana, parang hindi ka napatulala kanina nung pumasok yan dito" "Hindi naman talaga, che!" "Pasalamat nalang tayo at hindi natin kasama yung mga damuho" "What are you saying Georgina? And what is damuho by the way?" "Ang arte mo Fhana, tigilan mo nga kami" "I am not talking to you b***h" "Shut up, Pheobe wag mo ng patulan si Fhana" Napalingon ako sa katabing table ko dahil sila lang yung maingay sa loob ng café na ito. Pinagmasdan ko lang silang tatlo. Magkakaiba ang kanilang awra. Ang isa ay sobrang girly, ang isa naman ay seryoso at ang isa ay sa tingin ko ang pinaka normal sa kanilang tatlo. Nagtama ang paningin namin nung babaeng sobra ang pagkagirly. Kita ko na natigilan siya at nanlalaking mata at napatakip pa ito sa kaniyang bibig na tila gulat na gulat. Hindi ko nalamang iyon pinansin at tumayo na upang umalis. Lumabas ako ng café at naglakad na at bahala na kung saan dalhin ng mga paa. Napatigil ako dahil may nakita akong tuta na nakalagay sa kahon sa may tabi ng kalsada. Kumunot ang noo ko at tumingin sa paligid. Umupo ako upang tingnan ang kawawang tuta. Kulay puti ito at talagang napakakapal ng kaniyang balahibo kaya hindi ako nagdalawang isip na haplusin ang kaniyang balahibo. Napangiti ako dahil tila natuwa ang tuta sa aking paghaplos sa kaniya. Hindi naman siguro magagalit si Lola Fina kung mag aalaga kami ng tuta diba. Kinarga ko ang tuta at tumayo na. Saktong pagtayo ko ay may nabunggo ako kaya naman muntik na akong matumba. Buti nalang talaga at nahawakan ako nito sa braso dahil bitbit ko ang tuta. Tumingala ako upang humingi ng tawad at magpasalamat ngunit parang natuod ako sa aking kinatatayuan ng makita ko ang mukha ng lalaking nakabunggo sa akin. Parang deja vu ang lahat. Hindi ko alam pero ramdam ko na nangyare na ito at talagang pamilyar ang kaniyang istura sa akin. Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo na tila may malalim na iniisip. Napatingin ako sa aso dahil kinikiskis niya sa aking braso ang kaniyang ulo kaya nawala ang atensyon ko sa lalaking aking nasa harapan. Nag-angat uli ako ng tingin para magsorry ngunit nabigla ako ng nasa ibang lugar na ako. Kumunot ang noo ko. Paanong nakabalik agad ako sa bahay kubo ni Lola Fina, ni hindi ako nagteleport. Napatingin ako sa tutang buhat ko at kusa itong tumalon upang makababa. Kumunot ang noo ko ng mapansin kong parang lumalaki ng lumalaki ang tuta. Pinagmasdan ko ito hanggang sa maging kasing tangkad ko na ang laki ng tuta at ngayon ay hindi na siya pwedeng tawaging tuta at nagbago na ang kaniyang itsura at naging isa na siyang napakalaking lion. A White lion. Buti nalang at nasa labas kami ng bahay-kubo dahil baka nasira na ngayon ang kubo ni Lola Fina dahil sa napakalaking white lion sa harap ko. Mas matangkad siya sa akin at napakalaki niya talaga. Pwede na niya akong kainin ng walang kahirap-hirap. Yumukod siya at iniluhod ang kaniyang dalawang paa sa unahan na tila nagbibigay galang sa akin. "Ako si Ore ang bantay ng natatangi, ang maglilingkod sa iyo Young Lady" Usal nito sa aking isipan. Naguguluhan man ako sa kaniyang sinabi ay agad din na lumapit ako sa kaniya at pinat ang kaniyang ulo. Sa isang iglap ay bumalik na siya sa pagiging isang maliit na tuta. THIRD PERSON'S POV "Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Fhana sa tatlong lalaking nakaupo sa tabi nila. "Pakelam mo ba, tinanong ba namin kayo kung bakit kanina pa kayo dito? Diba hindi" makulit na saad ni Fenrell at halata mong nang iinis ang tono sa kaniyang pinsan na si Fhana. Hindi naman bago iyon sa kanilang mga kaibigan dahil madalas silang magpikunan. "Ewan ko sayo Fenrell, bakit ba kita naging pinsan. Che!" Maarteng sabi ni Fhana kasabay ng maarteng paghawi ng buhok. Tahimik lamang na nagmamasid sa kanilang dalawa ang apat pa nilang kaibigan na sina Georgina, Reiko, Phoebe at Kyrios. "Tumigil nga kayong dalawa, bakit ba ang highblood mo na naman Fhana?" Kunot noong tanong ni Reiko sa babae nang hindi na kinaya ang pagmamaldita nito kay Fenrell. "Hindi pa nakakamove on sa pagkainsecure dun sa babaeng nakita namin kanina" pagsali ni Pheobe sa usapan na kanina pa nakikinig. Hindi nakatakas ang pag irap nito sa kaniyang mga kaibigan. "Maganda ba?" Interesadong tanong ni Fenrell habang nakangisi ng wagas. "Hindi" maikling ni Georgina na kanina pa nananahimik at walang imik. Napatinngin naman sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan maliban lang sa isa. Si Kyrios na mukhang hindi interesado at may sariling mundo. "Hindi naman pala" nanghihinayang na saad ni Fenrell na para bang pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang pagsimangot. " Anong hindi George?" naguguluhang tanong ni Pheobe dahil sigurado siya na ang babaeng nakita nila ay sobrang ganda. Sa tingin nga niya ay ang babaeng iyon ang pinaka magandang babaeng nakita niya sa buong buhay niya. "No words can describe how gorgeous she is" Seryosong saad naman ni Georgina. Iyon ang kaniyang kanina pang nais iparating sa kaniyang mga kaibigan na kyuryoso sa babaeng nakita nila. Nagpapasalamat din siya na wala ang lalaking si Kyrios kanina. Tumango naman si Pheobe sa sinabi ni Georgina. Iyon din ang kanina pa niyang iniisip. Wala siyang salita na mahanap tungkol sa kagandahan ng babaeng iyon. "Can you describe her please" malambing na saad ni Fenrell ang babaero sa tatlo. Tila kumikinang-kinang pa ang mga mata nito habang magkadaop ang palad. "She has long white that is almost silver hair, fair skin, pointed nose, beautiful eyes, long lashes, pinkish lips. I wonder kung naka liptin ba siya or what. Basta ang hirap kasing idescribe parang kulang sa words" wika ni Phoebe. Napairap naman si Fhana dahil hindi man niya aminin ay sang-ayon parin siya sa sinabi ni Phoebe. Naiinis lang talaga siya dahil hindi niya kayang lampasan ang kagandahan ng babaeng iyon. "Change topic guys. Ayoko ng pag usapan ang babaeng iyon" Maarteng saad ni Fhana kaya naman tumawa si Fenrell. Napabuntong hininga naman si Reiko dahil alam niyang hindi talaga natigil ang magpinsang si Fhana at Fenrell na magpikunan. "Inggit ka lang" tumatawang saad ni Fenrell dahil alam na alam niyang napaka insecure na babae ni Fhana. "Stop it" Suway ni Reiko kaya naman napairap si Fhana dahil magsasalita pa sana ito upang ipagtanggol ang kaniyang sarili laban sa makulit nitong pinsan. Napansin naman ni Fenrell ang katahimikan ni Kyrios na kanina pa hindi naimik. Sanay na sila na lagi itong may sariling mundo. Himala nalang siguro kung may makaagaw ng pansin nito. "Dude panis na laway mo" Natatawang saad ni Fenrell kay Kyrios. Napailing naman ang apat sa inasal ni Fenrell. Para bang bago lagi sa kaniya ang ugali ng lalaki kahit na alam na alam naman niya na ayaw ni Kyrios na makisali sa usapang walang kwenta. "So?" napapikit ng mariin si Georgina sa boses ng kaniyang kaibigan na si Kyrios. Maging si Fhana ay parang nahipnotismo sa lalim at ganda ng boses ni Kyrios. "Wag mong istorbohin Fen, natutulog yan" wika naman ni Reiko habang umiiling. "Natutulog mulat? Nainom pa ng kape?" Natatawang turan ni Fenrell na ayaw talagang magpa-awat. Dahil katabi ni Fhana si Kyrios ay agad itong nakalingkis sa lalaki. Crush na crush ni Fhana si Kyrios. Bata palang sila ay ganon na siya. "Get off of me" malalim at seryosong turan ni Kyrios kay Fhana na nakalingkis sa kaniyang braso. Ayaw na ayaw pa naman ng lalaki na may dumidikit sa kaniya lalo na ang makulit niyang kaibigan na si Fhana na napaka isip-bata ng ugali. "No" matigas na wika ni Fhana na pilit hinihigpitan ang pagkakalingkis sa braso ni Kyrios. Napatiim-bagang si Kyrios dahil kung hindi  niya lang ito kaibigan ay kanina niya pa itong inihagis palabas ng coffee shop. "Fhana" tawag ni  Georgina sa kaniyang atensyon na kanina pa masama ang tingin kay Fhana. Napabaling naman ng tingin si Fhana sa kaniya. "What?" Maarteng wika ni Fhana habang nakataas ang kilay. "He said get off, wag ng ipagpilitan kung ayaw naman sayo" Seryosong saad ni Georgina. Kahit alam niyang wala namang gusto si Kyrios kay Fhana ay hindi niya mapigilang hindi magselos sa nakikita. Alam niyang may pagkamakulit si Fhana at hindi ito titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto. Alam naman nilang magkakaibigan na may gusto si Fhana kay Kyrios, iba sa nararamdaman ni Georgina dahil mas seryoso ang sa kaniya. Matagal na itong inlove kay Kyrios. Hindi niya lang pinapahalata dahil natatakot siyang layuan ng lalaki. Alam pa naman niyang ayaw na ayaw ni Kyrios ng babaeng nangungulit sa kaniya katulad ni Fhana. Gagawin ni Georgina ang lahat mapasakaniya lang ang lalaking tinitibok ng puso niya. "Why Georgina? Selos ka noh?" pang-aasar naman ni Fenrell sa kanya kaya hindi niya mapigilan na magblush. "Uy nagbablush. Kailan pa yan ha" tinusok tusok pa ni Phoebe ang tagiliran ni Georgina na tila nang-aasar. "Tigilan niyo ko" wika nito sa mga ito. Napatingin naman si Georgina kay Fhana na masama ang tingin sa kaniya. Umiwas na lamang siya ng tingin sa babae. Napatingin naman siya kay Kyrios na nakatingin na pala sa kaniya kaya mabilis siyang nag iwas ng tingin. Tumayo na sila upang bumalik sa Royal Magian Academy. Kahit bakasyon ngayon sa Academy parin sila nakatira hanggang sa gumraduate sila. Iyon ang patakaran ng Royal Magian Academy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD