HAIA'S POV "Kamusta pakiramdam mo?" tanong sa akin ang aming personal doctor. Ngumiti naman ako ng tipid bago nagsalita. "Okay na ako. Wala naman akong sakit hindi ba? Ewan ko ba kay Mommy kung bakit lagi kang pinapapunta sa amin" nakasimangot kong sabi. Wala naman talaga akong sakit bukod sa wala akong maalala basta nagising nalang ako na lagi akong dinadalaw ng doctor. "Mabuti naman kung ganon. Hindi ba enrollan na sa Royal Magian Academy?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako ng walang kagana-gana. "Nabanggit nga sa akin ni Kuya, naenroll niya na ako kahit ayoko naman pumasok. Ewan ko. Gusto ko lang magkulong sa kwarto. Mahiga ganon" nakasimangot ko pa rin na sabi. Tumawa naman ang aming personal doctor. Kalaunan ay nagpaalam na din ito na aalis siya. Napangiti naman ako dahil pw

