Episode 1
ISA siyang huwaran ng pagiging isang masipag at mabait na anak,mabuting kaibigan at tapat sa kanyang trabaho.Bagamat mahirap lamang sila at kapos pero sagana sa pagmamahalan at respeto sa isa't isa,masaya kahit hindi sila mayaman.Ang sabi nga nila aanhin mo ang yaman sa mundo kung wala ka namang masayang pamilya at kaibigan,dahil hindi lahat ng tao ay kayamanan ang nagpapasaya sa kanila may mga tao ding kahit isang tuka isang kahig basta masaya ay kontento na sila.
Isa na ang pamilya ni Clarissa...Siya si Clarissa Moran ang bread winner ng pamilya nila.Nagtatrabaho siya sa isang malaking department store na pagmamay-ari ng pinakamayaman sa lugar nila sa Sta.Rosa,hindi gaano kadaming papulasyon sa lugar nila at may malaking syudad pa ito na mahigit isang oras ang byahe paluwas ng syudad.Kasalukuyan nag-aaral ng high school ang bunso niyang si Brian habang ang kanyang Ina ay isang labandera ng pamilyang Fuentabella at nagtatrabaho naman sa isang malawak na lupain din ng mga ito ang kanyang Ama.Kumbaga sa mga Fuentabella sila kumukuha ng pang araw araw nilang kabuhayan dahil hindi naman sapat ang sahod niya para matustusan ang pangangailangan ng pamilya niya dahil pinag aaral niya ang kanyang kapatid kaya minsan nagpapart time din siya sa Mansion ng Fuentabella at tumutulong sa kanyang ina.Gayundin ang kinikita ng Ina sa paglalaba kokonti lang din kaya nagtulong tulong sila upang matustusan ang pangangailangan ng bawat isa.
Kasalukuyan siyang naghahanda ng almusal nilang pamilya dahil kailangan maaga ang ama tutungo sa sakahan dahil ito ang katiwala ng Don para mangasiwa sa bukirin.At kailangan din maagang papasok sa paaralan ang bunso niya dahil siya pang hapon naman ang pasok niya kaya may kalahating araw pa siyang tumulong sa kanyang Ina.
"Tatang,Nanang,bunsoy halina kayo at nakahanda na ang pagkain"tawag niya habang nagtitimpla ng kape.
Sabay naman tumungo sa kusina ang mga ito at umupo na sa pwesto nila.
"Ate may babayaran kami sa school may pera ka ba?ani ni Brian.
"Magkano babayaran mo at para saan yon?tanong din niya habang naglalagay ng kape sa baso ng nanay at tatay nila.
"Para sa uniform namin Ate 500 pero pwede naman daw kahit hindi buo bayaran nalang ang kulang pagkatapos ng palaro namin sa school"
"Ah ganon ba?sige bibigyan kita"
"Thank you Ate,pero kailangan ko ng bagong sapatos luma na kasi yung binili mo sa akin"
"Anak kahit naman luma eh kung magagamit pa bakit ka pa bibili?ani ni Aling Maritess.
"OO nga naman anak saka hindi naman importante kung bago o luma basta magaling ka sa laro"sagot din ni Mang Carlito.
"Pero Tatang Nanang dalawang taon na po yon mula ng binili ni Ate sa akin,ano nalang sasabihin sa akin ng mga kasama ko ako pa naman ang team leader nila"
Tumingin ang mga magulang nila sa kanya at tila hinihintay ang sagot niya.
"Sige maghahanap ako ng sapatos mamaya sa department store"aniya sa kapatid.
"Wow talaga Ate Clarissa?masayang wika ni Brian.
"OO nga para sa mabait at pogi kong bunsoy bibili ako ng bagong sapatos basta ha yung promise mo magtatapos ka ng pag aaral at huwag kang gagaya sa akin"
"OO naman Ate magtatapos talaga ako para kapag may kurso na ako..ako naman ang tutulong sa inyo nina Tatang at Nanang"
"Sige na tapusin mo na yang kinakain mo"aniya sa bunso.
"Huwag mong biguin ang Ate mo Brian alalahanin mo kaya siya huminto sa pag aaral niya para makapag aral ka,alam mo naman hindi namin kaya ng Tatang mo ang pagsabayin kayo papag aralin"ani ng Ina nila.
"Opo Nanang hindi ko naman po nakalimutan yon"
Pagkatapos nilang kumain ay gumayak na ang Tatang nila patungo sa sakahan at ganon din ang Nanang nila papunta na rin ito sa Mansion,nakaalis na rin ang bunso upang pumasok sa paaralan at siya nililigpit na ang pinagkainan nila.Pagkatapos niyang hugasan ang mga pinggan na pinagkainan nila ay naglinis na siya sa loob ng munti nilang bahay.Pagkatapos niyang maglinis sa loob ng bahay ay lumabas siya at nagwalis sa bakuran ng maya't maya ay bigla na lang siya ginulat ng kaibigang si Jomari.
"Bulagaaa!!!
"Aaayyy baklaaa!!!aniyang sabay napahawak sa dibdib.
"Hindi kaya"ani ng binata.
"Ikaw kasi eh nanggugulat ka"
"Hindi ko naman alam na nerbiyosa ka pala"
"Sus hindi daw lagi ka naman nangugulat ah,teka bat ang aga mo yatang umakyat ng ligaw wala pa naman sina Tatang at Nanang"biro niya sa binata.
"Kunwari ka pang papayag na ligawan ko,eh dito sa lugar natin wala ka pa yatang naging nobyo"kakamot kamot niyang sagot.
"Joke lang yon wala pa kasi sa isip ko ang mga ganyang bagay"
"Alam ko,may pasok ka ba mamaya?
"OO ikaw mamasada ka ba?
"Hindi pero ihahatid na kita sa bayan"
"Nagdadahilan ka pa dyan"
"Baka kasi maka point eh at papayag ka ng ligawan ko"
"Tigilan mo nga ako't marami pa akong ginagawa"
"Sige na uuwi na ako my love"kulit parin nito.
"Paluin kaya kita ng walis?
"Joke lang binibiro ka lang naman"
"Sige na ke aga aga mong mang asar eh"
"Smile ka na dyan papangit ka lalo ikaw din"
"Uuwi ka ba o babatuhin na kita?
"Uuwi na nga eh"ani ng binata at humakbang na.
Habang may dala itong supot na galing pala sa labasan bumili ng pandesal.Iiling iling nalang siya habang sinusundan ng tingin ang kaibigan na ubod ng kulit at mapang asar pero mabait naman.
Pagkatapos niyang maglinis sa labas ng bahay ay umakyat na siya upang maghanda upang magluto para pagdating ng mga magulang at kapatid niya ay nakahanda na ang pagkain nila para sa tanghalian,siya kasi mauuna ng kumain dahil hindi na sila mapang abot sa bahay dahil papasok na siya ng 12:30 PM tapos uuwi ng 8:30 ng gabi,ganon ang daily routine niya sa trabaho at sa bahay.Pagka sabado at linggo sa Mansion naman siya nagtatrabaho.Maglilinis doon o di kaya mamalansta at binibigyan naman siya ng Doña ng pera at iyon ang pambili niya ng personal niyang mga gamit,bagamat hindi naman siya maarte at hindi masyado mahilig sa kolorete kaya hindi siya magastos sa pampaganda.Huwag ka...may angkin siyang kagandahan,katamtaman ang taas niyang maaaring panlaban sa mga paligsahang pangmagandahan.Hindi maitim at hindi rin maputi katamtaman lang din ang kulay ng balat.May maamong mukha at magagandang pares na kulay brown na mga mata,matangos ang ilong,magandang labi na may maliit na biloy sa magkabilang pisngi na nagsisilbing asset niya sa tuwing tumawa ito o di kaya ngumiti.Well,hindi lang naman siya ang nagkaroon ng magandang itsura,maging ang kapatid niya ay pogi din katunayan madalas itong manalo sa school nila ng Mr.Pogi sa campus nila,namana lang naman nila ang kagandahan nila sa kanilang Ina na may halong dugong dayuhan.
Pagsapit ng hapon ay kumain na siya't naligo at gumayak na upang papasok sa kanyang trabaho,medyo maaga siya ngayon kasi maghahanap pa siya ng binilhing sapatos para sa bunso niya kapag mamaya kasi marami ng costumers so baka wala na siyang oras para maghanap at mamimili.
SAMANTALA..kakalapag lang ng eroplanong sinakyan ni Dominic Rox Fuentabella ang nag iisang anak ni Don Gustavo at Doña Socorro Fuentabella.Oh yeah isa lang naman siyang spoiled brat,suplado,maangas,playboy papalit palit ng nobya,matigas ang ulo,ayaw mag aral,ewan nung nag ulan yata ng kasamaan ang Satanas sinalo niya na lahat..gusto barkada lang hanging out with different woman in one night,clubbing,bars and many more things na ayaw ng mga magulang pero hindi siya nakikinig.Kaya nga tinapon sa California para lang naman magtino na pero two years doon eh wala ding nagbago mas lumala pa dahil walang nagbabantay doon...black sheep nga talaga.Kaya heto balik bansa ulit which is sakit na naman siya ng ulo ng parents niya for sure.I wonder kung sinong nilalang ang makakapagpatino sa kanya.
Papalabas na siya ng Airport at sinundo siya ng family driver nila pero instead na sasama sa driver eh pinauna niyang umuwi kasi may dadaanan pa ito.
"You can bring home all my belonging Mang Tado"aniya dito.
"Hindi po kayo sasama sa akin Señorito?
"Nope!may dadaanan pa ako and tell to my parents na mamaya pa ako uuwi"
"Pero Señorito mahigpit pong binilin ng Don na dadalhin ko kayo pauwi ng Mansion"
"Sino bang amo dito ikaw o ako?
"Kayo po Señorito"
"Ganon naman pala so bakit nagdadahilan ka pa?
"Sige po mauuna na ako"
"Dapat nga kanina pa"aniya sabay pumara ng taxi.
Napapailing nalang niyang sinundan ang binatang amo,for sure para na naman silang kitikiti sa Mansion dahil dumating na naman ang demonyong anak ng kanilang amo.
Habang sa daan ay tinawagan ni Dominic ang matalik niyang kaibigan,ang palagi niyang kasama sa lahat ng gimik.
"Yes?anang kaibigan.
"Hey bro how you doin'?aniya.
"Dom ikaw ba yan?
"Yep it's me"
"Do you mean nandito ka na sa Pinas?tila hindi makapaniwala ang kaibagan.
"Uh-huh!so where are you now pupuntahan kita"
"Paniguradong sakit na naman ng ulo to"
"What?
"Nothing nandito ako sa bahay"
"Alright I'm on my way"aniyang pinatay na ang tawag.
Makalipas ang ilang minuto ay nasa harapan na siya ng bahay ng kaibigan pagkatapos magbayad ay tumungo na sa gate saka nag doorbell.Naghintay pa siya ng ilang sandali saka siya pinagbuksan ng katulong.
"Magandang hapon po Señorito"ani ng katulong ng kaibigan.
"Magandang hapon din"aniya at pumasok na.
Naghintay siya sa living room dahil naliligo pa daw ang kaibigan,pinaghanda siya ng katulong pero tumanggi siya dahil hindi naman siya gutom kaya sa panonood nalang ng TV niya itinuon ang atensyon habang naghihintay.
"Hey"ani ni Benjie habang pababa ng hagdan.
Tumayo siya at sinalubong ang kaibigan.
"Nothing change at all huh?aniya pagkatapos magyakapan.
"Same as you are"sagot din ni Benjie.
"Well,kumusta ka na?aniya at sabay na silang umupo.
"Okay lang din tumutulong kay Papa sa opisina"
"Boring"sagot ni Dominic.
"Hey bakit pala hindi ka umuwi muna sa inyo?
"I don't feel like going home now"
"After a years of not being here parang hindi ka excited makasama ang parents mo"
"Yeah right sermon lang ang sasalubong sa akin,saying bakit ka umuwi?what you gonna do here?and blah blah"
"Magtino ka na kasi Dominic you are old enough now"
"I'm just enjoying my life"
"Magkakaroon ka ng pamilya balang araw so dapat mo ng matutunan ang pagiging responsible sa lahat ng bagay"
"Oh come on kaya nga ako dito dumiretso because I don't wanna hear that kind of crap"
"I'm just stating the truth not all the time single ka lang,aren't you going to plan of having your own family?
"Nope!too early for me"
"Nobody knows"
"Dito muna ako mamaya na ako uuwi sa amin"aniya.
"Ikaw ang bahala doon ka sa guest room para makapagpahinga ka"
"Yeah okay"aniya sabay tumayo na at tumungo sa guest room.
"Kailan ka maging responsible Dominic"usal ni Benjie habang sinundan niya ng tingin ang kaibigan.
Habang si Don Gustavo naman ay nanggagalaiti na sa galit dahil kay Dominic na hindi ito dumiretso sa Mansion.
"Hindi ba sinabi ko sayong dalhin mong umuwi si Dominic!?asik niya sa driver.
"Paumamhin po Don Gustavo sinabi ko po pero ayaw po niya"
"Gustavo hayaan mo muna yung anak mo huwag mong idamay si Mang Tado sa galit mo kay Dominic"ani ni Doña Socorro.
"Kaya yan lumaking sutil ang anak mo dahil sa palagi mong kinakampihan,magsama kayong dalawa!galit nitong wika sabay umakyat sa ikalawang palapag.
"Sige na Mang Tado dalhin mo na ang mga gamit ni Dominic sa kwarto niya"utos niya sa driver.
"Masusunod po Doña"ani ng driver at binuhat na ang mga gamit ng binata.
Iyon ang hindi nila pagkakasunduan ng esposo niya dahil sa anak nila,ayaw niyang palagi itong pinapagalitan ni Gustavo at ang esposo naman palaging mainit ang dugo niya sa kanilang anak which is kasalanan din naman ng binata dahil nga matigas ang ulo nito.Pero bilang ina lahat gagawin para sa anak at palaging susuportahan ang gusto nito dahil mahal niya ang kanilang anak.
Pagsapit ng hapon ay nagyaya si Dominic na lumabas at magbibihis daw ng damit niya sa mall,ayos lang sa kanila yung mall eh.Ang kaibigan niya ang nagdrive at ito din ang maghahatid sa kanya sa Mansion mamayang hating gabi para hindi na niya maabutang gising ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang Ama.
"Kaya hindi kayo nagkakasundo ni Tito Gustavo bro dahil palagi mo siyang sinusuway"
"Ayoko kasi para akong asong tinatalian sa leeg nakakasakal ang ganon bro"
"Para din naman yon sayo para matuto ka,after all sino mangangasiwa ng negosyo nyo in the future kung hindi ikaw?
"It's not time for me to take responsibilities about our business"
"Papunta ka rin doon kaya mas mainam na sanayin mo na ang sarili mo"
"Will see"aniya at hindi pa rin kumbinsido.
Nagpakawala nalang ng buntong hininga si Benjie dahil may pagka matigas talaga ng ulo ang kaibigan.Sabay na silang umibis ng kotse at pumasok sa loob ng mall kaagad siya inertertain ng isang sales lady na naroon.
"Sir ano pong hinahanap nyo?
"Top and pants saka brief"sagot niya.
Bahagyang napangiti ang babae na hindi nakaligtas kay Dominic.
"Something funny about it?
"Ho?no nothing po Sir"
"Go and find for me what I want"utos niya.
"Masusunod po Sir"ani ng babae na walang kaalam alam na anak siya ng may ari ng mall.
"Bro sa book store muna ako okay?ani ni Benjie.
"Yeah okay go ahead"
Ilang sandali pa ay dinala na sa kanya ng sales lady ang mga kailangan niya.
"Sa counter na po tayo Sir"anito sa kanya.
"Pardon me?
"Ahm sa counter po para magbayad"
"You're fired!ani ni Dominic sabay hablot ng mga damit mula sa babae.
"Hoy ang angas mo ah akala mo kung sino ka?bakit hindi ka ba magbabayad anong akala mo libre yan?mahiya ka naman mukha ka pa namang mayaman tapos nagsusuot ka lang ng libre?galit na wika ng babae.
Nagpalingon lingon si Dominic sa paligid at medyo nakaagaw na ng atensyon ang babae dahil malakas ang boses nito.
"Sorry Miss but it seems you don't know me right?
"Aba may gana ka pang magtanong ngayon bakit feeling mo close tayo?natural hindi kita kilala kasi ngayon lang kita nakita dito at sa lahat ng costumers namin dito ikaw lang naman ang pinakamayabang"
"Ang daldal mo Miss hindi bagay sa itsura mo"
"O eh anong kinalaman ang feslak ko sa kadaldalan ko ha?pagtataray niya sa lalake.
"You better pack your things before I get done with myself or else kakaladkarin kita palabas ng mall"aniya sabay humakbang na.
"Aba!aba ang galing!ang galing mo talaga Sir ikaw na nga tong may kasalanan ikaw pa may ganang tanggalin ako sa trabaho ko?bakit ikaw ba ang may ari ng mall na to ha?
Sasagot na sana ulit ang binata ng humahangos na dumating ang manager ng mall dahil natawagan na ng ibang sales lady na naroon dahil sa kaguluhan nila.
"What's going on?ani ng boss nila.
"Eh Sir yang mayabang na yan kumuha ng items ayaw magpa counter tapos siya pa tong may ganang magalit eh nagsasabi lang naman ako"aniya.
Dahan dahan namang lumingon si Dominic sa kanila at biglang nagulat ang manager ng makilala ang tinutukoy ng sales lady na walang iba kundi ang anak ng may ari ng mall na ito.Kaya kaagad siya nagyuko ng ulo sabay humingi ng paumanhin.
"Sir pasensya na po kayo sa nangyari hindi..."
"Tanggalin siya sa trabaho ngayon din"aniya at humakbang na patungo sa fitting room.
Halos lumuwa naman ang eyeball ni Monica sa narinig at sa reaksyon ng manager nila.
"S-Sir?aniya sa manager.
"Yes siya lang naman ang anak ng may ari ng mall na ito Miss Monica"
"Patay!aniya at napasapo sa noo.
"Hindi ko po alam Sir maniwala po kayo"aniya dito.
"Edi sa kanya ka humingi ng paumanhin huwag sa akin"
"Sir please tulungan nyo po akong magpaliwanag"
"Kanina ang tapang tapang mo tapos ngayon magpapaliwanag lang hindi mo na kaya?
"Eh Sir ginagawa ko naman po yung trabaho ko ng maayos na huwag paabuso sa mga abusadong costumers"
"Alam ko and you did a good job nagkamali ka nga lang ng binangga"
"Saan ko po siya maaaring kausapin Sir?
"Sa opisina ko pupunta yon doon"
"Sige po Sir pupunta ako doon"
"Okay I'll go ahead"anito at tumungo na ulit sa opisina nito.
"Diyos ko bakit siya pa ang nakabangga ko?usal niya.
Papalabas na si Clarissa galing sa comfort room habang nag aayos ng suot niyang uniporme ay biglang may nakabangga siya ng kung anong nilalang na galing sa fitting room ata na iisa ang way palabas.Dahil sa malakas ang pagbangga sa kanya ng tao ay muntik na siya ma out of balance pero nasalo siya ng matigas na bisig na pumulupot na sa likod niya.And then she finally realize ang isang kamay nito ay nakahawak sa isa niyang dibdib kaya napamulat siya ng mga mata sabay mabilis sinampal ang lalake.
Paakkk..
"Ouch heeey!!!ani ni Dominic ng bigla siyang sinampal ng babae.
"Bitiwan mo ako!!!asik niya.
Kaya binitawan siya ng lalake edi tuluyan siyang nahulog sa semento.
"Aaraayyy!!!aniyang sapo ang likod at tumingin sa lalake.
"Bakit mo ako binitawan ikaw yung bumangga sa akin ah at kasalanan mo yon!!aniya.
"You slapped me pagkatapos kitang saluhin and then you told me to let go of you tapos ngayon magrereklamo ka?
"Dahil hinawakan mo ang bo...oopppsss"aniyang natakpan agad ang bibig.
Saka mabilis tumayo at sinampal ulit ang lalake.
"Hey ano ba bakit mo ako sinampal ulit!??
"Dahil...dahil...dahil ano yung hinawakan mo ang ano yung kuwan ahm..."
"Whaaaatttt??asik din ng lalake.
Dahil hindi niya alam kung bakit sinampal sampal siya ng babaeng to na maganda pa naman sana eh tumulong lang siya dahil alam niyang kasalanan niyang mabangga ito dahil nagmamadali siya.
"Dahil hinawakan mo ang ano ko!!!
Tumaas lalo ang kilay niya habang tiningnan ang babae na hindi niya matukoy kung anong sinasabi nito.
"I'm sorry but I need to go Miss"aniyang humakbang na.
Boogggsss....binato ba naman siya ng bag nito at sapol siya sa ulo.Naiinis na talaga siya at nakakarami na tong babae na to ah kaya lumingon siya at nilapitan anf babae na alam niyang galit ito.
"Hey ano bang problema mo ha!??aniya.
Paaakkk...muli siyang sinampal nito naikuyom niya ang kanyang kamao at nagtitimpi na mapagbuhatan ito ng kamay mahirap na baka makasuhan pa siya.
"Ikaw pa tong bastos ikaw pa ang may ganang magalit??
"Look hindi ko alam kung anong ikinagagalit mo knowing na sinalo lang kita and I admit na kasalanan ko yon,so why the hell mad at me and slapped me many times now huh?
"Dahil hinawakan mo ang..."hindi talaga niya masabi dahil nahihiya siya kaya tumingin nalang sa dibdib ng lalake.
Parang nakuha naman yata ng mokong at nakita niyang ngumiti ito sa kanya sabay binaba ang tingin nito sa dibdib niya kaya napalunok siya.
"Nahawakan ko pala ang chocolate hills mo okay sorry I didn't mean it"
"Ano?
"I called it chocolate hills dahil parang wala ka namang hinaharap eh dahil maliit ni hindi ko nga alam na nahawakan ko pala I thought all along it's just a fine chest of yours not a boobies"aniya sabay kindat sa babae at humakbang na upang iwan ito.