Episode 13

2684 Words
PINAKITA sa kanya ni Doña Isabel ang buong Mansion na lilinisin niya araw-araw,at ngayon pa nga lang ay parang mahihilo na siya sa dami ng gagawin niya dito.Pumunta sila sa underground ng Mansion kung saan doon nakalagay ang malaking wine cellar na may iba't ibang uri ng imported wines na galing sa iba't ibang bansa.May meeting room din doon na malamang si Don Romulo ang may ari nito.Tapos sa ikalawang palapag ng Mansion kung saan doon ang Master bedroom,John Carlo's room,Joanna Carlota's room guests room,a wide living room and mini kitchen at may balcony sa magkabilang sides.Nagtaka pa siya kung bakit may kwarto ang kababata niya gayung matagal na itong wala sa mundo at ang ipinagtataka niya kung sino si Joanna Carlota.Gusto sana niyang magtanong pero natatakot siya kaya tahimik nalang siya habang nakikinig sa mga tinuturo nitong trabaho sa kanya. "Ano kaya mo ba lahat ng trabaho dito Clarissa pwede ka pang mag back out"ani ng Doña. "Kakayanin ko po para sa amin ng an..."bigla siyang natigilan. Dahil ayaw pa muna niyang sabihin kay Doña Isabel ang kalagayan niya dahil baka hindi siya tatanggapin kapag malaman nitong buntis siya eh sayang yung kikitain niya dito ng ilang buwan bago aalis saka okay narin dito dahil libre na lahat. "Ng ano? "Ahm w-wala po Tita este Madam Isabel"mahina niyang wika. Pagkatapos ipakita sa kanya ang buong Mansion pati sa labas ay sinamahan siya nito sa magiging kwarto niya.Nagtaka siya ng dinala siya ng Doña sa isang maliit na silid na kasing laki lang yata ng banyo ng bahay nila.Walang katre o kutson sa papag lang na marahil ay cartoon lang ang maging banig niya isang unan saka isang kumot.Napalunok siya at hindi niya magawang magsalita. "Ito ang magiging silid mo..sa labas ka maliligo sa cr kung saan doon mo nililinisan ang mga gamit panlinis sa loob ng Mansion" Marahan siyang tumango saka muling napalunok sa isip niya okay na to atleast hindi siya lamigin at hindi mababasa ng ulan. "Bukas ka na magsisimulang magtrabaho ngayon free time mo bahala ka kung anong gagawin mo sa silid mo"ani ng Doña at umalis na. Sinundan niya ng tingin ang Doña saka muling tumingin sa loob ng magiging kwarto niya saka pa pumasok sa loob at binaba ang dala niyang maliit na bag saka dahan dahang umupo sa papag.Sumandal siya sa pader dahil pakiramdam niya pagod na pagod na siya. "Nak okay ka lang ba dyan?aniya habang hinimas ang kanyang tiyan. "Kung ako ang tatanungin mo hindi ako okay dahil ngayon pa lang parang ang hirap ng mabuhay pero nak kakayanin ko ang lahat ng ito para sayo basta huwag kang bibitaw ha?aniya at tahimik na namang umiyak. "Diyos ko kayo na po ang bahala sa amin ng anak ko sana po palagi nyo kaming gagabayan sa lahat ng oras dahil kayo nalang po ang tanging pag asa namin"aniya saka nagpahid ng luha. Pagsapit ng gabi ay nasa kusina siya upang kumain dahil pinapakain naman siya ng Doña at wala pala ang asawa nito nasa ibang bansa for business trip at sa makalawa pa ang balik nito. "Pagkatapos mong kumain matulog ka na para maaga kang magising bukas"ani ng Doña ng pumunta ito sa kusina. "Salamat po Madam"aniya. Hindi ito sumagot basta nalang siya tinalikuran nito,mabilis na niyang tinapos ang kanyang pagkain at pagkatapos niya ay hinugasan na ang pinagkainan niya at tumungo na sa kanyang silid.Kinuha niya ang tuwalya na nakasabit doon na para daw sa kanya at damit pantulog na pinahiram ni Monica saka maliit na basket na may laman ng gamit panligo saka tumungo sa cr sa labas upang maghugas ng katawan. Ilang sandali pa ay natapos narin siya at bumalik na sa silid niya,saka humiga na sa papag na tanging carton lang ang nagsisilbing banig niya.Dahil siguro sa pagbubuntis niya kaya hindi siya gaanong nahihirapang matulog dahil madali siyang nakakatulog. KINABUKASAN hindi niya namalayang nahuli pala siyang nagising kung hindi pa pumasok si Doña Isabel sa silid niya hindi pa siya magigising. "Ganito ba ang ipapakita mo sa akin sa unang araw pa lang ng trabaho mo Clarissa!?singhal ng Doña sa kanya. Pupungas pungas siyang bumangon at ito na naman ang pakiramdam na parang babaliktad ang sikmura niya at sabayan pa ng pagkahilo. "Pasensya na po kayo Madam napahimbing po ang tulog ko"aniya dito. "Kung ganyan ka rin lang ngayon pa lang maaari ka ng umalis dito!! "Sorry po talaga Madam hindi na po mauulit"aniya. "Kumilos ka na dahil maraming trabaho ang naghihintay sayo!!anito saka iniwan na siya. Dahan dahan siyang tumayo at muntik pang mabuwal mabuti nalang nakakapit siya sa pader. "Aahh"mahina niyang daing sabay hinilot hilot ang sintido. Saka pa siya lumabas ng nawala na ang pagkahilo niya at agad tumungo sa cr upang maghilamos,nagmamadali siyang kumilos para makapag linis sa Mansion. Nadatnan niyang nagtitimpla ng kape si Doña Isabel at nahihiya siyang tumingin dito. "Pasensya na po kayo Madam"aniya dito. "Hindi matatapos ng paghingi mo ng pasensya ang trabaho mo kaya kumilos ka na para maglinis" Bahagya pa siyang natigilan dahil hindi pa siya kumain ng breakfast baka mapaano siya at madadamay pa ang anak niya.Kaya kinapalan nalang ang mukha para magsabi sa amo. "P-pwede po bang kumain muna ako ng agahan? Lumingon ito sa kanya sabay ng pagtaas ng kilay nito habang hawak hawak ang baso na may laman ng kape. "Kaya nga dapat maaga kang gumising dahil kakain ka muna ng breakfast bago magtrabaho pero ngayon nahuli ka ng gising kaya skip ang breakfast mo ngayong araw" Napalunok siya sabay marahang tumango at tumalikod na para kunin ang mga gamit sa paglilinis.Sinundan niya ng tingin si Clarissa at hindi din alam kung bakit niya ginagawa to siguri dahil sa tuwing nakikita niya ang dalaga naalala niya ang nangyari noon,sana hindi nalang sila muling nagkita ni Clarissa pero ngayon nagkita sila ulit pwes matitikman nito ang gagawin niyang pagpapahirap dito.Dahil kulang pa to sa kumpara sa mawalan ng anak. "Tingnan ko lang kung hanggang saan ang kaya mo Clarissa"aniya sabay inom ng kape. Aakyat na sana siya sa taas pero nag ring ang telephone sa may living room kaya pinuntahan niya ito para sagutin. "Yes?aniya. "W-what? "Sigurado ka ba sa nakuha mong impormasyon? "Sige ihatid mo dito para makita ko" "Alright bye"aniya saka binaba na ang phone. Kinapa niya ang kanyang dibdib at sobra ang kabang nararamdaman niya ngayon. "Oh my God!tanging nasambit niya. At dahan dahan napaupo sa sofa hindi niya alam kung masaya ba siya o magalit o kaya nasasabik sa nalaman.Pero ayaw muna niyang umasa hanggat hindi pa na confirm na positive nga atsaka baka magugulo pa ang sitwasyon kung lalantad siya para magpakilalang Ina siya nito pero sapat ng malaman na may pag asa siyang muling makita ang anak. Nakita niyang tumungo sa ikalawang palapag si Clarissa kaya tinawag nita ito. "Clarissa? "Madam"sagot nito. "Bilisan mo ang paglilinis dahil sasama ka sa akin"aniya sa dalaga. "S-saan po Madam? "Bakit tatanggi ka? "H-hindi po Madam"aniya saka tumuloy na sa taas. Inumpisahan niyang linisin ang master bedroom at hindi niya alam kung saan niya sisimulan dahil sobrang laki at hindi niya alam kung ilang oras ang gugulin niya sa paglinis pa lang.Kinuha niya ang maliit na towel saka polish cleaner at sinimulang punasan ang mga kagamitan sa loob ng kwarto.Medyo matagal siyang nagpupunas ng mga gamit dahil sa dami nito at nakaramdam na siya ng gutom. Pagkatapos niyang magpunas ay kinuha ang walis at naglinis sa baba,habang nagwawalis eh parang mahihilo siya at pakiramdam niya pinagpawisan siya ng malapot eh ang lamig lamig kaya ng aircon.Pinahid pa ng kamay ang pawis niya saka muling pinagpatuloy ang ginagawa.Ng matapos walisan ay umupo muna siya sandali dahil nanghihina siya siguro dahil nagugutom siya. Mariin siyang napapikit,ano bang nangyayari sa kanya?pinarurusahan ba siya ng Ina ni John Carlo?Napabuntong hininga siya saka hinimas ang kanyang tiyan at sa tuwing naalala niyang buntis siya kakaibang saya ang nadarama niya at para bang ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas. "Nak patawarin mo ang Nanay ha kung wala tayong makain ngayon,ikaw kasi gustong gusto mong matulog si Nanay kaya pinarusahan tuloy tayo"aniya at ngayon pa nga lang inaantok na naman siya. Ewan niya okay lang yatang hindi makakain basta makatulog lang sapat na.Pero bago pa siya makatulog sa kinauupuan niya tumayo na siya upang tapusin ang ginagawa pero biglang pumasok ang Doña kaya naabutan siya nito. Napalunok siya habang nakatingin lang sa ginang at gayun din naman ito. "Ano na Clarissa? "Sorry po Madam..." "Kung palagi kang ganyan sa buong araw mo dito maaari ka ng umalis dahil pinapakain ka lang dito pero hindi nagtatrabaho,ano ka prinsesa dito!?singhal ni Doña Isabel. "M-masama lang po talaga ang pakiramdam ko kanina ka-kaya umupo ako saglit"aniya. "Pwede ba lumang dahilan na yan ng mga tamad mag trabaho! "Pasensya na po Madam pagbutihin ko na po ang trabaho ko"aniya dito. "Bilisan mo aalis ako at dito ka lang sa bahay pagbalik ko dapat tapos na lahat ng trabaho mo naintindihan mo? "Opo Madam"aniya dito. "Hindi ka na magluluto ngayong araw dahil hindi ako kakain dito ng lunch at may natirang pagkain sa ref iyon ang kainin mo" "Okay po salamat po Madam" Saka tinapos na ang naiwan niyang trabaho,binilisan niya ang paglilinis dahil maglalaba pa siya ng mga damit mabuti nalang at mga damit lang nito ang labhan niya ngayon. Buong araw siya naglinis nagpahinga lang siya nung kumain ng lunch tapos nagtrabaho na naman kahit nakaramdam ng pagod hindi na siya nagpahinga dahil gusto niyang matapos ang ginagawa niya bago bumalik ang Doña.Kahit nga madilim na sa labas pero hindi pa rin siya natapos sa loob pero ang underground nalang ang lilinisin niya pagkatapos nun ay wala na sa labas naman. Mahigit isang oras yata siya naglinis sa underground pero hindi parin natapos,kaya umupo siya saglit dahil sumakit bigla ang puson niya. "Aahh"mahina niyang daing sabay hinawakan ang kanyang puson. "N-nak sorry kung napagod kita ha dyan ka lang huwag kang mawawala please"aniyang tila bang sanggol talaga ang kinausap niya. Bahagya siyang namaypay gamit ang maliit na tuwalyang panlinis niya dahil parang nasa kasikatan talaga siya ng araw sa sobrang init.Sabay medyo nangdidilim na ang kanyang paningin kaya kumurap kurap siya. "Hindi ko yata kakayanin to"bulong niya sa sarili. At gusto na namang umiyak sa kalagayan niya ngayon pero ang sabi ni Monica huwag na siyang umiyak pa kaya mabilis niyang kinusot ang kanyang mga mata.Hindi na siya iiyak kahit anong mangyari,kahit mahihirapan pa siya. Pagkatapos niya sa loob ay lumabas na siya upang maglinis sa bakuran ng Mansion,nagwawalis ng mga tuyung dahon ng mga bulaklak at nag aalis ng mga bulok na dahon,ilang minuto din ang ginugol niya.Pagkatapos walisin ang mga bulaklak ay kinuha ang mahabang hose para mag dilig ng mga bulaklak dahil inutos din iyon sa kanya ng Doña Isabel. Sa bahay nila Clarissa ay kinausap ni Maritess ang kanyang asawa tungkol sa ginawa nito sa kanilang anak. "Hindi ka ba naaawa sa anak mo Carlito? "Wala na akong anak na babae!matigas pa rin nitong wika. "Anak mo pa rin siya dugo't laman mo kahit anong nagawa niyang pagkakamali" "Buo na ang pasya ko Maritess kaya kalimutan mong dalawa ang anak natin! "Nababaliw ka na Carlito hindi mo na alam ang sinasabi mo" "Dahil hindi ko sila matatanggap bilang pamilya ko! "Kaya ka ba nagkakaganyan dahil iniwan ni Dominic si Clarissa pagkatapos ng lahat at inisip mong kahihiyan sayo dahil nabuntis siya ganon ba?mas iisipin mo pa ba ang sasabihin ng ibang tao kesa sa kalagayan ng anak mo? "Yan ang buhay na gusto niya kaya dyan siya mabubuhay mag isa" "Tao ang anak mo Carlito at hindi santo,lahat ng tao nakagawa ng mali pero hindi dahilan yon para itakwil mo ang sarili mong anak! "Matutulog na ako"aniya. "Pupunta ako sa bahay nila Monica at dadalhin kong umuwi si Clarissa sa ayaw at sa gusto mo!aniya sa asawa. "Subukan mong dalhin dito ang babaeng yon makakatikim kayo sa akin!matigas din nitong wika. "Patayin mo kami ng anak ko wala akong pakialam dahil mas importante sa akin ang kalagayan ng anak ko at sa magiging apo ko!matigas din niyang sagot. Galit itong tumalikod sa kanya at diretso sa silid nila,napabuntong hininga siyang umupo sa bangko sabay hinawakan ang kanyang dibdib dahil natakot din naman siya sa asawa dahil simula't sapol hindi niya ito nakakasagutan ng ganon pero ngayon nagawa niya dahil gusto niyang ipaglaban ang kanyang panganay. Sa Mansion ay nasa maliit niyang silid si Clarissa dahil katatapos lang nitong maglinis sa labas kaya nagpapahinga muna siya,nagdala narin ng pagkain niya dahil kakain na siya habang nagpapahinga,yung pagkain niya iyong tira pa yata mula kahapon at iyon din ang tanghalian niya kanina pero ayos lang at least hindi siya magugutom saka okay pa naman ang pagkain at wala pa si Doña Isabel hindi pa ito umuwi mula pa kanina pero okay lang kung uuwi dahil natapos naman niya lahat ng kanyang trabaho,mamalansta nalang ang gagawin niya pero maya maya na medyo maaga pa naman alas diyes pa ng gabi eh matutulog siya mamaya pa daw. Habang kumakain mag isa ay naalala niya ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang Ina. "Nanang sana po huwag na kayo mag alala sa akin dahil ayos lang naman ako,at Tang sana maisip mo na akong tanggapin dahil gustong gusto ko na kayong makasama at si Brian"aniya. Pagkatapos niyang kumain ay muling lumabas para hugasan ang pinagkainan niya tapos magpapalansta na siya ng mga damit.Tapos niya sa kusina ay tumungo na sa laundry room at sinimulan na ang trabaho,gusto na sana niyang matulog dahil inaantok na siya pero ayaw naman niyang magalit ang Doña sa kanya na buong araw siya nitong iniwan para mag trabaho tapos hindi pa niya matatapos lahat.Kaya pinilit parin ang sarili kahit pagod na. Saktong nag 11:00 pm ng matapos siyang mamalansta kaya lumabas na mula sa laundry room at tumungo sa silid niya at nagpalit lang ng damit dahil ayaw niyang basain ang katawan niya dahil katatapos niya lang mag plansta saka isa pa antok na antok na siya kaya pag kabihis ay kaagad siya humiga at ni hindi lumipas mg limang minuto ay nakatulog na siyang hindi na nahintay ang Doña sa pagdating nito. SANTA MARIA CALIFORNIA NASA bar na naman si Dominic naglalasing at nilulunod ang sarili sa alak.Dahil iyon lang ang naisip niya gawin para makalimutan ang lahat ng nangyayari sa kanya. "Hey handsome"wika ni Anne. Ang naging girlfriend niya dito at ilang linggo pa naman sila ng dalaga.Nagkakilala sila ng dalaga yung nalaman niya ang totoo at dito siya sa bar nagpakalasing ng gabing yon at yon nga nagkakilala sila ni Anne hanggang sa madalas na silang magkita. Ngumiti lang siya sa dalaga at muling uminom ng alak,dahil alam niyang gusto na naman nito ng s*x,ewan mahilig yata ang babaeng to. "Want me to join you?malambing nitong wika sabay himas sa braso niya. "Anne can you just leave me alone" "Anong problema mo bakit naglasing ka na naman?tanong nito at hinalik halikan siya sa tainga. "Nothing I just want to drink alone"aniyang sabay umiwas sa halik ng dalaga. Pero yumakap ito sa kanya at hinalikan siya sa leeg kasabay ng pag gapang ng kamay nito sa kanyang harapan. "No Anne not today"tanggi niya. Pero hindi ito natinag ay hinalikan siya sa labi kaya buong lakas niya itong naitulak at tumayo agad. "Damn it! I said I don't want get it!?asik niya at mabilis ng lumabas. "Dom!??tawag nito sa binata pero hindi na lumingon. Padabog siyang umupo pagkapasok niya sa kotse at napahilamos sa sariling mukha at sinandal ang ulo.Ilang sandali pa ay nag ring ang kanyang phone at ang Mama niya ang tumawag. "Yes?sagot niya. "Hijo nasan ka? "Ano bang pakialam nyo kung magpakamatay ako ha!? "Hijo pwede bang umuwi ka na dito please? "Noooo!!!sigaw niya"ayoko kayong makita hanggat hindi nyo ako pinapauwi sa Pilipinas!! "We need to talk kasama ang Papa mo Dominic" "Buy me a plane ticket now or give my passport back" "Hijo..." "Alright ayaw nyo hindi ba?okay fine!aniya sabay pinatay na ang tawag. "Aaaahhhhh!!!aaaahhhhh!!!aniyang pinaghahampas ang cellphone sa manibela. Hanggang sa nagkahiwa hiwalay ang kanyang cellphone saka pa tumigil. "Clarissa"usal niya sa sarili habang umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD