MAAGA pa lang ay nasa labasan na si Clarissa at Brian dahil ihahatid niya ang kapatid para sa trip nito sa school hanggang sa labasan lang naman siya at hindi naman sasama sa meeting place ng kapatid.
"O bunsoy mag-ingat ka palagi ha at huwag kang magpalipas ng gutom okay?aniya sa kapatid at inayos pa ang kwelyo ng damit nito.
"Okay po mahal kong Ate mag-iingat ako palagi"ani ni Brian sabay piningot sa ilong ang kanyang Ate.
Nagpupuyos naman sa galit sa di kalayuan si Dominic sa eksenang pinapanood ngayon,nandito lang naman siya para bisitahin si Clarissa at kahit maaga pa pero hindi niya inaasahan ang nakikita niya ngayon.Kinagat niya ang kanyang ngipin dahil nagtitimpi sa galit at yung pakiramdam na gusto niya ng kaladkarin ang dalaga palayo sa kayakap nitong lalake sabay uumbagan ng malakas na suntok ang kayakap nito.Ilang sandali pa nakita niyang sumakay na ang lalake sa jeep na dumaan sa tapat ng mga ito akala niya sasama ang dalaga pero hindi pala at kumaway pa ito sa lalake.Kaagad niya pinaandar ang kotse niya upang lapitan si Clarissa na babalik na yata sa looban,pagtapat niya sa may kanto ay nagbusina siya upang mapansin siya ni Clarissa dahil nakatalikod na ito lumingon naman sa kanya at kaagad niya binaba ang windshield ng kotse.
"Hi"aniya at bahagyang sumilip pero hindi umibis ng kotse.
Lumapit sa kanya si Clarissa ng makilala siya nito at yumuko ito upang makita siya.
"O Dominic ang aga mo yata?ani ng dalaga.
"Uh-huh!pwede na ba akong bumisita sa inyo?
"Ahm ano kasi Dominic may lakad kami ng Nanay ko"
"Hindi ako pwede dumalaw ngayon?
"Hindi eh baka bukas pero hindi rin ako sigurado tinutulungan ko kasi ang Nanay ko sa paglalaba kapag friday at saturday"
"Is that so?ako lang ba ang hindi pwede bumisita sa inyo pero ang ibang lalake ay allowed?
"Ibang lalake?wala naman ah"
"Really?
"Wala nga"
"Okay"aniya at umibis ng kotse.
"Saan ka pupunta?tanong niya kay Dominic.
"Sa bahay ninyo"anito at humakbang na.
Hinabol niya ito saka kaagad hinawakan sa braso ang binata.
"Sandali Dominic ano ba?
Huminto ito saka hinarap siya na matalim ang tingin nito sa kanya sabay nakita niyang naggalawan ang buto sa pisngi nito bigla tuloy siyang kinabahan.
"Patunayan mo sa akin na wala kang ibang lalake Clarissa!matigas na wika ng binata.
Hindi niya maintindihan ano bang pinagsasabi nitong lalake?
"A-ano bang pinagsasabi mo wala naman akong lalake"
Sasagot na sana si Dominic pero may sumita sa kanila na kakilala ng dalaga.
"Clarissa sino siya?ani ni Aling Nena.
"Ah si..."
"Nobyo niya po"agad ding sagot ni Dominic.
Bigla tuloy siya napatingin sa binata sabay tumingin din kay Aling Nena.
"Ikaw naman Clarissa may nobyo ka palang yayamanin bakit ngayon mo lang dinala dito sa atin?ngiti nitong wika.
"Ho ahm.."
"Pasensya na po busy kasi ako sa trabaho ko"wika ulit ng binata sabay nakipagkamay sa matanda"Dominic po ang pangalan ko"anito pa na talagang kinarer ang pagiging nobyo kuno niya.
"Kay gandang pangalan naman,ako naman si Aling Nena kapit bahay nina Clarissa"ani ni Aling Nena.
"Salamat po Aling Nena"
"Siya tumuloy na kayo Clarissa"anito sa kanila at lumakad na.
Pagkaalis ng matanda ay agad niya itong sinita.
"Bakit mo sinabing nobyo kita?
"Why not?totoo naman ah unless may tinatago ka kaya ayaw mong magpakilala akong nobyo mo"
"Wala akong tinatago Dominic pinangungunahan mo ako eh"
"Ano bang problema mo ha mas mabuti ngang malaman ng mga taga rito na may nobyo ka na at ako yon"
"Umuwi ka na sa inyo Dominic dahil may pupuntahan kami ng Nanay ko please"aniya sa binata.
"Sinabi kong pupunta ako sa bahay ninyo"
"Bakit ba ang hirap mong kausap sabi ng may pupuntahan nga kami ni Nanang at walang tao sa bahay!medyo tumaas ang boses niya.
Natahimik naman ang binata kaya muli siyang nagsalita dahil nakokonsensya naman siya na maaga pa nandito na ito tapos ganon ganonin niya lang eh sa aalis nga sila ng Nanang niya anong magagawa niya?
"S-sorry...gusto ko naman na sumama ka pero hindi nga pwede ngayon kasi may pupuntahan kami ni Nanang"aniya sa mahinang tinig.
"Can you give me your time tomorrow dahil babalik ako dito?ani ng binata.
"Sige hindi ako aalis bukas"sagot niya.
Ngumiti sa kanya ang binata saka hinalikan siya sa pisngi at nagpaalam na ito.
"Thank you..okay I'll go ahead"anito sa kanya.
"Okay mag-ingat ka"aniya.
"Yeah I will bye sweetie"anito at lumakad na upang bumalik sa kotse nito.
Sinundan niya ito ng tingin at umalis lamang siya ng makaalis na ang binata,napabuntong hininga siyang bumalik na sa kanilang bahay.
"O Clarissa bakit ngayon ka lang?ani ng kanyang Ina.
"Pasensya na po Nanang kinausap ko lang po kasi ang kakilala kong kaibigan"aniya.
"Si Monica ba nagpunta dito?
"Hindi po Nang si Dominic po"
"Dominic?sino siya?tanong ni Aling Maritess.
"Kaibigan ko po yung nakabanggaan ko sa mall"
"Eh nasaan na siya?
"Umalis na po sabi ko kasi walang tao dito sa bahay dahil aalis tayo"
"Alam mo ba kung anong apelyido ng Dominic na yon Clarissa?
"Hindi nga po Nanang eh"
"Ganon ba?tinanong mo sana"
"Masyado pa po kasing mabilis kung magtatanong ako tungkol sa kanya"
"Eh anong masama dun magtatanong ka lang naman"
"Hayaan nyo po tatanungin ko siya...bakit po pala Nanang?
"Eh kasi Dominic din yung anak ng Doña Socorro na bagong dating galing ibang bansa"
"Ah baka naman po magkatulad lang ng pangalan"
"Baka nga"ani ng Ina.
"Hindi po kaya suplado ang anak ng amo natin Nanang?
"Hindi naman yata mukhang mabait naman dahil nakita ko na siya kahapon"
"Ganon ba?sige na po Nang maghanda na tayo para pupunta ng Mansion"
"Sige na medyo mahuhuli yata tayo ngayon"
"Pasensya na po kung natagalan ako sa paghatid kay Brian"
"Ayos lang yon nak"ani ng Ina.
Ilang sandali pa ay nakahanda na sila at nag aabang ng traysikel patungo sa Mansion ng mga Fuentabella.Sakto namang dumaan si Jomari kaya huminto ito sa tapat nila.
"Aling Maritess,Clarissa pupunta ba kayo sa Mansion?tanong ni Jomari.
"OO Jomari pwede mo ba kaming ihatid?ani ni Aling Maritess.
"OO naman po Aling Maritess sige na sumakay na kayo"ani ng binata.
"Sige salamat..lika na anak"ani ng Ina.
"Okay po..salamat Jomari"aniya dito.
"Ayos lang yon Clarissa"anang binata.
Ilang minuto pa ay nasa tapat na sila ng mataas na gate ng Mansion at magbabayad sana ang kanyang Ina pero tinanggihan ito ng binata.
"Huwag na po Aling Maritess"ani ng binata.
"Ano ka ba Jomari pasahero din kaya kami kahit pa magkakapitbahay lang tayo"
"Alam ko po pero huwag na po kayong magbayad Aling Maritess"
"Sigurado ka ha?
"Opo..sige na po mauna na ako..Clarissa"anito sa kanya.
"Sige Jomari mag ingat ka at salamat sa libre"ngiti niyang wika.
Ngumiti lang ito sa kanila at umalis na,sila naman ay pumasok na sa loob ng dahil may guard naman nakabantay sa labas.Pagpasok ni Clarissa sa loob ay nakita niya ang kotse na ginamit ng driver daw ng kaibigan ni Dominic pero sa isip niya baka magkatulad lang ng kotse kaya diretso na sila sa likod bahay.
"Aling Maritess nandito na po pala kayo"ani ni Rita ang isa sa mga katulong Mansion.
"OO nga medyo nahuli kami ng dating ni Clarissa"
"Clarissa ang tagal mong hindi nagpunta dito ah"ani ni Rita sa kanya.
"Naging busy kami sa department store kaya hindi ako nakasama dito"sagot niya.
"Ah ganon ba?sige na hali kayo pumasok na kayo sa loob para sabay na tayong mag almusal"
"Sige"aniya at pumasok na sila.
"Rita nasa taas pa ba ang mag asawa?tanong ni Aling Maritess.
"Wala po sila Aling Maritess nasa bahay ng kaibigan sila ni Doña Socorro"sagot nito.
"Uy Clarissa alam mo bang nasa Canada na daw si Mang Berto ngayon?ani ni Rita na ang tinutukoy nito ay driver ng mga Fuentabella dati.
"Wala na pala si Mang Berto dito?tanong niya dahil hindi niya alam na wala na pala dito ang dating driver na kilala niya.
"Wala na umalis na kasi nga kinuha ng kanyang anak na nakapag asawa sa Canada,hindi ba sinabi sayo ng Nanang mo?
"Hay naku Rita hindi naman kasi ako mahilig mag usisa sa mga bagay bagay"sagot ni Aling Maritess.
"Alam mo naman Rita hindi mahilig si Nanang maki tsismis"ngiti niyang wika.
"OO nga ano sabagay eh dito lang sa loob ng Mansion buong araw"ani ni Rita.
"Rita tumawag si Señorito nagpahanda ng agahan niya"ani ni Sanya ang kasama ni Rita.
"Ano ba yan ke aga aga aalis ng Mansion tapos dito lang pala kakain"padabog na wika ni Rita.
"Clarissa tagal mong hindi nagpakita ah"ani ni Sanya sa kanya.
"OO nga eh busy kasi sa trabaho"ngiti niyang wika.
"Mauna na akong kumain sa inyo ha dahil kukunin ko pa ang kobre kama ng mag asawa"ani ni Aling Maritess.
"Sige po Aling Maritess"panabay na wika ni Rita at Sanya.
"Clarissa pagkatapos mong kumain kunin mo ang kobre kama ng Señorito at sumunod ka nalang sa laundry room"ani ng kanyang Ina.
"Sige po Nanang bibilisan kong kumain"sagot niya.
Tumango lang ang kanyang ina at kumain na ito,siya naman ay kumain narin habang nakikipag chikahan sa dalawa.
"Clarissa?ani ni Sanya ang tsismosa sa dalawa.
"Ano yon Sanya?
"Nakita mo na ba ang anak ng amo natin?pabulong nitong tanong sa kanya.
"Lukaret ka talaga Sanya paano naman niya makikita eh ngayon lang siya bumalik saka hindi pa umabot ng isang linggo mula ng dumating si Señorito"ani ni Rita habang naghahanda ng pagkain ng among binata.
"Magtrabaho ka na nga lang dyan nakikisali ka pa eh"ismid na wika ni Sanya at muli siyang kinausap.
"Alam mo ang pogi pala niya lalo sa personal"wika ulit ni Sanya na parang kinikilig.
"Sigurado yon dahil magaganda ang magulang niya Sanya"sagot niya na parang hindi interesado.
"Kaya nga tapos mabait pa"anito ulit.
Nagkibit balikat lang siya at tinapos na ang kinakain,tahimik lang din ang kanyang Ina habang nakikinig sa usapan nila.Pagkatapos kumain ng kanyang Ina at umakyat na ito siya naman ay hinugasan muna ang pinagkainan nilang dalawa.
"Rita,Sanya aakyat na ako sa taas dahil kukunin ko ang bed sheet ng Señorito"paalam niya.
"Sige Clarissa"ani ni Rita tumango lang din si Sanya at humakbang na siya.
Unang beses siyang papasok sa kwarto na ito dahil hindi naman ito ginagamit dato kasi nga wala ang may-ari nito.Akmang bubuksan na niya ang pinto pero tinawag siya ng kanyang Ina kaya natigilan siya.
"Anak?tawag ng kanyang Ina.
"Bakit po Nanang?
"Nak halika sandali tulungan mo muna ako ilagay ang bagong kobre ng kama"
"Sige po Nanang"aniya sabay humakbang na.
Pinagtulungan nilang ilagay ang bagong kobre ng kama.
"Yung kay Señorito kaya mo bang mag isa?tanong ng Ina.
"Kaya ko na po yon Nanang"
"Sige mauna na ako sa baba at sumunod ka nalang"ani ng Ina.
"Sige po Nanang"sagot niya.
Habang si Dominic naman ay mabilis ng umakyat sa ikalawang palapag upang maligo sinabi lang sa katulong na maliligo muna siya saka kakain,ganon kasi siya hindi pwedeng hindi siya maligo kapag galing sa labas.Pagdating sa kwarto niya ay diretso siya sa loob ng bathroom sabay hinubad ang kanyang mga damit at tumungo na sa shower room at naligo.
Si Clarissa naman ay muling bumalik sa kwarto ng Señorito at binuksan na ang pinto walang tao sa loob dahil wala nga daw ang Señorito at hindi pa yata bumalik.Lumapit na siya sa kama upang alisin ang bed sheet saka niya narinig ang lagasgas ng tubig sa bathroom,kaya nagmamadali niyang tinanggal ang bedsheet at pillow case upang makalabas na dahil sigurado siyang ang may ari ng kwarto na ito ang naligo.
Pagkatapos niyang maligo ay pinatuyo muna ng tuwalya ang basa niyang katawan saka lumabas ng bathroom na walang kahit anong saplot sa pag aakalang walang tao sa loob ng kwarto niya.
Biglang napatingin si Clarissa sa pintuan ng bathroom ng marinig niya ang pag click nito hudyat na lalabas na ang tao sa loob.Pero nagulat siya ng makilala kung sino ang taong yon at mas nakakagulat pa ng wala itong saplot sa katawan.
"Clarissa!?gulat na wika ni Dominic.
"Dominic!?panabay pa nilang wika sabay mabilis tinakpan ang kanyang mga mata.
"s**t!ani ni Dominic sabay nagmamadaling bumalik sa loob.
Mabilis niyang binalot ng tuwalya ang ibaba niyang katawan at kaagad din lumabas ng bathroom naabutan niyang malapit na sa pinto si Clarissa dahil lalabas na ito.
"No!!!aniya dito.
Natigilan si Clarissa at hindi nakakilos ni hindi rin magawang lumingon dahil baka may makikita na naman siyang kakaiba.Lord first time niyang makakita ng ganon.Napalunok siya sa takot na baka pagalitan siya ni Dominic at hindi niya akalaing ito ang Señorito sa Mansion kung ganon nag sinungaling sa kanya ang binata?Pero wala na siyang pakialam dun dahil ang gusto niya ngayon ay makaalis na sa kwartong ito.
"Why are you here?tanong ni Dominic na alam niyang nakalapit na ito sa kanya.
"D-dito...dito k-kasi nagta trabaho ang Na-Nanang ko"nauutal niyang wika dahil sa sobrang takot niya.
"Who?tanong ulit ni Dominic.
"Si..si Aling Maritess"mahina niyang wika na hindi parin lumingon sa binata.
"What!?you mean Nanay mo si Aling Maritess?
Tumango lamang siya sabay napalunok.
"Oh my God!narinig niyang wika ni Dominic.
"Lalabas na a-ako"aniya at akmang bubuksan ang pinto.
Pero hinawakan siya ni Dominic sa braso at pinaharap siya dito,muli siyang napalunok ng magtama ang mga mata nila ni Dominic wala itong damit pang itaas at nakabalot lamang ng tuwalya ang pang ibaba nito.
"D-Dominic?mahina niyang wika.
"I'm sorry kung naglihim ako sayo kung sino ako and I don't know also na dito nagtrabaho ang Nanay mo"ani ng binata sa kanya.
"O-okay lang yon..lalabas na ako"aniya dito.
"No Clarissa don't get mad at me please"
"Hindi naman ako galit Dominic"mahina niyang sagot.
Lumapit sa kanya si Dominic at napaatras siya ng konti.
"Kung lalapit ako sayo please don't step back because I want you to stay still"ani ng binata sabay hinapit siya sa baywang.
Kaya napahawak siya sa malapad na dibdib ng binata habang nilulukob na siya ng matinding kaba.
"D-Dominic"halos wala na siyang boses dahil sa sobrang hina niyang magsalita.
"You've seen me naked already little girl"ngising wika ng binata sa kanya sabay kagat ng labi nito.
"H-hindi...hindi ko n-naman sina..."
"I know"putol nito sa sasabihin pa niya sabay hinawakan siya sa mukha.
At bumaba ang palad nito sa leeg niya,pababa sa kanyang balikat at bumaba pa sa kanyang braso at kinuha nito ang kanyang kamay saka hinalikan at pinatong sa balikat nito.
"D-Dominic?pabulong niyang wika.
Naramdaman niya ang mahigpit na pagdiin ng kamay nito sa likod niya sabay inilapit siya lalo sa katawan nito.At nakaagaw sa kanyang nararamdamang kaba yung parang may matigas na bagay ang sumundot sa bandang puson niya at kahit hindi sabihin alam niyang harapan ito ng binata.
"Have you feel it?mahinang tanong ni Dominic malapit sa mukha niya sabay ginawaran siya nito ng halik.
"L-lalabas na ako please"sagot niya at akmang bibitaw pero mas lalong hinigpitan ng binata ang kapit sa likod niya.
"Dominic p-please"aniya.
"Yes sweetheart"anas ng binata saka siya siniil ng halik.
"Hmmm"ungol niya at hindi niya magawang tumutol sa halik ng binata.
Tinugon niya ang halik ni Dominic kaya mas lalong lumalim ang halikan nilang dalawa,napapakapit narin siya sa batok nito habang sinisipsip ng binata ang kanyang dila at ginalugad ng dila nito ang loob ng kanyang bibig na naghahatid ng kakaibang kiliti sa kanya.
"Hmmm"panabay nilang ungol.
Hindi narin niya inalintana ang matigas na harapan ni Dominic na nararamdaman niya ngayon dahil nadadarang na siya sa paraan ng paghalik nito sa kanya.Naramdaman niyang gumapang ang palad ng binata sa kanyang balakang patungo sa kanyang tiyan at hinawakan na nito ang isa niyang bundok kaya bahagya siyang napaigtad ng mahina itong pinisil ng binata.
"Hmmm"ungol niya sa pagitan ng kanilang halikan.
At ngayon ay pinasok na ng binata ang palad nito sa kanyang damit upang madama ang kanyang kayamanan at kakaibang pakiramdam ng ipinasok ng binata ang palad nito upang hawakan ang isa niyang bundok.
"Aahhh"mahina niyang ungol bahagyang humiwalay sa halikan nila dahil pakiramdam niya malalagutan siya ng hininga.
"I love you Clarissa"anas ni Dominic at muli siyang siniil ng halik habang hinimas himas ng palad nito ang dibdib niya.
Tumugon din naman siya at napapasabunot sa buhok ng binata paminsan minsan dala ng sarap na nararamdaman,bumaba ang ang palad ng binata sa kanyang tiyan pababa sa kanyang harapan pero wala siyang nararamdamang pagtutol dahil yung pakiramdam na gusto niya..she want more..she need more at gusto niyang may mangyayari pa sa kanila ni Dominic maliban sa paghahalikan.
Nai-atras niya ng bahagya ang kanyang pang upo ng hawakan ni Dominic ang kanyang ari.At ilang sandali pa ay naramdaman niyang pinasok ng binata ang palad nito sa loob at kakaibang sensasyon ang nadarama niya ngayon,napahawak siya sa kamay ni Dominic ng nilalaro ng daliri nito ang kanyang hiyas.
"Aaahhh..uuhmm.."ungol niya at hindi malaman kung saan kakapit sa batok ng binata o sa kamay nito.
Habang dinidilaan ni Dominic ang kanyang leeg at mahina itong sinipsip ng pamamagitan ng labi nito.Nang iinit na siya..nanlalamig na..halo halong emosyon na ang nararamdaman niya ngayon sa ginagawa ng binata sa kanya na ngayon niya lang naranasan sa buong buhay niya.Ang sarap...ang sarap sa bago niyang pakiramdam at gusto niyang maranasan kung ano pang gagawin sa kanya ng binata.
Muli siyang napaungol ng maramdaman niyang nilalaro ng daliri ni Dominic ang pintuan ng kanyang butas.
"Aahhh D-Dom aahh"aniya sabay napasabunot sa buhok ng binata.
"Yeah"anas ng binata.
Nasa ganon silang eksena ng biglang bumukas ang pinto at sabay pa silang napahiwalay at napatingin sa pintuan.
"Nanang!?
"Clarissa!?
Panabay nilang wika at parehong nagulat saka mabilis inayos ang sarili,hindi siya nakakilos at gayon din ang kanyang Inang palipat lipat ng tingin sa kanila ni Dominic,hindi rin nakakilos ang binata at nakatingin lang sa kanyang Ina ilang segundo pa ay narinig niyang magsalita ang binata.
"Aling Maritess please magpapaliwanag ako"ani ni Dominic.
Napalunok siya at ngayon siya natakot na baka kung anong gagawin sa kanya ng kanyang Ina.
"Clarissa tayo na sa labas"ani ng kanyang Ina.
"N-Nanang..."
"Aling Maritess huwag po kayong magalit,magpapaliwanag po ako"ulit ng binata.
"Wala kang dapat ipaliwanag sa akin Señorito"ani ng Ina hindi sumigaw pero matigas ang pagkasabi nito.
"Hindi ninyo naintindihan gusto ko po si Clarissa,kung anuman ang nakita ninyo ay kasalanan ko yon kaya please huwag kayong magalit kay Clarissa Aling Maritess"
"Clarissa kumilos ka na dyan lumabas na tayo dahil marami pa tayong lalabhan na mga damit"ani ng kanyang Ina.
Muli siyang napalunok at halos hindi siya makakilos dahil sa takot at kaba ngayon.Pero pinilit niyang lumabas kahit parang ang bigat ng kanyang mga paa ni hindi na tiningnan pa ang binata na ayaw itong pakinggan ng kanyang Ina.Sumunod siya sa kanyang Ina patungo sa laundry room at hindi niya alam kung anong gagawin ng Ina sa kanya ngayin nakita nito ang ginagawa nila ng binata.
Mabilis nagsuot ng mga damit si Dominic dahil gusto niyang sundan ang dalaga dahil nag aalala siya na baka may gagawin si Aling Maritess kay Clarissa.
"Damn it!!mura niya sa sarili.
At sinisi niya ang kanyang sarili kung hindi dahil sa kagustuhan niyang halikan ang dalaga hindi sana nangyari to.
"Anong ginawa mo Clarissa?sita ng kanyang Ina pagpasok nila sa loob ng laundry room.
"N-Nanang patawarin nyo po ako magpapaliwanag po ako Na..."
Paaakkkk....
Sinampal siya ng kanyang Ina kasabay ng pagtawag ni Dominic sa pangalan niya at nakita nito ang pagsampal ng Ina sa kanya.
"Clarissa!!ani ni Dominic sabay lumapit sa kanya at ito ang humarap sa kanyang Ina.
Siya naman ay nasa likuran ni Dominic at sapo ang mukhang nasampal ng Ina habang tahimik siyang umiyak dahil ito ang unang beses pinagbuhatan siya ng kamay ng kanyang Ina.
"Aling Maritess please nakikiusap ako huwag ninyong saktan si Clarissa dahil wala siyang kasalanan,sa akin kayo magalit,ako ang saktan ninyo"ani ng binata.
"Hindi ako nananakit ng anak ng ibang tao Señorito dahil ayokong sinasaktan ng ibang tao ang mga anak ko,kung nagawa kong saktan si Clarissa dahil gusto kong malaman niya na mali ang ginawa niya kaya huwag ninyo kaming pakialamang mag-ina Señorito"
"Naiintindihan ko po kayo pero kasalanan ko ang lahat kaya ko lang naman po nagawa yon dahil gusto ko siya..hindi! I think mahal ko na si Clarissa Aling Maritess"aniya sa Ina ng dalaga.
"Ngayon lang kayo nagkita ng anak ko mahal mo na agad?
"No!hindi lang ngayon actually nagkakilala na kami sa mall at simula dun kinukulit ko na si Clarissa at..at siguro hindi kayo maniniwala sa akin kung sasabihin kong una palang may nararamdaman na ako sa kanya"
"Hindi mo alam na anak ko siya?
"No!no wala akong idea na mag ina kayo maniwala po kayo sa akin Aling Maritess"
"Clarissa siya ba ang tinutukoy mo sa amin ng Tatang mo?tanong ng Ina sa kanya.
"O-opo Nanang"mahina niyang sagot.
Hinarap siya ni Dominic saka hinawakan siya nito sa mukha,ayaw sana niya dahil nahihiya at natatakot siya sa kanyang Ina pero parang hindi kakikitaan ng takot ang binata.Kinulong ng binata ang mukha niya sa palad nito at pilit siya pinapatingin dito pero hindi niya ito magawang tingnan.
"Are you okay?tanong ng binata.
Mahina siyang tumango ni hindi makatingin sa kanyang Ina.
"I'm sorry okay?muling wika ng binata sabay halik sa kanyang noo.
Diyos ko nakakahiya na at natatakot na baka magalit lalo ang kanyang Ina.
Habang si Aling Maritess naman ay hindi alam ang mararamdaman niya sa nakikita ngayon,nakikita niya ang malasakit ng binata sa kanyang anak at ni hindi ito natakot na sasaktan niya din ito basta ang inaalala nito ang nararamdaman ngayon ng anak,natutuwa siya oo pero mali pa rin ang ginawa ng dalawa lalo pa sa pamamahay mismo ng lalake atsaka mayaman si Dominic paano kung tutol ang mga magulang nito sa relasyon ng dalawa?
"S-Señorito iwan mo na muna kami ni Clarissa"aniya.
"Mangako kayong hindi nyo na po sasaktan si Clarissa please?
"Huwag kang mag alala nagalit lang ako kanina dahil sa nakita ko pero hindi ibig sabihin nun sasaktan ko ng paulit ulit ang anak ko"
"Pasensya na po kayo at salamat po Aling Maritess"ani ng binata sa Ina at muli siyang hinarap"pupunta ako sa bahay ninyo okay?
"Okay"mahinang sagot ni Clarissa.
"Yeah okay I'll go ahead"anito sabay halik muli sa noo niya at lumabas na pagkatapos magpaalam sa kanyang Ina.
Muli silang naiwan ng kanyang Ina at kaagad niya ito niyakap ng mahigpit at umiyak.
"Patawarin po ninyo ako Nanang"aniya habang umiiyak.
"Anak hindi naman kita sinaktan dahil galit ako sayo,sumama lang ang loob ko dahil sa nakita ko na dapat hindi mo hinayaan si Dominic na gawin niya yon sayo.Magpigil ka,pigilan mo kung kaya mo dahil hindi naman namimilit ang mga lalake kung ayaw mo lalo na kung may respeto siya sayo"ani ng kanyang Ina.
"Opo Nanang hindi na po mauulit pasensya na po kayo sa akin Nanang kung nadala ako"
"Sana anak huwag kang madaling matukso kahit mahal mo pa siya o nagmamahalan pa kayong dalawa,dahil ginagawa lang ang bagay na yan pag kasal na kayo ng lalake dahil iyon ang pinakamagandang regalo sa asawa mo na hindi mapapantayan ng kahit anong bagay sa mundo"
"Susubukan ko pong magpigil Nanang"
"Tama kung mahal ka talaga niya handa siyang maghintay at kaya niyang magtiis at hindi ka niya pipilitin kapag sinabi mong hindi"
"Opo Nanang salamat po"aniya at muling niyakap ang Ina.
"Sige na magtrabaho na tayo"ani ng Ina.
"Sige po Nang"aniya.
Habang nagtulungan sila sa paglalaba ay naitanong ng Ina si Dominic.
"Mahal ka ba niya nak?tanong ng Ina.
"Iyon po ang sabi niya sa akin Nanang"
"Pero nararamdaman mo bang mahal ka niya?
"Naramdaman ko naman po Nang"
"Pero bago pa lang kayo nagkakilala ni Dominic"
"Hindi ko nga rin po maintindihan ang sarili ko kahit pilit kong sinasabi na bago pa lang kami nagkakilala pero parang nahuhulog din ang loob ko sa kanya"
"Pigilan mo muna ang nararamdaman mo anak kung kaya mo dahil alam mo kung ano tayo at sino sila"
Hindi siya sumagot dahil sa isipin pa lang na kakalimutan niya ang binata ay nasasaktan na siya.Dahil ayaw man niyang aminin pero mahal niya na si Dominic kahit alam na niya ang katayuan nito sa buhay dahil kahit hindi pa niya alam ang buhay nito ay may nararamdaman na siya sa binata.
"Ibig ba sabihin ng pananahimik mong yan mahal mo narin siya?tanong ng Ina.
"Nanang?aniya at umiyak.
"Clarissa anak makinig ka sa akin alam kong mahirap intindihin pero hindi kayo bagay sa isa't isa,anak mayaman sila at mahirap lamang tayo"
"Nang anong gagawin ko?mahal ko na po siya Nanang"aniya sabay nagpahid ng luha.
"Bago pa lang naman kayo makakalimutan mo rin siya Clarissa,dahil nag aalala ako para sayo natatakot ako paano kung malaman ng Doña at Don ang tungkol sa inyo?
Umiyak lang siya sabay nagyuko ng ulo at patuloy parin ang paglandas ng kanyang luha.
"Anak sa bandang huli ikaw din naman ang masusunod dahil puso mo ang nakasalalay dito at wala kaming karapatang panghimasukan kung sino ang gusto mo pero bilang magulang mo nagpapayo lamang ako ayon sa alam kong tama at sabihin sayo ang mali at hindi dapat"
Sunod sunod ang ginawa niyang pagtango sa Ina dahil hindi na siya makapagsalita.Niyakap siya ng kanyang Ina at muling umiyak habang yakap yakap siya nito.
Sumapit ang tanghalian at sama sama sila sa kusina hindi narin umalis sa Mansion ang binata na pinagtataka ng dalawang katulong kung bakit nanatili ito dahil dati rati bibilang ka lang ng oras wala na naman ito sa Mansion.Pero ngayon sa kwarto lang nito buong araw.
Tahimik si Clarissa habang tumutulong sa paghahanda ng mesa at si Rita naman ay pinaghanda ng tanghalian ang amo.
"Nakakapagtaka talaga si Señorito"ani ni Rita.
"Bakit?tanong naman ni Sanya.
"Biruin mo nakayang manatili dito kahit wala naman ang Don at Doña sa Mansion"ani ni Rita.
Nagtinginan lamang sila ng kanyang Ina sa usapan ng dalawa.
"Baka sinamantala kasi wala ang mga magulang niya"
"Ewan ko"ani ni Rita saka tumingin sa kanya"Clarissa?
"Ha?aniya.
"Pakitulungan naman ako sa paghahanda ng pagkain ng Señorito"ani ni Rita.
"Ha ahm"aniyang tumingin sa kanyang Ina.
Nakita niyang tumango ito kaya sinagot muli si Rita.
"Sige anong dadalhin ko?
"Maglagay ka muna ng plato saka kutsara sa mesa tapos maglagay ka na rin ng baso at juice"
"Okay"aniyang kumuha na ng mga gamit sa kabinet at tumungo sa dining area.
Pagkatapos niyang nailagay ang gagamitin ng binata ay bumalik ulit siya sa kusina.At kinuha ang mga pagkain na hinanda ni Rita upang dalhin sa mesa.
"Okay na ba Clarissa?tanong ni Rita.
"OO nakahanda na"sagot niya.
"Salamat sa tulong mo Clarissa"
"Okay lang Rita"aniya at umupo na sa tabi ng kanyang Ina dahil nailagay na ni Sanya ang mga pagkain nila sa mesa.
Habang si Rita naman ay tinawagan sa telephone ang binata.
"Señorito nakahanda na po ang mesa"narinig niyang wika ni Rita.
"Po?
"Ah okay sige po Señorito masusunod po"anito at binaba na ang telephone.
"Clarissa?tawag nito sa kanya.
"Ano yon?
"Pinapunta ka ni Señorito sa kwarto niya may ipag uutos daw"
"Ha?aniya sabay lingon sa kanyang Ina.
"Sige na baka importante ang iutos niya"ani ng Ina.
"Sige po Nanang mabilis lang po ako"aniya sa Ina.
"Sige na masama ang pinaghihintay ang pagkain"
Tumango lamang siya at umakyat na sa ikalawang palapag at tumungo sa kwarto ng binata,kumatok muns siya sa pinto.
"Come in"narinig niyang wika ni Dominic.
Pinihit niya ang seradura at nakita niyang nakahiga sa kama ang binata.
"Pinapatawag mo daw ako?tanong niya.
"Yeah come here"ani ng binata.
"Nakahanda na ang pagkain mo sa mesa kaya bumaba ka na"aniya at hindi lumapit sa binata.
"I said come here"anito.
"Dominic please naghihintay sila sa baba"tanggi niyang lumapit.
Bumangon ito saka humakbang palapit sa kanya kaya umatras siya ng konti.
"Didn't I told you if I come to you don't step back dahil ayoko na parang nilalayuan mo ako"
"Anong kailangan mo bakit mo ako pinapunta dito?
Niyakap siya bigla ng binata sabay halik sa ulo niya.
"I just want to see you at alamin na okay ka lang dahil nag aalala ako sayo if you know"ani ng binata sabay mahigpit ang yakap nito sa kanya.
"Okay lang ako Dominic hindi naman nagalit talaga ang Nanang nabigla lang kaya niya ako nasampal"
"That's good sweetheart and I'm sorry"
"Okay na yon sige bumaba na tayo baka mainip si Nanang sa paghihintay sa akin"
Hinalikan siya ni Dominic sa labi at tumugon din naman siya at ilang sandali pa ay pinakawalan na nito ang labi niya at ngumiti sa kanya.
"I love you Clarissa"anito sabay hinimas himas ang pisngi niya.
"Mahal din kita Dominic"aniya dito.
"You can go ahead susunod ako okay?
"Uhm"aniya sabay tango at lumabas na.
Ang gaan ng pakiramdam niya habang pababa ng hagdan at tumungo sa kusina saka umupo ulit sa tabi ng kanyang Ina na sinulyapan lamang siya nito.