VERLY'S POV Napapikit ako dahil sa matinding usok na nilikha ng dragon at ni Kyrios. Natumba ang malaking dragon, wala akong makita. Napatakip ako sa aking ilong dahil sa usok. "Haia" rinig kong sigaw ni Kyrios ngunit hindi siya mahagip ng aking mga mata. Nilibot ko ang aking paningin upang hanapin si Haia pero bigo din akong makita siya. Sobrang kapal ng usok. Halos ubo ng mga estudyante ang aking naririnig. Maging ako ay napapaubo na din dahil sa makapal na usok. Napalingon ako sa kung saan ng makarinig ako ng tunog ng bakal na naguuntugan. Halos mapakunot ang aking noo. Ano yon? Biglang nahawi ang usok sa aking harapan. Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng makita ko ang walang malay na katawan ni Haia. "Haia" sigaw ko sa kaniya ngunit ng lalapitan ko na siya ay biglang may sumulp

