Dumating ang araw ng festival ng Royal Magian Academy. Ang academy ay bubuksan para sa publiko upang manood sa gaganapin na competition. Maaga din akong nagising sa araw na ito kaya naman nakapag-ayos agad ako ng aking sarili. Saktong paglabas ko sa aking kwarto ay siyang paglabas din ni Deflin sa kaniyang kwarto. "Aalis kana?" nakangisi niyang saad. Hindi ko pinansin ang kaniyang nakakakilabot na ngisi. Tumango na lamang ako. "Goodluck, Haia" muling turan ni Deflin sa akin. Hindi ko na lamang siya tinapunan muli ng tingin dahil sobrang creepy niya para sa akin. Dumeretso na agad ako sa Arena kung saan gaganapin ang competition ng mga class S. Halos hindi ako makapaniwala sa sobrang daming tao sa loob ng Arena. Nasisiguro kong hindi iyon mga estudyante ng Royal Magian Academy. Karamiha

