SAMBAKOL ang mukha ni Clarissa ng bumalik sa pwesto niya,naiinis siya sa antipatikong lalakeng yon na ang angas pang tingnan na akala mo pagmamay ari niya itong buong mall grabe ang yabang na napakabastos pa,humanda talaga yan kapagka mag krus ulit ang landas natin.Galit pa rin siya at kaagad niya hinanap ang kaibigan niyang si Monica.
"Elise nasaan si Monica?tanong niya sa kasama nila.
"Ah sa opisina ng manager"
"Ha?bakit daw may problema ba?
"OO eh may naka sagutan siyang costumer kanina"
"Hay naku mga costumers talaga pare pareho lahat sila na nga tong may mali sila pa ang may ganang magpatawag ng disciplinary action"naiirita niyang wika.
"Hindi ganon yon Clarissa"
"Eh anong problema bakit siya pinatawag ng manager?
"Eh kasi yung naging costumer niya eh anak pala ng may ari nitong mall"
"Ha!?naku patay!aniyang nag aalala para sa kaibigan.
"Narinig ko nga pinapatanggal ng lalakeng yon kay Sir si Monica"
"Naku huwag naman sana matanggal si Monica mahirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon"
"Kaya nga eh"
Instead na nag aalburuto siya ng galit para sa lalake kanina ay napalitan ng pag aalala para sa matalik niyang kaibigan,paano kung tanggalin nga ito sa trabaho nito?Palakad lakad siya habang hinihintay bumalik ang kaibigan at nawala na tuloy sa isipan niya ang antipatikong gwapong mokong na yon.Ay juicecolored gwapo daw si Ateng nakita ang kaguwapohan ng antipatiko.pilig ulo upang mawala sa isipan niya.
Habang sa opisina ng manager ay tahimik nakaupo si Dominic sa upuan ng manager sabay nakatungtong ang dalawang paa sa taas ng mesa habang si Monica naman at manager ay nakatayo lang din sa harap ng mesa.
"Why she's still here?pointing his finger to Monica.
Sasagot na sana ang manager pero kaagad nagsalita si Monica.
"Sir..I'm sorry po hindi ko po sinasadya ang ginawa ko kanina,ginawa ko lang po ang tungkulin ko bilang sales lady dito"aniya sa lalake.
"So?
"Nagmamakaawa po ako sa inyo Sir na huwag ninyo akong tanggalin sa trabaho ko"
"Pack your things and go"
"Sir?ani ni Monica.
"Ahm Sir Dominic maaari nyo po ba siyang bigyan ng isang pagkakataon?Huwag ninyo po sanang mamasamain pero hindi po ba na tama din ang ginawa ng employee ko ayon sa mga rules natin dito sa mall nagkataon lang po na kayo ang nasita niya"ani ng manager.
Tiningnan ni Dominic ang babae na kulang nalang ay iiyak ito saka niya naalalang magkatulad ang suot nitong uniporme sa babaeng nakabanggaan niya kanina.So means dito rin nagtatrabaho yung sadistang babae na sa maiksing minuto lang nagawa siyang sampalin ng ilang beses at first time in his life nasampal ng babae at hindi niya pa kilala.Interesado tuloy siyang makita muli ang babae na kanina pa hindi naalis sa kanyang isipan dahil sa taglay nitong kagandahan.Kaya naman sumilay ang ngiti sa labi niya at tumayo mula sa pagkakaupo at nakapamulsa itong humakbang palapit sa babae.
"Okay I fix my mind you stay here and you did a good job"aniya sa babae.
Diretso namang napatingin si Monica sa lalake at tila inaalam kung seryoso ba ito o hindi dahil kanina lang sobrang galit ito sa kanya pero ngayon ang amo na ng mukha ang bilis naman magtransform.
"S-Sir?aniya.
"Back to your work Miss..."aniyang binasa muna ang nameplate"Monica Aguilar"
"T-thank you po Sir salamat po ng marami talaga"aniya dito.
"Okay you can go now"aniya.
Sinundan niya ng tingin ang babae habang palabas ng opisina at hinarap ang manager.
"Anton pwede ko bang makita lahat ng info ng employees dito?
"Sure po Sir Dominic"anito at tumungo sa drawer upang kunin ang files.
Binigay niya ang files kung saan nakalagay ang info ng mga employees na hinihingi nito.Kinuha naman niya saka isa isang binuklat ang bawat pahina at nakita niya ang kanyang hinahanap.
"Clarissa Moran"aniya sa isip at binigay ulit sa manager ng makuha na ang info.
"Thank you and I'll go ahead"aniya.
"You're welcome Sir"sagot ng manager.
Nagkasalubong sila ni Benjie dahil patungo siguro ito sa opisina ng manager.
"Hey akala ko umuwi ka na"ani ni Benjie.
"No not yet"aniya.
"So where are you heading to?
"May gusto lang akong puntahan before going home"
"Saan?
"Follow me"aniya at humakbang na.
Nagtataka si Benjie dahil bumalik si Dominic kung saan ito kumuha ng sinuot nito ngayon.
"May kailangan ka pa dito?
"Maybe"sagot niya at kinausap ang isang sales lady na naroon.
"Kasama nyo ba dito si Miss Clarissa Moran?
"Opo Sir nasa kabilang section po"
Pumasok siya at nakabuntot lang din si Benjie na walang idea kung anong ginagawa ng kaibigan dito at parang may hinahanap pa.
Habang si Monica at Clarissa naman ay abala sa pagtsismis tungkol sa nakasagutan nitong costumer na walang iba kundi anak ng may ari ng mall.
"Grabe girl natakot ako dahil seryoso talaga ang mukha na tanggalin ako hindi ko nga alam bat biglang nagbago ang isip nun"
"Pasalamat ka nalang at nagbago pa ang isip niya kundi baka sa kangkungan ka pupulutin"sagot niya sabay inayos ang mga damit.
"Kaya nga eh pero ang pogi niya talaga"
"Sus ayan ka na naman pagkaalam ko walang pangit sa paningin mo puro pogi lang"
"Uy girl iba yung anak ng may ari nitong mall sa ibang lalake,alam mo yung tipong mabangis ang mukha pero ang sarap titigan yung parang suplado pero ma feel mo mabait naman tos ito pa girl ang mata kapag tumitig sayo lord makalaglag panty grabe"ani ni Monica na kinikilig pa.
"Hoy ikaw masisante ka na nga eh may pakilig kilig ka pa dyan?
"Kanina lang ako natakot girl pero ngayon gusto ko na ulit siya makita kasi ang pogi pogi nga at ang katawan naku girl ang sarap i-hug saka yung abs niya ang yummy yummy siguro"malandi nitong wika.
"Tumigil ka nga malantod ka talaga"
"Wala namang masama magpantasya ah saka alam kong hindi ako mapapansin nun dahil hindi naman ako kagandahan,pero alam mo siguro ikaw mapansin niya ang beauty mo girl"
"Hay naku huwag mo akong masali sali dyan sa pantasya pantasya mong yan Monica"
"Sige na nga,pero back to topic tayo kanina yung nakabanggaan mo?
"Huwag mo ng i-remind sa akin yon girl naaasar lang ako lalo eh"
"Pero sinabi mong pogi di ba at matigas ang bisig na sumalo sayo I bet maskulado yon girl"
"Hindi naman ako interesado eh"
"Pero nakita mo ang kapogian niya pero hindi ka interesado?paano nangyari yon?
"Wala napansin ko lang ganon"
"Interesado ka nga kaya mo napansin o ha aminin??panunukso ng kaibigan.
"Naku kung siya lang din huwag na uy kahit siya pa ang kahuli hulihang lalakeng matitira dito sa mundo nungka akong magkaka interes sa kanya bukod kasi sa antipatiko na mayabang pa at napakabastos pang tao"aniya sa kaibigan.
"I've told you I didn't mean to touch it so why is it a big deal for you?anang baritonong tinig mula sa lukiran nila.
Sabay silang dalawa napalingon at gayon na lamang ang gulat ni Clarissa ng makilala ang lalake at napanganga naman ang kaibigan niyang si Monica habang nakatingin sa lalake.Bahagya niyang siniko ang kaibigan upang bumalik ito sa normal.
"A-aray ko"mahinang usal ni Monica.
"Umayos ka nga yang bibig mo eh nakanganga"mahina niyang wika.
"Siya..."
"Hi Monica glad na hindi ka na takot na kaharap ako"
"Po?ah eh hi po Sir"sagot ng kaibigan.
Naguguluhan naman siyang nagpalipat lipat ng tingin sa dalawa paanong nagkakilala ang kaibigan at bastos na lalakeng to?
"Ahm mind me if I take you for a coffee?ani ng lalake sa kaibigan.
"Po?me?coffee?ani ni Monica sabay turo sa sarili.
"Uh-huh"
"Eh ano kasi Sir.."
"Just a minutes please?
Lalong kumunot ang noo niya sa usapan ng dalawa bakit parang ang close ng lalake sa kaibigan niya may hindi ba sinasabi si Monica tungkol sa buhay nito?Manliligaw ba ito ng kaibigan pero bakit Sir ang tawag nito sa lalake.
"Ahm sige po"sagot ng kaibigan at tumingin sa kanya"girl pwede ba akong sumama sa kanila?
"H-ha?sige okay ako na ang bahala dito"
"Sige babalik din ulit ako"
"Uhm"tango niya at umalis na ang kaibigan kasama ang dalawang lalake.
Pag-alis ng mga ito ay naiwan siyang nag iisip sa nangyayari,kanina niya lang nakabangga yung lalake tapos magkakilala na agad ang mga ito?Napasapo nalang siya ng noo at inayos na ang mga damit na naalis sa lagyanan dahil sa pamimili ng mga costumers.
Dinala ni Dominic si Monica sa Starbucks na nasa loob din ng mall at umorder naman ng maiinom nilang tatlo si Benjie.
"Nagtataka ka siguro why I take you here right?tanong ni Dominic sa kanya.
"Ganon na nga po Sir"
"I don't know if this just a coincidence pero magkaibigan ba kayo ni Miss Clarissa Moran?
"Opo Sir matalik kaming magkaibigan ni Clarissa pero paano nyo po nalaman ang pangalan niya?
Tiningnan lang siya ng lalake at hindi ito nagsalita kaya...
"Aw nakalimutan ko kayo po pala ang may ari nitong mall"nahihiya niyang wika.
"Narinig ko ang usapan ninyo kanina and unfortunately ako yung lalakeng tinitukoy niya sayo"
"Oh em gee!kayo po pala Sir?ang malas naman niya"
"What?
"Po?ah ang sabi ko Sir pagkamalas naman ng araw na ito para sa amin ng kaibigan ko,tatanggalin nyo din po ba si Clarissa?
"No!pero balak ko siyang gantihan"
"P-po?g-gantihan po Sir?nuutal niyang wika.
"Kidding masyado ka namang nerbiyosa"ngiting wika ng lalake.
Ay grabe first time niyang nakita ngumiti ang mokong na to at lalo palang gumuguwapo kapag nakangiti ito pero bakit kaya palaging mabigat ang mukha eh mas maganda pala kapag nakalabas ang maputi nitong ngipin?
Click!click!pinitik pitik ni Dominic ang daliri sa mukha ng kaharap dahil natutulala na ito.
"Ay Sir sorry po pasensya na po Sir"aniyang nakabawi na mula sa pagkatulala.
"Something bothering you?
"Ahm opo Sir tatanungin ko lang sana kung bakit nyo ako inimbitahan dito?
"Here we go"wika ni Benjie sabay lapag ng coffee sa harapan nila.
"Thanks bro"ani ni Dominic.
"Salamat po Sir Benjie"ani ni Monica dahil nagkakilala na sila ng binata habang papunta dito.
"You're welcome"ngiti ni Benjie kay Monica.
Napaiwas naman ng tingin si Monica dahil hindi niya kayang titigan ang lalake.Hindi niya alam pero iba ang dating sa kanya ng lalakeng to.
"Yeah Monica kaya kita dinala dito para pakiusapan na huwag mong sasabihin sa kaibigan mo kung sino ako"
"Hindi ko sasabihin na ikaw na nakabanggaan niya at costumer ko ay iisa?
"Yes exactly"
"Bakit po Sir?
"Simply I have plan of courting her"
Naibuga naman ni Benjie ang kapeng ininom sa sinabi ng kaibigan.Lihim naman napangiti si Monica sa reaksyon ni Benjie at hindi masyadong nagulat sa sinabi ni Sir Dominic.
"W-what?wait what did you just say right now?
"Liligawan ko nga siya"
"Hindi ko alam na marunong ka palang manligaw?nakabanggaan mo lang liligawan mo na?
"Not your business okay?aniya sa kaibigan at muling tumingin kay Monica"so will you do me that favor Monica?
"OO naman po Sir no problem,ano pong sasabihin ko kung magtatanong kung paano tayo nagkakilala?"ngiti niyang wika.
"Sabihin mong bumili lang ako ng damit then nagkakilala tayo marami namang costumers hindi ba?
"Ah sige po Sir yong nalang sasabihin ko"
"Friends?ani ni Dominic sabay lahad ng palad dito.
"Okay po friends"sagot niya at akmang makikipagkamay siya dito ay biglang tumayo si Benjie.
"Friends with me too Monica"ani ni Benjie at inabot ang palad ni Monica na dapat si Dominic yon.
"Loko"ani ni Dominic sabay ngiti.
Napangiti nalang silang tatlo at ininom na ang kape nila,pagkatapos nilang uminom at babalik na si Monica sa pwesto nito pinadala pa siya ni Dominic ng kape at doughnut para daw sa kaibigan niyang si Clarissa.Kinilig tuloy siya para sa kaibigan at hindi niya akalaing magkakagusto ang anak ng may ari ng mall na ito sa kaibigan niya.Sabi na nga ba eh ma-aattract talaga ito sa kaibigan niya kaso paano kung mabuking ang lihim nilang tatlo ni Benjie eh may nakakaalam pa naman na kasama niyang sales lady kung sino si Dominic Fuentabella.Bahala na basta siya walang sasabihin na kahit na ano sa kaibigan.
"Hello girl"agad niyang bati sa kaibigan.
"Girl dito ka na pala..anong ginawa sayo ng mokong na yon?
"Wala kaya relax ka lang dyan at puso mo ha hawakan mo baka malaglag"aniya sabay inabot ang dalang kape at doughnut.
"Ano to?
"Kape at doughnut hindi mo alam?
"Shunga alam ko ibig ko sabihin binili mo to para sa akin?
"Hindi ko naman sasayangin ang pera ko para bumili ng kape sa Starbucks para lang ibigay sayo alam mo naman na kontento na ako sa kopiko"
"Eh saan nga galing?
"Sa kanya galing"ani ng kaibigan sabay nguso sa papalabas ng binata kasama ang kaibigan nito.
Tumingin siya at nakita niyang kumaway pa ang lalakeng nakabangga niya kanina at tuluyan ng lumabas.Napakunot noo siya at tumingin sa kaibigan na kay lapad ng ngiti nito.
"Bakit daw?
"Peace offering ata girl"
"Binuhos mo sana sa mukha niya"
"Uy huwag sayang yung gwapo niyang mukha bubuhusan mo lang ng kape?
"Pakialam ko ba"
"Inumin mo na yan masarap yan lalo na pag libre"
"Eh bakit hindi siya mismo ang nagbigay nito sa akin?
"Natatakot daw na ibuhos mo sa mukha niya"
"Lukaret ka talaga Monica"naaasar niyang wika.
"Sige na nag peace offering na nga yung tao eh,malay mo babalik yon dito bukas"
"Subukan niyang magpakita dito bukas at kakalbuhin ko talaga"
"Weeehhh di nga?aminin mo na kasi na kinilig ka rin noh?
"Matanong nga kita paano kayo nagkakilala ng mokong na yon?
"Bumili siya ng damit kanina at ako ang nag assist sa kanya kaya medyo nagka usap kami"
"Tapos?
"Tapos hindi ko alam kung paano niya nalaman na dito ka rin nagtatrabaho siguro dahil napansin niyang same tayo ng uniporme"patay malisya niyang sagot sa kaibigan.
"Sigurado ka?
"Ay hindi girl gawa gawa ko lang yon,sympre sigurado ako noh"ismid nitong wika sa kanya.
Natahimik nalang din siya paano kung gusto lang talaga ng lalakeng humingi ng dispensa sa kanya kaya nag effort talaga?napangiti tuloy siya ng wala sa oras.
"Ayan anong ngiti yan girl?
"Ahm wala iinumin ko lang to baka lumamig na eh"iwas niyang wika.
"Okay"ani ng kaibigan.
Akmang iinumin niya na ito pero may nakita siyang nakasulat sa coffee cup kaya binasa niya ito.
"Drink me please"anang note.
Napangiti nalang siya at ininom na ang coffee.
Pagsapit ng oras ng uwian nila ay nag aabang na silang dalawa ni Monica ng traysikel pauwi sa kani kanilang bahay.Naunang nakasakay si Monica dahil medyo malayo ang tahanan ng kaibigan.Ilang minuto pa ang lumipas mula ng nakaalis ang kaibigan ay may biglang huminto na kotse sa harapan niya kaya napaatras siya ng konti sa takot na bigla siyang dudukutin ng tao sa kotse.
"Ma'am pasensya na po pero kayo po ba si Miss Clarissa Moran?anang driver.
"A-ako nga po bakit po?
"Ihahatid ko na po kayo sa inyo Ma'am"
"Bakit naman ako magpapahatid sayo eh hindi kita kilala?
"Inutusan lang po ako ng nagbigay sa inyo ng kape Ma'am"anang driver.
"Nag bigay ng kape?ulit niya sa sarili dahil medyo nawala na sa isip niya yon.
"Yung nagbigay sa inyo ng kape Ma'am"ulit ng driver.
"Ah siya ba?sino pala siya?
"Pasensya na po Ma'am pero hindi ko pwedeng sagutin yan"sagot ni Mang Tado na alam na ang kwento ng dalawa.
"Ganon ba?huwag nalang po magtatraysikel nalang po ako"
"Naku Ma'am hindi po maaaring hindi kayo papayag baka mawalan ako ng trabaho"pagdadahilan niya dahil mahigpit kasi binilin ng amo na ihatid ang babaeng tinutukoy nito.
Napakunot noo namang tumingin si Clarissa sa driver at tingin niya mukhang hindi nagbibiro ang kausap niya pero nandon pa rin ang takot sa dibdib niya paano kung gawan siya ng masama ng taong to at yung lalake kanina?pero sa tingin niya mukha namang mabait ang driver ewan niya lang dun sa lalake na yon kung mabait ba talaga o nagbait baitan lang.
"Pumayag na po kayo Ma'am ihahatid ko naman po kayo ng maayos"ulit ng driver.
Kahit nagdadalawang isip ay nagpasya na siyang sumakay nalang baka nga totoong mawawalan ito ng trabaho kung hindi siya papayag baka maging kasalanan niya pa.
FUENTABELLA MANSION:
NASA kanyang silid na si Dominic at tamang tama ang pagdating niya dahil wala ang mga magulang niya nasa party daw ito ng isa nilang kaibigan kaya mamaya pa darating ang mga yon.Pagkatapos niyang mag shower ay lumabas na siya saka nagsuot ng short at nahiga na sa kama it's been a year na hindi siya nakatulog dito kaya miss na miss niya na ang kanyang kwarto.Habang nakahiga at nakatingin lang sa kisame ay mukha ni Clarissa ang nakikita niya doon,he have to admit na humanga siya kay Clarissa the first time he gaze at her face,those pair of brown eyes that captured his eyes,yung labi niyang tila bang nag aanyayang hagkan niya and the soft voice of her that really like a music to his ears...but...no...he doesn't like a terror woman at ganon si Clarissa.Napa ismid nalang siya ng maalala ang ginawa ni Clarissa sa kanya.Eh balak pa naman niya itong gantihan iyong liligawan niya pag sinagot na siya nito saka siya hindi na magpapakita pa.
"Mahuhulog ka sa bitag ko miss terror"aniya sa sarili pero may bahagi naman ng isip niya ang tumututol kaya pumikit nalang siya.
Hanggang sa ginapo na siya ng antok dahil narin siguro sa pagod mula pa sa biyahe.