Episode 4

4291 Words
DINALA siya ni Dominic sa isang exclusive restaurant na puro mayayaman lamang ang makaka afford kumain doon. "Bakit dito mo pa ako dinala pwede mo naman akong dalhin sa murang resto lang atsaka itong damit ko nakakahiya sayo hindi bagay sa ganitong lugar"aniya habang papasok sila sa loob. "Your presence is more important to me than what you look like now at ako ang nagdala sayo kaya ako ang mamili kung saan kita pwedeng dalhin"sagot ni Dominic. "Kahit na nakakahiya pa rin" "Be yourself sweetie" "Sweetie ka dyan batukan kita eh" "Pinaglihi ka ba ng Mama mo sa tiger? "Hindi" "Bakit ang tapang tapang mo I wonder kung babae ka nga ba o lalake"aniya sabay pinaghila ng bangko ang dalaga. "Excuse me?hala sa sexy at ganda kong to hindi mo alam na babae ako? "Nope!unless hindi ko nasubukan" "Ang bastos mo talaga ano? "Hindi pa naman kita ginalaw kaya huwag mo akong tawaging bastos" "Eh sa ganon yung ugali mo" "Do you know me? "Hindi pa" "O hindi pa naman pala eh"ani ng binata saka tinawag na ang waiter. Lumapit na sa kanila ang waiter at siya na ang nag order para sa kanila ni Clarissa dahil wala naman daw itong alam sa mga pagkain ng mayayaman.He really love the innocent on her face yung parang may kasama kang batang paslit na kung hindi mo ituro sa kanya if what is that or what is it wala itong idea.Well,napakalayo sa mga babaeng nakilala niya when he was in California kahit dito sa Pilipinas. "Anong trabaho mo?tanong ni Clarissa. "Wala" "As in wala?eh sinong naghahanap buhay sa inyo? "Parents ko" "Mayaman kayo ano kaya ayos lang sayo kahit hindi ka na magtatrabaho" "Hmm hindi naman mayaman talaga katamtaman lang" "May driver pa nga kayo eh..ay pasensya na nakalimutan ko salamat nga pala kahapon" "Hindi ko driver yon inutusan ko lang driver ng kasama ko kahapon" "Ah ganon ba?kahit na thank you pa din" Habang nag uusap sila ay dumating na ang kanilang inorder na pagkain,tahimik muna sila habang nilalagay ng mga waiter ang pagkain sa mesa nila at ng matiyak ng mga ito na ayos na lahat ay iniwan na sila. "Eat now"aniya sa dalaga. "Thank you" Tumango lamang ito at kumuha na ng pagkain at nilagay sa plato nito siya naman ay hindi alam kung alin ang kukunin kasi lahat hindi pamilyar sa kanya ginaya na lamang niya si Dominic. "So balik tayo sa topic,interesado ka ba sa mga mayayamang lalake? "Bakit naman ako magkaka interes sa kanila kung alam kong mayaman sila at mahirap lang ako? "Okay so what if may manliligaw sayo na mayamang lalake? "Siguro kung alam kong mayaman siya iiwasan ko nalang" "What if mahal mo siya kahit mayaman siya is that a big deal for you? "Dipende sa sitwasyon" "What do you mean? "I mean...hindi mo naman kasi pwedeng turuan ang puso mo kung sinong mamahalin mo kung nagkataong mahal ko yung nanligaw na mayaman then sasagutin ko mamahalin ko siya hindi dahil mayaman siya pero kung wala naman akong nararamdaman sa kanya edi wala at kahit mahirap yung manliligaw ko kung mahal ko sasagutin ko pa din" "How about me? "Tungkol sayo bakit? "Kapag manligaw sayo" "Bakit may balak kang ligawan ako? "Is there something wrong with that? "Wala naman" "So can I? "Binata ka ba? "What do you think? "Akala mo naman manghuhula ako? "I'm single but I had a lot of experience in s*x" Napaubo tuloy si Clarissa sa sinabi ni Dominic at nagpalinga linga pa sa paligid sabay inom ng tubig. "Hindi ko naman tinanong yon" "Sinabi ko lang once kasi na may liligawan akong babae the first thing I do is to open up about myself,I'm honest you know" "Okay sinabi mo eh"aniya at nagpatuloy ng kumain. "Are you still a virgin? Pinamulahan siya ng mukha at parang pinagpawisan sa tanong ni Dominic hindi niya akalaing napaka straight forward ng binata pero hindi siya na offend hindi naman ganon kakitid ang kanyang utak lalo na sa buhay ng mga lalake.Uminom muna siya ng tubig at nag iwas ng tingin saka pa sinagot ang tanong ni Dominic. "Hindi na"mahina niyang sagot. "Hmm okay" "Mahalaga ba sa inyo kung virgin pa ang babae o hindi na? "Well I don't know other boys but for me it doesn't matter as long as mahal ko o gusto ko siya" "So balak mo pa rin akong ligawan kahit hindi na ako virgin? "Hindi naman mahalaga sa akin kung virgin ka o hindi na" "Bahala ka basta nagsasabi ako sayo" "Ng totoo o ng sinungaling? "Ha? "Nevermind"aniya at nagpatuloy ng kumain. Hindi na rin nagsalita pa si Clarissa at ni hindi na tumingin sa binata basta sa pagkain niya nalang nakatuon ang atensyon niya. Pagkatapos nilang kumain at nagbayad ng bill ang binata ay hinawakan siya nito sa kamay at sabay na silang lumabas ng resto,inalalayan pa siyang makapasok sa kotse saka pa ito gumawi sa driver seat. "Babalik na ba tayo sa department store? "Your seatbelt please"ani ni Dominic na hindi sinagot ang tanong niya. "Ah okay"aniya saka kinuha ang seatbelt. Pero ayaw gumana kahit anong hila niya dito. "What's wrong?tanong ng binata. "Ayaw magpahila eh"mahina niyang wika. Kumilos si Dominic at lumapit sa kinauupuan niya sabay hila ng belt pero ayaw nga gumana kaya medyo natagalan ito.Pero...ang dibdib ni Clarissa kakabog kabog at bumilis ang pintig ng kanyang puso,paano ba naman kasi halos magkadikit na sila ni Dominic Diyos ko kapag lilingon ito tiyak na magkakahalikan sila sa sobrang lapit nila sa isa't isa.Halos hindi na siya humihinga dahil sa matinding tensyon at hiniling sana maayos na nito ang seatbelt para makaalis na at makahinga na siya ni hindi na siya makagalaw. Ng naayos niya na ang seatbelt at akmang babalik sa upuan eh saka niya na realize ang lapit lapit pala niya sa dalaga nakalingon ito sa bandang kanan,pero dahan dahan itong tumingin sa kanya siguro nahalata nitong natigilan siya kaya nagkasalubong ang kanilang mga mata.Napalunok siya habang nagtitinginan sila ni Clarissa at ang bilis ng t***k ng kanyang puso na hindi niya naranasan sa ibang babae.Dumako ang kanyang paningin sa labi ni Clarissa at yung pakiramdam na gusto niya itong halikan dahil gusto niyang matikman kung anong feelings kapag mahalikan ito,kaya dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ng dalaga..isang dangkal nalang at maglalapat na ang kanilang mga labi. Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng kanyang puso habang nilalapit ni Dominic ang mukha nito sa kanya pero ang hindi niya maintindihan bakit wala siyang mararamdamang pagtutol na baka halikan siya nito kahit nakaramdam siya ng takot.Dahan dahan siyang napalunok habang naghihintay sa kung anong mangyayari sa kanila ng binata ngayon. Ng hindi niya makitaan ng pag iwas ang dalaga ay nilalapit pa lalo ang mukha niya sa mukha nito,amoy na amoy niya na ang hininga ng dalaga na kahit kakatapos lang kumain lumalabas parin ang natural nitong hininga na lalong nag uudyok sa kanyang halikan ito.Dahan dahang sumayad ang labi niya sa labi ni Clarissa.God!ang lambot..kaya bumuka ang bibig niya at mahinang sinipsip ang labi nito..so good taste. Hindi niya alam ang gagawin kaya nanatiling sarado ang kanyang bibig at hinayaan lang ang binatang halikan siya nito hanggang sa tumunog ang cellphone at kaagad napabalik sa upuan nito si Dominic dahil sa biglang pagtunog ng cellphone na sa kalagitnaan sila ng tahimik na halikan. "Your phone"ani ng binata. Saka niya na realize cellphone pala niya ang nag ring kaya mabilis niyang dinukot sa bulsa at sinagot ni hindi na binasa ang caller. "H-hello?nuutal niyang wika. "Hello Ate" "O Brian napatawag ka?aniya ng si Brian pala ang tumawag. Kaagad siya napalingon dahil sa narinig niyang binanggit na pangalan ni Clarissa at alam niyang lalake yon.At hindi niya alam pero nakaramdam siya ng selos. "Ate pasuyo naman kulang yung damit ko para sa tour namin next week" "Kakabili ko lang sayo ng damit,magpapabili ka ulit? "Dalawa lang yon Ate eh hindi ko naman dadalhin ang mga luma kong damit" "Ilan ba ang kailangan mo? "Tatlo o dalawa lang Ate" "Sige maghahanap ako ng sale mamaya okay? Naiinis na siya bakit ba ang lambing lambing ng dating sa kanya ng boses ni Clarissa habang nakikipag usap ito sa lalake?Nobyo ba yon ng dalaga,damn hindi nga pala niya natanong kung may nobyo ba ito. "Sige na mag ingat ka palagi..bye"aniya at pinatay na ang tawag. "Finish?malamig niyang tanong. "OO pasensya na" Hindi ito sumagot at pinaandar na ang kotse,nagtataka naman si Clarissa dahil parang nag iba ang mood ni Dominic at tahimik na ito hindi kagaya kanina na halos para itong investigator sa pagkadaldal kaya sinubukan niyang kausapin. "Babalik na ba tayo sa department store?mahina niyang tanong. "May balak ka bang puntahan? "Ahm wala naman" "Edi ibabalik kita sa department store"anito na hindi man lang nag aksayang tumingin sa kanya. Tumahimik na siya at pakiwari niya parang ayaw ng makipag usap sa kanya ng binata. "May plano na ba kayo ng nobyo mo?maya't maya tanong ni Dominic. Kaya napalingon siya sa binata at nakita niyang ang bigat ng mukha nito,at hindi niya alam kung bakit naitanong yon ng binata. "Private life ko na yon siguro hindi naman masama kung hindi ko sasagutin ang tanong mo"aniya nalang dito. "Yeah your right that's your life and I'm stupid enough to asked you that" Hindi na siya sumagot at sa labas na nakatingin,wala na silang kibuan hanggang sa dumating ba sila sa department store,hindi siya kumilos at hindi umibis ng kotse. "You can go inside now Clarissa"aniya sa dalaga. "Okay..thank you nga pala"sagot nito at akmang bubuksan ang pinto ng kotse. Ng marahas siyang hinawakan ni Dominic sa braso sabay siniil siya nito ng halik.Mapusok at hindi tulad kanina na ang gaan ng paghalik sa kanya ng binata pero ganon pa man nagawa parin niyang ibuka ang kanyang labi kahit wala siyang alam sa ganitong bagay.Matagal magkahinang ang kanilang mga labi hanggang sa unti unting gumaan ang halik ni Dominic sa kanya at ilang saglit pa ay dahan dahang huminto si Dominic sa paghalik sa kanya siguro dahil hindi naman gumalaw ang kanyang labi at nakanganga lang. "Why didn't you kiss me back?mahinang tanong ni Dominic habang magkalapit ang mukha nila. "K-kailangan ko ng bumalik sa loob"aniya sabay umiwas sa binata. Pero hinawakan siya ni Dominic sa magkabilang mukha at muli siyang hinalikan nito.At para bang pinipilit siya nitong tugunin ang halik nito kaya unti unti siyang pumikit at sinubukang igalaw ang kanyang labi upang tumugon sa halik ng binata.Sa ginawa niya ay lalong dumiin ang halik ni Dominic sa kanya at bahagya pang sinipsip ang kanyang dila kaya napahawak siya sa kamay nitong nakahawak sa mukha niya kasabay ng pagkawala ng mahina niyang ungol. "Hmmm"ungol niya. "You kissed me back means sinagot mo na ako"ani ni Dominic sabay pinakawalan ang mukha niya. At umupo na ito ng maayos siya naman tulala lang nakatingin sa binata. "A-ano?mahina niyang tanong. Lumingon ito sa kanya at ngumiti sabay hinawakan siya sa baba. "We are officially in relationship sweetie"ani ni Dominic sa kanya. "P-papasok na ako"aniya sabay nagmamadali ng umibis ng kotse. Ngumiti siya habang sinundan ng tingin ang dalagang papasok sa department store. "You will be mine Clarissa at hindi ako papayag na may ibang lalake sa buhay mo gagawin ko ang lahat mapasa akin ka lang"usal niya sa sarili. Ayaw man niyang aminin pero nagbago ang feelings niya sa dalaga kung dati ay balak niya lang itong ligawan para sasaktan upang gumanti sa ginawa nito sa kanya pero ngayon ay gusto niya itong maangkin na pag aari niya dahil hindi niya pala kayang isipin na mapupunta ito sa iba.Nagseselos siya habang may kausap itong ibang lalake at ang paraan ng paglalambing nito sa kausap ay magdudulot ng sakit sa pandinig niya and he couldn't bear that feelings.Kaya gagawin niya ang lahat sukdulang paghihiwalayin niya ang mga ito.Si Clarissa pa naman ang dahilan kaya niya tinake over ang pangangasiwa sa department store. Habang si Clarissa naman ay naguguluhan siya sa nararamdaman ngayon,bakit ganon?bakit ang bilis ng pangyayari sa kanila ni Dominic,kahapon lang nagkabanggaan sila tapos ngayon nagyayang kumain tapos naghalikan sila na kaagad naman siya pumayag.Bakit nga ba dahil ba may nararamdaman siya sa binata at ito ang laman ng isipan niya mula pa kagabi. "Hellooo??ani ni Monica na winawagayway pa ang kamay sa mukha niya. "H-ha?aniyang nakabawi mula sa pagkabigla. "Nandito ka pa rin ba o nasa ibang planeta ka na anong nangyari sa date ninyo ni pogi? "Ano ka ba hindi naman kami nagdate"aniya sa kaibigan. "Hindi nga ba bakit natatahimik ka na pagdating mo at parang hindi ka na naiinis sa kanya? "Huwag mo na nga akong pansinin Monica magtrabaho na tayo"aniyang umiiwas sa usapan nila. "Girl umamin ka mga may gusto ka sa kanya noh? "Wala ah"mabilis niyang wika. "Sus paglilihiman ba naman ako" "Wala nga isa pa alanganin ako dun parang mayaman" "Sinabi ba niyang mayaman siya? "Katamtaman lang daw pero feelings ko nagsisinungaling lang yon" "Baka naman hindi girl" "Ewan ko" "Bakit sakaling mayaman nga siya hindi mo sasagutin? "Hindi naman nanliligaw yung tao eh" "Yon na nga kung sakaling manligaw? "Hindi ko alam ewan ko Monica" "Clarissa siguro oras na para pagtuunan mo naman ng pansin ang lovelife mo,tingnan mo sa tanda mong yan hindi ka pa nagka boyfriend" "Ikaw naman para twenty eight pa lang ako ah" "O kita mo na twenty eight ka na nga ni isang boyfriend wala ka pa" "Wala pa akong plano para dyan sa ngayon mas importante sa akin ang pamilya ko" "Pwede mo naman pagsabayin ang lovelife at pamilya mo para naman ma enjoy mo yung buhay mo at pagiging inlove noh" "Baka masasaktan lang ako Monica" "Ganon talaga sa buhay lalo na sa pag ibig,mararanasan mo talaga ang masaktan...sabi nga nila hindi ka nagmahal ng totoo kung hindi mo maranasan ang masaktan" "Ganon naman pala eh bakit pa ako magmahal kung masasaktan din lang ako? "Hindi naman pwedeng hindi ka magmahal dahil hindi mo mararamdaman ang pagiging buo ng pagkatao mo" "Habang kasama ko ang pamilya ko magiging buo ang pagkatao ko" "Nasabi mo lang yan na kontento ka na habang kapiling ang pamilya mo dahil hindi mo pa nasubukan ang magmahal ng iba,subukan mo girl para malaman mo ang sinasabi ko.Kapag dumating ang araw na yon..masasabi mong...ang sarap palang magmahal ng ibang tao at hindi lang pamilya ko lalo na kung mahal ka din niya" "Marunong ka na ha? "Sympre girl ilang beses na akong nagmahal ilang beses narin nasaktan" "Bakit paulit ulit kang magmahal kung masasaktan ka rin sa bandang huli? "Kapag kasi minsan ka ng nasaktan hindi ka na natatakot sumubok ulit kaya siguro paulit ulit akong nagmamahal dahil hindi ko pa nahahanap ang bubuo sa akin" "Wow ha ayokong masaktan saka pang gulo lang yan ng buhay eh" "Ikaw ang bahala sinasabi ko lang naman sayo" Tahimik na siya habang nagtutupi ng damit pero sa isip niya bakit hindi niya subukan ang sinasabi ng kaibigan?Handa na ba siyang magmahal kahit masasaktan din siya sa huli?pero paano kung iba ang buhay pag ibig niya kay Monica yung tipong may happy ending sila ng taong mahal niya di ba ang saya saya?Si Dominic kaya ang hinihintay niyang lalake para buksan ang puso niya sa buhay pag ibig?Napangiti siya ng lihim ng maalala ang nangyari sa kanila ng binata kanina kaya wala sa sariling nahawakan niya ang ang kanyang labi dahil pakiramdam niya nandon pa rin ang lasa ng labi nito. Pagkatapos ng duty niya ay tumungo na sila sa locker at kasama niya si Monica pero mabilis itong umuwi dahil may pupuntahan pa daw itong party ng kaibigan nito niyaya siya ni Monica pero ayaw niya kasi mas gusto niyang magpahinga nalang hindi naman kasi siya mahilig sa party party na yan eh. Pagkatapos niyang makuha ang personal niyang gamit ay lumabas na siya at muntik pa siyang bumangga sa dibdib ni Dominic ng bigla itong humarang sa dadaanan niya. "A-ano ba?sita niya at bumundol na naman ang kaba sa dibdib niya. Ewan kinikilig yata siya eh sa tuwing magkakalapit sila ng binata yung parang nanlalamig ka na naiihi na ewan ganon yung feelings. "Can I drive you? "An..." "Home?ngiting wika ni Dominic sa nakikitang reakyon ng dalaga. "Huwag na magta traysikel nalang ako" "I said so" "Hindi mo ako pag aari kaya wala kang karapatang kontrolin ako" "Then I will make you mine" "Huwag na kung kokontrol kontrolin mo lang din ako" "Gagawin ko yon because...maybe I just want to protect you because maybe I love you" "Ewan ko sayo"aniyang sabay nag walk out. "Clarissa"tawag niya. "Uuwi akong mag isa at ikaw uuwi ka na rin" "I will take you home"ani ni Dominic sabay sinundan ang dalaga. "Paano mo naman ako ihahatid bakit alam mo ba kung saan ako nakatira? "Tinanong ko na yung driver ko na naghatid sayo kahapon" "Ano kamo driver mo? "Ahm no I mean driver ng kaibigan ko" "Hoy ikaw umayos ayos ka ha kung ayaw mong malilintikan sa akin"ani ng dalaga sabay turo sa kanya. "Whoa!whoa!hey calm down" "Calm down ka dyan upakan kita ngayon eh"aniya sabay kunwari uundayan ito ng suntok. "Okay!okay!so shall we? "Ihahatid mo ako ng maayos ha? "Yes of course my highness"aniyang yumukod pa sa dalaga. Palihim naman siyang ngumiti at nagpatiuna ng lumakad habang nakabuntot sa kanya ang binata.Kaagad siya pinagbuksan ni Dominic ng pinto at malapad ang ngiti nito sa kanya. "Go in sweetie"ani ng binata. "Tseee"aniyang sumakay na sa kotse. Akala niya aalis na ang binata pagkasara nito ng pinto pero pinatong nito ang kamay sa pinto ng kotse at dumukwang sa kanya kaya inatras niya ng bahagya ang kanyang mukha sa pag aakalang hahalikan siya nito. "B-bakit?tanong niya. "Clarissa? "H-ha?sagot niya. "Sinagot mo na ba ako? Napalunok siya anong sasagutin niya? "H-hindi mo naman ako nililigawan" "Hindi ako marunong manligaw kung gusto ko ang babae niyaya kong kumain then after that hahalikan ko if she will kiss me back then means sinagot niya na ako and you did it" "Hindi ko naman alam na ganon yon" "Are you going to take your kiss back? "Huh?paano? "Simple lang..halikan mo ako para mabawi mo yung halik mo" "Siraulo!ismid niyang wika. "So sinagot mo na ako at wala ng bawian" "Pero.." "No but..binigyan na kita ng option if you kiss me now then quits na tayo but you didn't kaya binawi ko na ulit ang option ko hindi mo na maaaring bawiin ang halik mo" "Grabe ka! "So let me remind you from today ayokong nakikita kong may kasama kang ibang lalake,men are not allowed to call on your phone so delete it now,don't talk to any other men except me" "Seryoso ka? "Yes I am" "Then okay break na tayo! "So kung ganon sinagot mo na ako? Natahimik tuloy siya naiisahan na naman siya ng mokong na to grabe expert ba to sa panloloko? "Answer me sinagot mo na ako? "Ihatid mo na nga lang ako gabi na eh" "Pwede tayong mag check-in sa hotel" "Ano?siraula ka talaga ano? "Bakit hindi ka naman na virgin so bakit ka matatakot? "Vi..."aniyang hindi naituloy"sige na sinagot na kita para matigil ka na! "Parang galit ka yata? "Hindi nga" "Let's see...repeat after me" "Ano yon?tanong niya. "I love you"ani ng binata. "I love yo...ano ba palagi mo akong niloloko eh" Ngumiti ang binata sa kanya sabay hinawakan siya sa mukha. "I do love teasing you sweetie...okay will take you home now"ani ng binata at humakbang na patungo sa driver seat. Nangingiti nalang siya habang sinundan ng tingin ang binata,grabe kahit niloloko siya nito palagi she always find the sweetness in every words na sinasabi nito at lihim siyang kinikilig dun. "Should I put your seatbelt on for you?ani ng binata. "A-ako na"aniyang mabilis kinapa ang seatbelt good thing at nakisama ito ngayon. Hindi na niya sinabi kung saan siya nakatira dahil alam naman daw nito at hindi nga siya nagkamali dahil alam nga nito ang way patungo sa lugar nila. "Where are you going tomorrow?tanong ni Dominic. Friday naman kasi bukas kaya walang pasok sa trabaho kaya nakikiparty ang kaibigan niya. "Sasamahan ko ang nanay ko sa paglalaba"mahina niyang sagot. "No rest? "Wala na" "You are bread winner of your family? "Hindi naman kasi nagtutulungan naman kami" "Okay..so bakit hindi mo tinapos ang pag aaral mo? "Hindi kasi kaya ng mga magulang ko na pagsabayin kaming mag aral ng kapatid ko kaya huminto ako" "So yung kapatid mo lang ang nag aaral? "OO" "Okay" Muli silang natahimik ng maya't maya ay muli itong nagsalita. "Ilang buwan kayo ng nobyo mo dati? Napalunok siya patay na eh wala nga siyang naging nobyo anong sasagutin niya?Nagsisi tuloy siya kung bakit siya nagsinungaling na hindi na siya virgin sa pag aakalang maturn off niya ito pero lumala pala. "Ahm..ano..ewan ko nakalimutan ko na eh" "Bakit? "Basta nakalimutan ko na" "Mahal mo ba siya dati? "Ha?hmm siguro"aniyang umiwas ng tingin. "I see"ano ng binata at tumahimik na ito. Saka siya nakahinga ng maluwag ng hindi na ito nagtatanong pa palihim niyang pinunasan ang pawis sa noo niya dahil parang pinagpawisan siya eh. "Sweaty? "H-hindi naman medyo mainit lang siguro" "Naka on naman ang aircon" "Ah okay"aniya. "Naniniwala ka ba kapag nagsisinungaling ang tao habang nagsasalita ay papawisan talaga? Bigla tuloy siyang napalingon sa binata pero nakatuon lang ang paningin nito sa kalsada,palihim niyang naipikit ang kanyang mata at napangiwi pa dahil baka nahahalata nitong nagsinungaling siya. "What's wrong?ulit ng binata. "Wala"aniyang pilit pinakalma ang sarili. Ilang sandali pa ay dumating na sila ihahatid pa sana siya ng binata sa bahay nila pero tumanggi na siya. "Ahm Dominic huwag mo na akong ihatid" "Why not? "Baka kasi kung ano pang sasabihin ng mga magulang ko" "Sabihin mong nobyo mo ako" "Ano ahm pwede bang next time nalang please masyado kasing mabilis" "Matagal o mabilis pareho lang naman yon anong pinagkaiba nun? "Kasi ni hindi nila alam na may manliligaw ako tapos magpapakilala kang nobyo ko? "Wala kang manliligaw? "Ha?ahm hindi ibig kong sabihin sa ngayon" "Okay edi liligawan kita sa harap nila"aniyang akmang lalabas ng kotse. Mabilis niya itong hinawakan sa braso kaya natigilan ang binata. "Dominic! "Why? "Please pwede bang sundin mo muna ako ngayon?pwede kang bumalik dito bukas o sa ibang araw kaya" "Hmm okay but kiss me first" "Ano? "Okay tayo na sa bahay ninyo"ani ng binata sabay muling kumilos. Kaya muli niya itong hinawakan sa braso"sandali!aniya. "What? "Sige na hahalikan na kita" Ngumiti sa kanya ang binata kaya dahan dahan siyang lumapit sabay hinalikan ito sa pisngi. "Not on my cheek"reklamo nito. "Dominic nakakarami ka na talaga" "Okay go out and let's go"muling wika ng binata. "Sige na!aniya dito sabay hinalikan sa labi ang binata. Kaagad naman tumugon ang binata sa halik niya kaya yung maikling halikan eh nagtagal pa.Unti unti din siyang pinakawalan ng binata sabay hinaplos siya nito sa mukha at hinalikan sa noo. "Thank you sweetie"anito sa kanya. Ngumiti siya at nagpaalam na"tutuloy na ako"aniya dito. "Yeah take care okay?ani ng binata bago pinakawalan ang kamay niya. "Okay..ikaw din mag ingat ka"aniya at tuluyan ng bumaba ng kotse. "Pumasok ka na muna then aalis na ako"ani ng binata. "Sige"sagot niya at humakbang na upang papasok sa looban nila. "If you turn your head mean you really have feelings for me..one..two..t.." Lumingon sa kanya si Clarissa at nakangiti ito. "Paglingon ko at nakatingin ka sa akin ibig sabihin may nararamdaman ka sa akin"aniya at lumingon nga. Nilingon niya ang binata at kumaway pa ito sa kanya,gumanti din naman siya at nagpatuloy ng lumakad.At kinikilig sa naging resulta ng sinasabi niya. "Dominic!usal niya sa sarili. At hindi na mawala ang ngiti ni Dominic habang nagmamaneho pauwi sa kanilang Mansion. "Clarissa"banggit niya sa pangalan ng dalaga. Pagdating sa kanilang Mansion ay nakasalubong niya si Mang Tado. "Señorito kanina ko pa po kayo hinihintay" "Ah yon ba hindi na kailangan Mang Tado" "Pinuntahan nyo na po Señorito? "Yes" "Ah okay sige po Señorito" Tumango lang siya at tumuloy na sa loob ng Mansion,nadatnan niyang nasa living room nakaupo ang kanyang Papa at Mama kaya lumapit siya sabay humalik sa mga magulang. "Hi Papa!Mama"aniya dito sabay pabagsak umupo sa tabi ng ina. "Hi..so kumusta ang buong maghapon?tanong ng ina. "Okay lang naman Ma" "Hindi ka ba napagod?tanong ng ama. "Wala naman akong ginagawa doon Papa just checking the items na kailangan para sa store" "Yeah that's easy job son" "Hmm at mukhang nag eenjoy ka sa trabaho mo doon anak?ani ng ina. "Yes Mama dahil magkakaroon na ako ng girlfriend"ngiti niyang wika. "Kailan ka ba nawalan ng babae Dominic"ani ng kanyang ama. "Mga babae yon Papa this time girlfriend na" "Okay girlfriend for a week or a day I must say"ulit ng ama. "Hijo pwede bang magtino tino kana pagdating sa mga babae?ani ng ina. Niyakap niya ang ina sabay hinalikan sa pisngi. "This time Ma yes I will dahil let me tell you Mama,Papa naiiba siya sa lahat ng mga babaeng nakilala ko" "Ano namang pinagkaiba niya sa mga babae mo eh pang kama mo lang naman"ani ng ama. "Papa not just because of that saka I have no plan of having s*x with her yet" "Gustavo pwede bang hayaan mo muna ang anak mo malay mo seryoso na siya ngayon" "Okay tingnan natin kung gaano kayo katagal ng babaeng sinasabi mo Dominic"ani ng ama at tumahimik na ito. "Hijo don't mind your Papa do whatever you want kung gusto mo siyang i-girlfriend it would be better for you and kung gusto mo siyang dalhin dito it's okay sa amin ng Papa mo"ani ng ina. "Really Ma okay lang sa inyo? "Yeah no problem"sagot ng ina. "Saang pamilya siya nanggaling?tanong ng ama. Napatingin siya sa kanyang ina at tumingin muli sa kanyang ama na naghihintay ng sagot niya. "She's from a poor family Papa"aniya sa ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD