"Anak sinong naghatid sayo"tanong ng kanyang Ina.
"Ah yung driver daw po ng nakabanggan ko kanina sa mall"sagot niya.
"Magkakilala kayo?tanong ulit ng Ina.
"Sino po Nanang yung driver o yung nakabanggaan ko?
"Pareho"
"Hindi po Nang pero mukha naman po mabait"
"Eh bakit hindi mo pinatuloy asan na siya?
"Nakaalis na po Nanang saka nagpasalamat naman ako"
"Pero nak pogi ba yung nakabanggaan mo?tanong ng Tatang nila.
"Hmm medyo Tang"
"Ate nagkakilala ba kayo nung lalake?tanong naman ng bunso.
"Hindi eh"
"Bakit Ate chance mo na kaya makapag nobyo"
"OO nga anak malay mo magustuhan ka nun"banat naman ng Tatang nila.
"Naku Tang malay ko ba may asawa na yon"
"Eh bakit inutusan pa niya ang driver maghatid sayo?ani ni Aling Maritess.
"Peace offering lang po Nanang dahil nga sa kasalanan niya ganon lang yon"
"Inalam mo man lang sana ang pangalan nung driver at yung lalake anak"
"Para saan pa po Nanang eh hindi naman din kami magkikita ulit"aniya.
"Malay mo Ate pupuntahan ka sa Mall dahil may crush sayo"
"Tigilan mo nga ako Brian sige na papasok na ako sa kwarto"aniya sa kapatid at mga magulang nila.
MATAPOS ang matinding interview sa kanya ng kanyang mga magulang at kapatid ay nakapasa din siya,paano naman kasi hindi ka tatadtarin ng tanong kung bigla nalang may maghahatid sayo ng de kotse at magara pa?Pero she simply told her parents and little bro it's kinda peace offering lang naman nothing else dahil nga sa nangyari kanina sa mall.Good things na nakumbinsi naman din niya ang mga ito na ganon lang talaga pero ganon nga lang ba yon o may higit pang dahilan?
Pabaling baling siya ng higa dahil hindi siya mapakali eh mukha ng mokong na yon ang nakikita niya,aminin man niya o hindi pero tama ang kaibigan niya ang gwapo ng lalake.Pero...sadly hindi niya alam ang pangalan nito at hindi niya nga pala naitanong sa kaibigan kung anong pangalan ng lalake.Dahan dahan niyang hinawakan ang kanyang dibdib at parang feelings niya nakahawak parin dun ang kamay ng lalake.
"Eeehhh bwisit bakit ba!?aniya sabay batok ng sariling ulo.
Muling nag iba ng posisyon at humarap sa dingding pero nakikita pa rin niya ang mukha ng lalake pero yung nakangiti na dahil kinausap nito ang kaibigan ang sarap sa mata yung mukha nitong nakangiti hanggang sa dahan dahan siyang nakatulog at mukha ng lalake ang huli niyang nakita.
KINABUKASAN maaga pa lang nasa silid niya na ang kanyang Ina at ginigising siya nito.
"Good morning Dom"anang kanyang ina.
Pupungas pungas pa siyang nagmulat ng mga mata saka niyakap ang ina na parang baby lang na nakaupo ito sa kama.
"Morning too Ma"mahina niyang sagot.
"Tired?tanong ng ina habang sinuklay suklay ng daliri nito ang kanyang buhok.
"Little bit and how are you Ma?tanong niyang hindi man lang nagmulat mg mga mata.
"I'm okay hijo..bumangon kana then maligo para sabay na tayong kakain ng breakfast"
"Kayo nalang muna Ma mamaya pa ako kakain"
"Matutulog ka pa ulit?
"I'm still sleepy"
"Magagalit ang Papa mo sayo kapag hindi ka pa nagpakita"
"Kailan ba hindi nagagalit sa akin yon Ma?
"Hijo sundin mo nalang kasi ang Papa mo besides para din naman sayo yung inutos niya sayo"
"Mama sinabi ko naman kay Papa na hindi pa ako handa para sa business na yan eh"aniyang bumangon na at sumandal sa headboard ng kama.
"Dom hindi ba mas maiging ngayon pa lang matutunan mo ng mag handle ng business natin para alam mo na pagdating ng araw kapag hindi na kaya ng Papa mo after all ikaw lang ang maaasahan namin sa negosyo natin"
"I gotta take a shower Ma"aniyang sabay bumaba ng kama at diretso sa bathroom.
Napapailing nalang si Doña Socorro habang sinundan ng tingin ang anak,hindi niya alam kung kailan lalambot ang ulo nito.
"Hay Dominic I wonder kung kailan ka pa ba magbabago"aniya at lumabas na ng kwarto.
Bumaba na siya at nakita niyang nasa dining area na ang kanyang asawa kaya lumapit na siya sabay halik niya dito.
"Good morning Gustavo"aniya sabay umupo na.
"Good morning too..nasaan na yung magaling mong anak tulog pa rin ba?
"Naliligo pa at bababa na rin yon"
"Mabuti naman at nakumbinsi mong sumabay kumain sa atin"
"Gustavo ngayon lang natin makakasama ulit ang anak natin maaari bang pakikitunguhan mo naman siya ng maayos?
"Socorro I was been calm to him sa tuwing kinakausap ko dahil ayokong palagi kaming nagtatalo ang hindi ko lang gusto ang palagi niya akong sinusuway kaya palagi akong nagagalit sa kanya"
"Alam ko pero huwag na muna natin siyang pilitin sa gusto mo hintayin natin na siya ang kusang mag boluntaryo para hindi kayo mag away"
"And then kailan mangyayari yon ha kapag uugod ugod na siya sa katandaan?My God Socorro he is old enough to handle our business..yet wala pa rin siyang balak magtino"
"Nag eenjoy pa siya sa kanyang buhay you know naman na kapag siya na ang namamahala sa negosyo wala na siyang oras para sa sarili niya katulad mo sa negosyo lang ang atensyon"
"That's a crap reasons I ever heard Socorro kaya matigas ang ulo ng anak mo dahil dyan sa pagkampi kampi,would you just let me handle my son Socorro?
"Sinabi ko lang naman na hindi mo masasakal ang anak mo Gustavo"
"Well I'm not...I just want him to be more mature"anito.
Hindi na siya sumagot pa dahil ayaw niyang silang dalawa na naman ang magtatalo.Maya't maya ay dumating na si Dominic at humalik ito sa kanyang ama.
"Good morning Papa"ani ng binata.
"Good morning too son..kumusta ang tulog mo?
"Maayos naman Pa"sagot niya at umupo na.
"That's good..so do you have any plan to do today?
"I guess no"
"Okay"ani ng ama.
At tahimik na silang kumain habang nag uusap minsan ang ina at ang kanyang ama siya naman ay tahimik lang din kumakain.
"Pa?aniya.
"Yes?sagot ng ama.
"Are you going to allow me if I asks you to manage our department store in Sta.Rosa?
Nagkatinginan naman ang mag asawa sa sinabi ni Dominic at hindi nila inaasahan na ito pa ang mag o-open topic about their business.
"Pardon?ani ng ama.
"I will be the one to manage our department store in Sta.Rosa Papa"
"Are you sure?panigurado pa ng ama.
"Yes Pa besides ito naman ang gusto nyo hindi ba ang matuto ako so I will take it"
"Sinasabi mo ba to dahil gusto ko?
"No Papa it's my own decision after all tama naman kayo kailangan kong matuto sa negosyo"
"So bukal sa loob mo ang hiniling mo ngayon right?
"Yes Papa don't worry"
"Yeah okay kung gusto mo for sure mas gusto namin yon and thank you son"ani ng ama.
"You're welcome Pa"ngiti niya sa kanyang mga magulang.
"So kailan ka magsisimula?tanong ng ina.
"Maybe today or bukas Ma"
"Wow ganon kadali?
"Yes and dapat nga dati pa eh"biro niya.
Masaya nilang natapos ang kanilang agahan lalo na si Don Gustavo na iyon naman talaga ang gusto niya para sa kanyang anak ang matuto itong mangasiwa ng negosyo nila.Pagkatapos nilang kumain ay pinuntahan niya ang kanilang driver upang tanungin ang pinapagawa niya dito kahapon.
"Mang Tado"pansin niya.
"Magandang araw po Señorito kayo po pala"ani ni Mang Tado habang naglilinis ng kotse.
"Kumusta alam mo ba kung saan ang bahay niya?
"Opo alam ko na po Señorito"
"Good samahan mo ako mamaya sa kanila"
"Sige po Señorito"sagot nito.
Papasok na sana siya ulit ng may nakita siyang pumasok na may katandaan ng babae.
"Sino siya Mang Tado?
"Pagkaalam ko labandera po siya dito"sagot ni Mang Tado.
Dahil hindi niya gaano nakakausap ang ginang dahil baguhan pa siya dito sa Mansion.Siya kasi ang kapalit ng naunang driver ng mga ito.
"Ah ganon ba?aniya at pumasok na ulit sa loob.
Si Aling Maritess naman ay kinolekta na ang mga labahan ng amo pagkatapos niyang makuha ang maruruming damit ng mag asawa ay pumasok na siya sa kwarto ng anak ng mga ito dahil sinabi ng Doña na dumating ang kanilang anak at marumi itong mga damit na kailangan labhan.Wala namang tao sa loob kaya pinulot na niya ang mga damit sa sahig at nilagay sa basket ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto.Nakita niya ang batang lalake na malamang ito ang anak ng kanyang amo kaya kaagad siya tumayo at nagbigay galang.
"Magandang araw po Señorito kinuha ko lang po ang marurumi ninyong damit"
"Magandang araw din..okay no problem"sagot nito sa kanya.
Tumango lang siya at parang mabait naman kahit mukhang suplado.Ng maya't maya ay narinig niyang nagsalita ang anak ng amo.
"Anong pangalan ninyo?
"Maritess po Señorito"
"Ah okay Aling Maritess"
"Dominic ang pangalan ko"
"Kinagagalak ko po kayong makilala Señorito Dominic"
"Thank you"anito sa kanya at tumungo na ito sa may closet.
Kaya dali dali niya ng kinuha ang mga damit nito at lumabas na sa isip niya baka magbibihis ang amo.Diretso na siya sa laundry room dahil doon naman siya buong maghapon at hindi masyado nakakalabas ng Mansion dahil paglalaba lang naman ang trabaho niya dito,nagkakausap sila ng katulong dito kapag oras ng kainan then after that balik trabaho ulit,yon ang daily routine niya dito sa Mansion.
Habang si Dominic naman ay nagbibihis na dahil balak niyang pumunta sa mall kung saan nagtatrabaho si Clarissa ewan niya pero masaya siya habang nagbibihis at paulit ulit pang tiningnan ang sarili sa salamin.Pagkatapos niya ay bumaba na at nagkasalubong sila ng kanyang ina.
"Hijo saan ang punta mo?
"Sa department store Ma"
"Oh I see magpapahatid ka ba kay Mang Tado?
"Hindi na Ma I will take my car to go there"aniya.
"Okay hijo mag ingat ka"
"Okay Ma I'll go ahead"aniya at humalik sa Ina saka tumuloy na.
Masaya siyang sinundan ng tingin ang anak dahil finally nagbago na ang isip nito.
Pasipol sipol si Dominic habang nagmamaneho patungo sa mall kung saan niya makikita si Clarissa.Ngumiti siya ng maalala ang dalaga well yes alam niyang dalaga pa ito ayon sa record nito sa files at mas mainam nga yon.Nakuha din niya ang contact number nito pero hindi pa niya tinatawagan maybe today.Ilang minuto pa ay nakarating na siya at agad umibis pagkapark niya ng kotse.Diretso siya sa main office na para talaga sa kanya kung sakaling gusto niyang i-manage ang department store nila kaya agad itong pinaayos at pinalinis ng kanyang ama.
Bumungad sa kanya ang mabangong air freshener,makintab na sahig at mga furniture sa loob nito at naka ready na ang mga gagawin niya sa ibabaw ng mesa.Perfect!
"Ah so refreshing"aniya at umupo sa swivel chair na naroon.
Sabay tinawagan ang manager dahil magpapatawag siya ng meeting,eh yung pag usapan nila para lang naman sabihin sa kanila na hindi sasabihin kay Miss Clarissa Moran kung sino siya.
"Anton I need all our employees except Miss Clarissa Moran"aniya kay Anton.
"Right now Sir?
"Yes right now"aniyang pinatay na ang tawag.
Naghintay pa siya ng ilang minuto saka nagsidatingan na ang mga employees at si Clarissa nga lang ang wala.
"First of all I want to introduce myself I'm Dominic Rox Fuentabella and the new head manager here,it's my pleasure to see all of you guys"
Tumango tango naman ang mga employees at nagbigay galang sa kanya.
"I have nothing to say by now pero may hihilingin sana ako sa inyo,gusto kong itago ang identity ko sa isa ninyong kasama na si Miss Clarissa Moran as you can see siya lang ang wala dito right?
"May rason po ba Sir para ilihim namin na kayo ang may ari ng department store?tanong ng isang sales lady.
"Yeah something like that"
"Sir baka naman po may something na kayo ni Clarissa?tanong din ng isa pa.
"Nothing yet for now"
"Sorry po sa nasabi ko Sir"hinging dispensa ng babae.
"It's okay..so do you guys can help me hiding my identity?
"Sure Sir no problem"ani ni Monica.
"Thank you all..you all can go now"
Tumango ang mga ito at sabay sabay na silang lumabas upang bumalik sa kani kanilang pwesto.
"Sir anong balak ninyo kay Miss Moran?
"Gusto ko lang makipag kaibigan sa kanya like a normal people do"
"Baka naman po Sir may gusto ka sa kanya?
"Sa tingin mo papasa kaya ako kapag ligawan ko?
"Panigurado Sir papasa kayo sa itsura ninyo yan naku sasagutin kayo agad"
"Wala ba siyang manliligaw?
"Pagkaalam ko parang wala eh"
"Ah that's good"
"Kaya ba Sir ayaw ninyong malaman niya na kayo ang may ari nito dahil nag alala ka na alanganin siya sayo dahil mayaman kayo?
"Parang ganon na nga alam mo naman ang mga babae ngayon malapit lang sayo kapag mayaman ka at sawa na ako sa mga babaeng ganyan"
"Sa tingin ko naman Sir hindi ganong babae si Miss Moran ang bait niya nga eh"
"Well I'll see"aniya.
Nagpaalam na si Anton pagkatapos nilang mag usap siya naman ay tinawagan ang number ni Clarissa.
Habang nag uusap sila ni Monica ay biglang nag ring ang cellphone niya ayaw niyang sagutin dahil bagong number.
"Baka importante yan girl sagutin mo na"ani ni Monica.
"Malay ko ba prank caller lang yan"
"Malay mo ang bunso mo pala nakikigamit ng cellphone ng iba"
"Sige na nga ang kulit din kasi"aniya sabay sinagot ang tawag.
"Yes?
"Hi"anang boses lalake pero hindi naman ang bunso niya.
"Sino po sila?
"I'm Dominic"
"Dominic?wala po akong kilalang Dominic"aniya.
Tahimik lang din nakikinig si Monica dahil alam na niya kung sino ang tumawag.
"Yes kilala mo na ako hindi mo lang alam ang pangalan ko"
"Sorry po pero baka mali ang natawagan ninyo"
"Miss Clarissa Moran"anang lalake.
"P-paano ninyo nalaman ang pangalan ko?at saan ninyo nakuha ang number ko?
"Ako yung lalakeng nakabanggaan mo kahapon remember?
"Po?ah kayo po pala pero sinong nagbigay sa inyo ng number ko?
"Tinanong ko ang manager ninyo"
"Ah ganon po ba?so ano pong kailangan ninyo sa akin?
"Can you go out with me?
"Ano?
"Go out with me"
"Narinig kita ibig kong sabihin bakit?
"I will pick you up in five minutes"anang lalake sabay pinatay na ang tawag.
"H-hello?hello?aniya pero patay na ang linya.
"Lalakeng yon ah"aniya.
"Bakit girl?tanong ni Monica.
"Yung nagyaya sayo mag coffee kahapon ilalabas daw ako at susunduin in five minutes baliw ba siya?aniyang naiirita.
"Sabi ko sayo eh crush ka nun"
"Hay naku maniwala ka dyan kahapon ikaw ang niyaya tapos ngayon naman ako,anong balak niya pagsabayin tayo?loko siya"
"Hindi naman niya ako nililigawan girl ang sabi niya makikipag kaibigan lang sa akin ganon lang dahil yung totoo crush ko yung kasama niya"kinikilig na wika ni Monica.
"Hmp ikaw talaga lahat nalang"
"Hindi ko naman crush yung costumer ko humanga lang ako dahil sa kapogian niya"
"Ewan ko sayo"aniya sa kaibigan.
"Hi ladies"ani ng tinig lalake.
Kinikilig naman ang iba nilang kasamahan habang lihim tinitingnan ang gwapong boss nila at kinausap si Clarissa.
"Hello po Sir"si Monica nagsalita.
"Dominic nalang Monica"aniya.
"Dominic"ani ng kaibigan.
"So ready ka na ba?tanong nito sa kanya.
"Hindi naman ako nagsabing oo"
"I didn't invited you anyway"ani ni Dominic.
"Ang gulo mo naman"sagot niya.
"Sinabi kong go out with me means whether you like it or not"
"Grabe ha namimilit ka ba?
"Bakit ayaw mo ba pwede kitang kaladkarin palabas"
"Tinatakot mo ba ako?
"Hindi"
"Okay makakaalis ka na dahil hindi ako sasama sayo"
"I told you so or else hindi ka na makakapasok dito bukas"
"Ano bang problema mo sa akin ha?
"Nothing baka ikaw meron so we can talk kung meron man"
"Wala akong problema sayo"
"Then that would be great so let's go"
"Nasa duty pa ako kaya hindi ako pwede"
Bigla nalang siya hinawakan sa kamay at kinaladkad patungo sa locker ng mga employees.
"Ano ba hoy bitiwan mo nga ako ano ba pinagtitinginan tayo ng mga tao"pagpupumiglas niya.
"Sumunod ka nalang kasi para hindi kita kakaladkarin"
"OO na sige na sasama na ako"aniya dahil nahihiya na siya sa mga tao.
"Okay pupunta tayo sa locker nyo para makapagpalit ka ng damit"ani ni Dominic sabay bitaw sa kanya.
Wala na siyang magawa kundi ang humakbang nalang patungo sa lacker nila.
"Huwag mong sabihin na sasama ka pa sa loob?aniya kay Dominic.
"Gusto mo ba?
"Bastos!aniya at pumasok na sa loob.
"Just one minute at kailangan mong lumabas kundi papasok ako"narinig niyang wika ni Dominic.
Iiling iling nalang siya habang nagbibihis at magmamadali pa talaga baka nga totohanin ng mokong ang banta nito.