CHAPTER 3

2033 Words
HAIA'S POV NAkatingala akong nakadungaw sa napakataas na gate ng Royal Magian Academy. Napapalibutan din ng malaking pader ang palibot ng Academy. Hinawakan ni Lola Fina ang aking kamay. "Halika na Haia apo" naglakad na kami ng bumukas ang malaking gate. "Ang lawak ho dito" sabi ko kay Lola Fina. Kita ko sa gilid ng aking mata ang kaniyang pag ngiti. "Tunay ka diyan Haia apo. Maliligaw ka sa sobrang lawak ng paaralan na ito" Hindi na ako nag salita pa at pinagmasdan nalang ang kapaligiran. May malaking building sa gitna na mistulang malawak na kastilyo at may  tig dalawa pang magkahiwalay na building sa kanan at kaliwan. Ano kaya ang apat na building na iyon. Mukha din itong kastilyo ngunit mas may kaliitan pero alam kong malaki iyon sa loob. Tumigil kami sa harap ng malakastilyong gusali. "Haia apo, yang nasa left wing na yan" tinuro niya ang isang gusali na mas maliit sa main building "Yung unang building na may kulay Blue na flag, iyan ay para sa mga Water elementalist, yung katabing building naman nito na may kulay Green na flag ay para sa mga Earth elementalist" Tumango ako. Bumaling naman kami sa aming kanan. Sa may right wing. "Yung nasa unahan na may White flag ay para sa Air elementalist at yung katabi na gusali na may Red flag at para sa mga Fire elementalist. Dormitoryo ang mga iyon hija. Alam mo na naman kung saan ka diyan diba" Tumango lang ako at napatingin sa White Flag. I am an Air Elementalist. Nasa dugo na namin iyon. Pumasok kami sa main building at walang duda sa ganda ang lugar na ito. Maging sa loob ay tila nasa isa kang kastilyo. Hindi ko alam kung bakit saulong saulo ni Lola Fina ang lugar na ito. Inilibot niya kasi ako sa buong main building. Walang katao tao dahil bakasyon parin ngayon. Huling bakasyon dahil bukas ay ang opening classes. Malawak ang cafeteria at may malaking chandelier sa taas. Halatang mamahaling mga mwebles ang ginamit sa buong lugar na ito. Sabagay isa itong paaralan para sa mga dugong bughaw. Pati ang mga classroom ay maganda at hindi pangkaraniwan. Ang gymnasium at ang Arena ay sadyang napakalaki. Hindi ko alam kung bakit nagkasya yon sa mainbuilding na ito. Buong 6th floor sabi ni Lola Fina ay Arena. Kalahati naman ng 5th floor ay ang Gymnasium at ang kalahati ay Laboratory. Ang 4th floor hanggang 2nd floor ay mga classrooms. Ang 1st floor ay Cafeteria at mga staff and faculty room, nasa first floor din ang Headmaster's room. Sa likod ng main building ay napakalawak na soccerfield at may mga garden din sa may dulo ng soccerfield. Hindi na ko nag abalagang mag tanong kay Lola Fina kung bakit niya alam ang pasikot-sikot sa buong Academy dahil kung gusto niya iyong sabihin ay sasabihin niya sa akin yon ng hindi ako nagtatanong. Kumatok si Lola Fina sa Pinto ng kwarto ng Headmaster. May nakapaskil sa pinto na Headmaster's Room. "Come in" wika ng boses matandang lalaki. Binuksan ni Lola Fina ang pinto at pumasok kami. Naabutan kong busy sa mga papel ang Headmaster. Napatingin ako sa plaque na nasa kaniyang harapan. Draco Hesh Headmaster "Take your seat" saad nito ng hindi nag aangat ng tingin. Magkatabi kaming naupo ni Lola Fina sa harap ng table ni Headmaster. "Magandang hapon Headmaster" wika ni Lola Fina kaya umangat ang tingin ni Headmaster sa amin. Tila nagulat pa siya ng makita si Lola Fina. "Josefina" Matigas na wika ng Headmaster. Tahimik lang ako sa gilid. "What are you doing here?" Matigas parin nitong saad. Seryoso ang kaniyang mga mata na nakatingin kay Lola Fina. "Hindi ako manggugulo Draco. I am here to enroll my grandchild" Nakangiting wika ni Lola Fina. Bumaling sa akin ang atensyon ng Headmaster. Kita ko ang pangungunot ng noo niya bago nag iwas ng tingin at tumingin ulit kay Lola Fina. "You can't just enroll anyone here Josefina. Ang mga mag-aaral sa lugar na ito ay dugong bughaw. Anak ng maharlika. Alam mo iyan" May halong galit na saad ni Headmaster. Napalingon ako kay Lola Josefina ng maramdaman ko ang hawak niya sa kamay ko. "Just this one Draco. Ito na ang huling hiling ko sayo. Ipasok mo ang batang ito sa paaralan na ito" Pag mamakaawa ni Lola Fina. Kumunot ang noo ko. "Lola Fina" Tawag pansin ko dito ngunit hindi nito ako binalingan. "Alam mong wala akong kasalanan sa nangyari non Draco. Tinanggap ko kahit masakit na mapagbinatangan. Diba sabi mo babawi ka? Nagsisisi ka diba? Pagkatapos nito hindi na ako babalik sa lugar na ito" Lalong kumunot ang noo ko. "Lola Fina" Matigas at seryoso kong saad ng makita ko na tumulo ang luha niya. "Okay lang Haia apo" saad nito at nginitian ako. "Apo mo ba talaga ito Josefina?" Tanong ni Headmaster na tila nagdududa. "Alam mong may anak ako Draco. Anak siya ng anak ko. Ano sa tingin mo?" Bumuntong hininga si Headmaster bago tumango. Kita ko na may kinuha ito sa drawer ng kaniyang lamesa bago ito bumaling muli sa amin. "Name" wika ni Headmaster. "Haia Sulivan" sagot ko dito. Tinitigan pa muna ako ni Headmaster na sinasaulo ang aking istura bago muling may kinuha at may papel na iniabot sa akin na kailangan ko daw fill up-an. Matapos kong fill up-an ang papel na iyon ay may iniabot siya sa aking susi at papel. "Thank you" saad ko dito. Tumayo na kami ni Lola Fina para umalis ngunit nagsalita pa ang Headmaster. "Siguraduhin mo lang na apo mo iyan Josefina dahil pag nalaman kong hindi mo iyan kaano-ano ay ipapatalsik ko yan dito ng walang sabi-sabi" Seryosong saad nito at sinulyapan pa ako. "Huwag kang mag-alala Draco. Alam ko din naman na hindi mo iyon magagawa. Kampante ako sa apo ko" wika ni Lola Fina na may ngiti sa labi at ginulo pa ang buhok ko. Nang makalabas kami sa Headmaster's room ay tumigil ako sa paglalakad at tumingin may Lola Fina.  Kumunot naman ang kaniyang noo. "Hindi ba kayo napapagod ngumiti? Kahit wala akong nararamdaman na emosyon. Ramdam ko ho kayo. Huwag po kayong ngumiti kung malungkot kayo" Seryosong usal ko. Niyakap naman bigla ako ni Lola Fina. "Sana nga manhid nalang din ako kagaya mo para wala na rin akong emosyon na nararamdaman" wika ni Lola Fina. "You don't have any idea how horrible it is" Mahinang usal ko. Tama lang upang sarili ko lang ang makadinig Hinatid na ako ni Lola Fina sa may dorm ng Air elementalist. Matapos non ay nagpaalam na din siya. Hinanap ko kung nasaan ang room ko at natagpuan ko yon sa may 3rd floor ng building na ito. Nang buksan ko ang susi ay malawak na living room ang tumambad sa akin. May TV at malwak at mukhang mamahalin na sofa. Kulay gray iyon. Dalawang pinto ang aking nakikita. Sa kaliwa at kanan. Parehas na kulay white ang pinto. Lumapit ako sa may kanan at kumatok sa pinto. Tatlong beses akong kumatok upang marining ng tao sa loob. Kung may tao nga ba. Rinig kong ang pagbukas ng pinto. Kaya napatingin ako sa kaliwang bahagi ng dorm na ito. "There's no one there" humihikab na saad nito kasabay ng pag irap. Kulay black ang buhok niya at magulo ito. Tila kagigising lang. "I'm Nikishi Leyr" walang gana nitong saad pero lumapit ito sa akin. "I'm Haia Sulivan" pagpapakilala ko at inabot ang kaniyang kamay na hindi ko napansin kanina. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil walang kahit na anong masama ang nangyari sa kaniya. "Sulivan? Never been heard" wika nito bago bumalik sa kaniyang kwarto upang siguro ay ipagpatuloy ang naudlot na pagtulog.  Pumasok na ako sa aking magiging kwarto. Isang malawak na kama ang tumambad sa akin. Kulay puti ito. Lumakad ako at pumunta sa may pinto at binuksan iyon. Walk in closet.  Pumasok ako at napatingin sa mga nakahanger na uniform. Ang dami. Paano sila nakakasiguro na magkakasya ito sa magiging estudyante nila? Nagkibit balikat nalang ako at napatingin sa mga black-shoes, wedge, stiletto, sandals rubber-shoes. Binuksan ko ang isang cabinet at kita ko ang mga nakatuping Jogging pants at T-shirt. P.E uniform. Binuksan ko ang isa pa at terno na pajama's iyon. Binuksan ko pa ang iba pa at nakakmanghang kompleto ang lahat dito. Paano nila nalalaman ang size ng mga estudyante? Nagkibit balikat nalang ulit ako. Napansin kong walang CR sa kwarto kaya lumabas ako. Nakita ko naman na mukhang bihis na bihis si Nikishi. Nakadress ito at wedge. Napapaisip tuloy ako kung pareparehas ba kami ng damit na nakalagay sa walk in closet. "It's already 7 in the evening" wika nito kaya napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa may pader. Tumango naman ako ng makita ko ng 7 na nga. "Don't just nod. Hurry up and get dress" wika na nito bago naupo sa sofa. Tumango ako at tumungo sa aking kwarto at pumasok sa walk in closet. Kinuha ko ang kulay puting bistida at sandals na puti bago lumabas ng kwarto. "Where's the CR?" Tanong ko kay Nikishi "Geez, Do you aware how cold your voice is? No, scratch that. Do you know how cold are you as a person? Wala ka bang emosyon? Kakilabot ka girl. Dun ang CR" Turo niya sa may dulo ng silid na ito sa may gilid. "Thanks" Sabi ko at hindi na pinansin ang mga sinabi niya. Naglinis muna ako bago nagbihis at sinuot ang sandals pagkatapos ay lumabas na ng Cr. "Too slow" wika ni Nikishi at tumayo na. Sinundan ko naman siya at lumabas na ng silid na ito. "How old are you?" tanong niya. "19" sagot ko dito. "Same, Let's be friends" saad nito kaya naman napatingin ako sa kaniya. Seryoso ang mukha ni Nikishi habang nakatingin sa harap. "Okay" pagpayag ko sa kaniya. "Cool" Nagkibit balikat nalang ako at tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa loob ng Cafeteria. Medyo nagulat pa ako sa dami ng tao. "7-9pm Dinner time, 10 is already a curfew" paalala nito sa amin habang kami ay nakapila upang kumuha ng pagkain. "There's no exemption here. No priveleges. All students here are equal because everyone here are from the Royal Family. Lahat tayo nakakataas. There's a lot of bully here because of the rank of the clan. Ugh I hate that" Tumango naman ako. "I am just wondering. You are Sulivan right? That's mean you are not a noble, a royal" wika ni nikishi habang mariin ang tingin sa akin. Tila malalim ang iniisip. "How can you say so?" tanong ko dito. "Duh. Everyones knows that the Royal or Noble family has only four letters in their surname. You can easily identify one of the noble's if you ask their surnames" That's why. "Really? Ngayon ko lang nalaman" "Yeah" Nang makakuha na kami ng pagkain ay agad kaming naghanap ng upuan. Medyo nahirapan pa kami kasi madami ngang tao dito sa cafeteria. "You know what, whatever your status is, if they want to befriend with you, they will, if they want to bully you, they will" Makahulugang wika ni Nikishi habang kami ay kumakain. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatitig sa kaniya. She's beautiful. "Don't you have friends?" tanong ko dito. "I had. Before" Sagot nito sabay subo ng pagkain. Tumango nalang ako. "You'll not gonna ask why?" tanong nito matapos uminom ng juice. Napatingin ako sa kaniya. Pinunasan ko naman ang bibig ko gamit ang tissue bago nagsalita. "Why?" Nginisian naman niya ako. "I got bullied because our clan got the lower rank for the last year" nakangiting turan nito. "Is it important?" seryoso kong tanong "In this world, rank, wealth and magic are very important. If you possess those three well congrats" Natatawang saad nito. Nilibot ko ang paningin ko dahil maingay ang buong paligid dahil sa mga nagdadaldalang mga estudyante habang kumakain. "Look at those people" Napalingon ako kay Nikishi bago sinundan ng tingin ang kaniyang tinuturo. "They consist of 6 members" Napatingin ako sa grupo na sinasabi ni Nikishi. The girls looks so familiar. Bumaling naman ang tingin ko sa mga lalaki. Sa kanilang tatlo isang lalaki lang ang nakapukaw ng aking atensyon. Disheveled dark hair. Dark brooding eyes. Firm and perfect jawline. Pointed nose. Kissable lips. I am 100 percent sure. I met him before.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD