HAIA'S POV Huminga ako ng malalim. Malakas ang pakiramdam ko na may hindi na magandang nangyayari sa mga oras na ito. Napahawak ako sa aking dibdib ng makaramdam ako ng pagkirot. Para bang nasasaktan ako sa hindi ko alam na kadahilanan. Napatulala ako sa kawalan. Hindi ko maiwasan hindi maisip ang mga negatibong bagay. Ganito ba talaga ang aking tadhana. Masakit at masalimuot. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit hindi ko ginusto ang aking kapangyarihan sa umpisa palang dahil napakadami na nitong dinulot na pasakit sa akin. Kahit anong pagtanggap ang gawin ko sa Sacred Magic ay hindi ko pa din maisip na ito talaga ang magdadala sa akin ng mga panganib. VERLY'S POV Hindi ako mapakali dahil sa aming plano upang tumigil na ang kapangyarihan ni Haia. Kinakabahan ako sa posibleng mangya

