Episode 6

4894 Words
PAGSAPIT ng hapon ay naghanda na ang mag-ina upang umuwi sa bahay nila,nasa gate na sila upang lumabas ng Mansion pero humabol si Dominic. "Aling Maritess,Clarissa!tawag ng binata. "Ano yon Señorito?tanong ng kanyang Ina. Tahimik lang din siya sa tabi ng Ina habang nakikipag usap ito sa binata at wala pa ang mag asawang Don at Doña sa Mansion. "Ahm ihahatid ko na po kayo sa inyo Aling Maritess"ani ng binata. Napatingin siya sa binata at nakatingin din ito sa kanya kaya umiwas siya ng tingin. "Huwag na Señorito mag aabang na lang kami ng traysikel"tanggi ng Ina. "Pumayag na po kayo Aling Maritess gusto ko rin po kasing bumisita sa inyo kaso ayaw ni Clarissa eh" Bigla tuloy siya napatingin ng diretso sa binata sabay tumingin sa kanyang Ina na tumingin din sa kanya. "Maaari bang sa ibang araw na lang Señorito? "I insist po Aling Maritess please"pangungulit ng binata. Nagkatinginan silang mag ina at sa huli ay tumango na lang si Aling Maritess. "Sige ikaw ang bahala" "Thank you po Aling Maritess kukunin ko lang ang susi ng kotse"ngiti nitong wika at umalis na. Maya't maya ay nasa kanilang harapan na ang kotse ng binata na ngayon lang nakita ni Clarissa dito o baka siguro dahil medyo matagal tagal na siyang hindi nakapunta dito sa Mansion.Bumaba ang binata upang pagbuksan ng pinto ang kanyang Ina sumunod sana siya pero pinigilan siya ng binata. "Clarissa no"ani ng binata. "Huh?b-bakit?tanong ng dalaga. "You can sit in front"ani ng binata sa kanya saka kinausap ang kanyang Ina"okay lang po ba Aling Maritess?ani ng binata. "Sige okay lang"sagot ng kanyang Ina. Ngumiti ito at giniya na siya patungo sa unahan sabay muli siya nitong pinagbuksan ng pinto saka kinabit ang seatbelt niya at heto na naman sobrang lapit na naman nilang dalawa.Bakit ba kasi ang lambing lambing nito sa kanya kahit sa harap ng kanyang Ina naiilang tuloy siya eh. "There you are..you okay?tinanong pa siya nito. "Okay na ako salamat"mahina niyang wika. "Okay"anito at gumawi na sa driver seat. Pagkaupo nito ay inistart na ang kotse at lumingon pa sa kanya sabay ngiti bago tuluyang pinatakbo ang kotse. "Aling Maritess?ani ng binata. "Ano yon Señorito? "Pwede rin ba kitang tawagin katulad ng pagtawag sa inyo ni Clarissa? "Ha?nakakahiya naman Señorito" "Huwag nyo na rin akong tawaging Señorito mula ngayon" "Amo ka pa rin namin Señorito" "Gusto ko kayong maging pamilya Nanang so ituring nyo na rin akong pamilya ninyo"ani ng binata. "Señorito hindi ba masyado naman yatang mabilis? "Doon na rin yon pupunta mabilis o matagal,ang importante mahal ko ang anak ninyo and I think that only matter"ani ng binata habang nagmamaneho. "Kung yan ang gusto mo sige ikaw ang bahala Dominic"ani ng kanyang Ina. Tahimik lang din siyang nakaupo habang nakikinig sa usapan ng binata at ng kanyang Ina. "Salamat po Nanang"wika ng binata na feeling close talaga sa Nanang niya. Well,kinikilig naman siya ng palihim dahil hindi talaga naglihim ang binata ng feelings nito para sa kanya at pati ang Nanay niya ay liligawan pa nito ang sweet di ba?Nagulat siya ng kinuha ni Dominic ang kamay niyang nakapatong sa kanyang hita sabay dinala sa labi at hinalikan nito.Lumingon siya sa kanyang Ina pero wala naman itong reaksyon kahit nakikita nito ang ginawa ng binata,akala niya bibitawan na ito ni Dominic pero hindi pala dahil pinagsalikop pa saka ng kamay nito. "D-Dominic baka hindi ka makapag drive ng maayos"mahina niyang wika. "I can drive with one hand sweetheart"sagot ng binata na tila bang silang dalawa lang ang nasa loob ng kotse. Hindi na siya kumibo at hinayaan na binatang nagmamaneho habang hawak hawak ang kamay niya na paminsan minsa ay mahinang pipisil pisilin saka hahalikan muli.Grabe ang sweet talaga eh kaso naiilang nga siya sa kanyang Ina siguro kung silang dalawa lang malamang para na siyang kitikiti sa sobrang kilig pero ngayon pigil pigil muna kaya puso umayos ka ha. Hanggang sa dumating sila sa kanilang lugar ay magkahawak kamay sila ni Dominic,binitiwan lang nito ng nagpark na sa tabi ng kalsada sabay umibis ng kotse at pinagbuksan ang kanyang Ina siya naman ay hindi na naghintay umibis narin ng kotse. "Salamat Dominic"ani ng kanyang Ina. "You're welcome po Nanang"ngiti nitong wika saka lumapit sa kanya. "Shall we?anito sa kanya. "Uhm"tango niya sa binata. Nauna ng humakbang ang kanyang Ina at nakabuntot lang din silang dalawa. "Can I hold your hand again?ani ng binata. "Huwag na marami ng taong makakita sa atin"aniya. "So what? "Huwag na nga lang baka magka issue pa tayo" "Hmm okay"sagot ng binata. Pagdating nila sa kanilang bahay ay kinausap ng kanyang Ina ang binata. "Pasensya ka na sa bahay namin Dominic"ani ng kanyang Ina. "No problem po Nanang Maritess"anito sa kanyang Ina. "Sige tuloy ka"ani ng Ina. Sabay sabay na silang pumasok sa loob at pinaupo niya ang binata sa bangko na yari sa kawayan. "Maupo ka Dominic"aniya. "Thank you"sagot nito. "Clarissa,Maritess?ani ng kanyang ama na galing sa kusina. "Tatang?aniya at lumapit sabay nagmano. Tumayo din pala ang binata at sumunod sa kanya sabay nagmano din ito sa kanyang ama. "Mano po Tatang"ani ng binata. Tumingin naman sa kanila ang Tatang niya na halatang nagtataka kung sino ang lalakeng bigla nalang magmamano dito. "S-sino ka?tanong ni Mang Carlito. "Nobyo po ako ni Clarissa"sagot nito. Napaubo tuloy siya ng wala sa oras. "Nobyo ba kamo kailan pa?tanong ng ama. "Siya ang lalakeng tinutukoy nitong anak mo Carlito na anak pala ng mga amo natin"sagot ng kanyang Ina. "Ha?ganon ba?naku pasensya na po Señorito kinagagalak kong makilala kayo"ani ng kanyang ama at bahagya pang yumukod sa binata. "Dominic nalang po Tatang"ani ng binata. "Ala eh sigurado po ba kayo Señorito? "Sigurado na po ako sa anak ninyo Tatang Carlito" "Ah hindi ibig kong sabihin ayos lang na hindi kayo tawaging Señorito? "Huwag na po Señorito Tatang" "Kung yan ang nais mo sige..pero sigurado ka na talaga sa anak namin? "Mahal ko po si Clarissa Tatang" "Maupo ka muna Señorito este Dominic"ani ng kanyang ama. "Clarissa ikaw na ang magluto ng hapunan natin ha?ani ng kanyang Ina. "Sige po Nanang"aniya at iniwan na ang mga magulang habang kausap ang binata. "Dominic hindi naman kami tumututol sa relasyon ninyo ng anak ko pero naisip mo ba ang katayuan ninyong dalawa sa buhay?ani ni Mang Carlito. "Ibig ninyong sabihin po dahil mayaman ako at mahirap siya? "Yon na nga" "Hindi naman po big deal sa akin ang katayuan sa buhay ang importante mahal ko siya" "Nandon na ako mahal mo si Clarissa at marahil mahal ka na rin niya pero paano ang mga magulang mo?tanong ni Mang Carlito. "Yan nga ang iniisip ko kanina pa na hindi ko magawang itanong sayo Dominic paano kung malaman ng mga magulang mo?ani ni Aling Maritess. "Plano ko rin naman po sabihin sa kanila kapag alam kong okay na sa inyo ang relasyon namin ni Clarissa" Nagkatinginan silang mag asawa at sa isip nila baka nga sigurado na talaga ang binata sa pag ibig nito para sa kanilang panganay. "Wala naman kaming karapatang panghimasukan ang buhay pag ibig ng anak namin Dominic kung mahal ka niya"ani ni Aling Maritess. "Salamat po Nanang" "Pero isa lang ang maipapayo ko sa inyo hanggat maaari lumayo sana kayo sa tawag ng tukso"ulit nitong wika. "Opo Nanang at pasensya na po kayo hindi na po mauulit"ani ng binata. "Hindi ko naman pinagbabawalan ang relasyon ninyong dalawa ang sa akin lang hanggat kaya ninyo at hanggat maaari huwag munang gawin ang bagay na dapat hindi pa maaaring mangyari" "Pipilitin ko po Nanang na igalang si Clarissa pero kung sakali mang makalimot ako pinapangako ko pong pananagutan ko si Clarissa kahit anong mangyari dahil mahal ko siya"ani ng binata. Tumango siya dahil naiintindihan niya ang binata at alam niya sa panahon ngayon talamak na ang mga ganyan pero sa isip niya sana maiiba si Dominic at ang kanilang anak. "Sige maiwan ko muna kayo dito tutulungan ko si Clarissa magluto"paalam niya sa dalawa. "Okay po Nanang"sagot ng binata. Pumasok na si Aling Maritess sa kusina upang tulungan si Clarissa sa pagluluto ng kanilang hapunan. "Anak?aniya sa dalaga. "Bakit po Nang?sagot niya sa Ina. "Hindi ka ba natatakot na makikipag relasyon kay Dominic? "Ano pong ibig ninyong sabihin Nang? "Paano kung malaman ng mga magulang niya at hindi sila papayag baka masaktan ka lang" "Wala naman po sigurong masama kung susubukan namin Nanang" "Kung yan ang gusto mo sige ikaw ang bahala basta hindi ako nagkulang sa pangaral sayo" "Salamat po Nanang"aniya at niyakap ang Ina. "Natutuwa ako dahil magkaka nobyo ka na pero ayoko munang magsaya para sa inyo ni Dominic dahil hindi pa natin alam kung anong masasabi ng mag asawang Fuentabella" "Opo Nanang at salamat parin po dahil hindi kayo tutol sa relasyon namin ni Dominic"aniya. Tumango ang kanyang Ina at nagpatuloy na sila sa pagluluto,pagkatapos nilang magluto ay inutusan siya ng kanyang Ina para tawagin ang Tatang niya at ang binata. "Tatang nakahanda na po ang mesa"aniya sa ama. Saka tumingin kay Dominic"kumakain ka ba ng pagkain namin Dominic?tanong niya sa binata. "Sa susunod kapag bumisita ka dito magdala ka nalang ng pagkain mula sa Mansion Dominic"biro ng kanyang ama sa binata. Tumawa naman ang binata sa biro ng ama saka nagsalita"susubukan ko pong kumain ng pagkain ninyo Tatang hindi naman po ako maarte" "Kung ganon tayo na sa kusina at pag pasensyahan mo na ang handa namin"ani ng ama at nauna ng tumungo sa kusina. "Sigurado ka ha kakain ka kung anuman ang nakahanda sa mesa?tanong niya sa binata habang patungo sila sa kusina. "No problem sweetheart"ngiti nitong wika. Salo salo na sila sa mesa magkatabi sila ng binata at siya ang naglagay ng pagkain sa plato nito,paksiw na isda saka sinigang na sari saring gulay na may halong bagoong ang ulam nila.Nakita niyang natigilan si Dominic habang pinapanood siyang maglagay ng pagkain sa plato nito habang ang kanyang mga magulang ay tahimik lang din kumakain at malamang napansin din ang hindi pagkibo ng binata. "Kumain ka na"aniya sa binata. "Ha?yeah okay"mahinang sagot ng binata saka parang may hinahanap. "Hindi kami gumagamit ng kutsara at tinidor nagkakamay lang kami,subukan mo"aniya dahil alam niyang naghahanap ito ng kutsara't tinidor. "Okay susubukan ko"aniya pero saan ako maghugas ng kamay. Binigay sa kanya ni Clarissa ang tabo na may lamang tubig. "Ano yan?tanong ng binata. "Maghugas ka ng kamay" "Ow"anito at nilagay ang kamay sa tabo"that's nice try"anito at nagsimula ng kumuha ng kanin. At sinubukang isubo ang kinuhang kanin pero...paano ba ang daming nahuhulog dahil hindi siya marunong. "Ang daming nahuhulog na kanin o"ani ng dalaga. Kahit alam niyang hindi talaga ito marunong kumain na nagkakamay lang pero sa isip niya tingnan natin kung hanggang saan ang kaya nito,nagkatinginan lang din sila ng kanyang mga magulang at tahimik ang mga ito. "Oh sorry ahm I..don't..really..know how"sadyang binagalan ang pagkasabi at mahina lamang nagsalita. Ngumiti siya sa binata at nagkibit balikat lamang siya at kumain na. "Can I have some spoon and fork?mahina nitong wika sa kanya. "Wala nga kaming spoon at fork"mahina din niyang sagot. "Anong gagawin ko?anito ulit. "Edi kumain ka gamit ang kamay mo" "You gonna pay for this little girl I swear"mahina nitong wika. "Kumain ka na kasi" "Alright"ani nalang ng binata sabay sulyap sa mga magulang ng dalaga at ngumiti sa mga ito. Sinubukan pa rin niyang kumain na nagkakamay lang yung lasa ng pagkain hindi niya na pinansin dahil interesado siyang matutunan kung paanong kumain na nagkakamay pero kanina pa siya kumain pero kokonti lang ang napapasok sa bibig niya at nakaramdam na siya ng inis. "Damn it!!mahina niyang mura. Pero natigilan din ng maisip nasa harapan pala siya ng pamilya ng dalaga paano naman kasi nasa pagsasanay lang nakatuon ang atensyon kaya nawala na tuloy siya sa realidad,mabuti nalang at mahina ang pagkasabi niya pero nakatingin sa kanya ang dalaga kaya pilit siyang ngumiti dito. "Sorry"mahina niyang wika. Natapos ng kumain ang mga magulang niya at siya din ang binata nalang ang hindi pa tapos kaya naiwan muna siya sa mesa at tumungo na sa maliit nilang sala ang Tatang at Nanang niya. "I'm done"wika ng binata. "So kumusta ang pagkain?tanong niya. "It was good really good" "Sigurado ka? "Uh-huh!ani ng binata sabay kumuha pa ng gulay at kinain ito. Ngumiti naman siya dahil hindi naman pala maarte ang binata hindi nga lang marunong magkamay pero gusto niyang matuto ito kaya hinayaan niya kanina.Natuto din naman pero hindi pa masyado marunong. "Magliligpit na ako"aniya sabay tumayo. "I can help you"anito sa kanya. "Weeehhh di nga?pumunta ka nalang sa sala nandon naman sina Tatang at Nanang" "Dito lang ako sa tabi mo saka okay naman tayo sa Tatang at Nanang hindi ba? "Okay na nga pero kahit na"sagot niya habang kinulekta ang mga plato na ginamit ng kanyang mga magulang. "I said so"ani ng binata at tinulungan nga siya. Kaya hindi na niya ito pinigilan at hinayaan na lang,siya yung nagsasabon ng mga gamit habang si Dominic naman ay kinuha pa ang natirang mga plato sa mesa.Pagkatapos nito ay tumayo sa tabi niya at nanonood habang nagsasabon siya ng mga pinggan. "Bakit?tanong niya dito. "Nothing I just love seeing you doing that kind of stuff"sagot ng binata. "Huwag kang manood lang dyan tulungan mo ako dito"aniya. "What?me?wika ni Dominic na halatang nagulat pa. "Sympre ikaw" "Ahm yeah okay"sagot nito at gumawi sa kanan niya at binanlawan ang mga pinggan. "Like this?tanong ng binata na nilublob lang sa tubig ang baso at pinggan. "Hugasan mo ng mabuti para maalis ang amoy ng sabon" "This is crazy"ani ng binata. "Nagrereklamo ka? "Hindi!of course not!nag eenjoy nga ako dahil kasama kita"ngiti nitong wika. "Kunwari ka pa nagrereklamo ka nga eh" "Hindi ah"anito at seryoso na sa ginagawa nito. "Dominic?pansin niya sa binata. "Hmm?sagot nito habang nilalagay sa tabi ang baso at pinggan na natapos nitong banlawan. "Mahal mo ba talaga ako?tanong niya. Lumingon naman ito sa kanya at ngumiti"yes of course mahal kita Clarissa"sagot nito at muli ding tinuon ang atensyon sa ginagawa nito. "Pero hindi mo pa alam kung payag ba ang mga magulang mo sa relasyon natin" "I'm gonna tell Papa and Mama about us sweetheart so don't worry okay? "Pero paano kung ayaw nila sa akin bilang nobya mo? "Huwag mo munang isipan yan hindi pa naman natin nasabi sa kanila hindi ba? "Kung sakali lang na ayaw nila sa akin" "Hindi naman sila ang makikisama sayo so why would I listen to them? "Dominic natatakot ako sa mga magulang mo" "Listen I love you okay I will do everything for you just promise me na hindi mo ako iiwan" "Hindi ko naman gagawin yon eh paano kung pipigilan ka nilang makipag kita sa akin o di kaya papaghiwalayin nila tayo? "Shhhh...stop it now masyado ka ng nag iisip ng mga negative things calm down okay? "Dominic mahal na kita at ngayon pa lang parang natatakot na akong mawala ka" Huminto ito sa ginagawa nito at humarap sa kanya sabay kinulong ang kanyang mukha.Nagtinginan sila ng binata mata sa mata mukha sa mukha. "Clarissa ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sayo dahil hindi ko rin kayang mawala ka sa akin I don't care kahit mga magulang ko pa ang maging kalaban ko" "Dominic"aniya. "Dahil mahal kita..mahal na mahal kita at ngayon ko lang nararamdaman to sa buong buhay ko because before it's only a fling,playing with different women but when you came into my life I've changed Clarissa..you made me changed into a better person and be a man kahit sa maikling panahon pa tayong nagkakilala"ani ng binata sa kanya at niyakap siya nito. "Mahal kita Dom"aniya. "Yes I'd love to hear you called me that way sweetheart I love you so much"sagot ng binata. "Eheemm"pagtikhim ng kanyang ama ang nagpahiwalay sa kanila. "Tatang?aniya dito. "Kukuha lang ako ng tubig"ngiting wika ng kanyang ama. "Ikukuha ko na po kayo Tatang"aniya sa ama at kumuha ng baso upang bigyan ng tubig ang ama. "Salamat anak"ani ng ama saka tumingin sa binata"Dominic dito ka ba matutulog?tanong nito sa binata. "Ahm hindi po Tatang uuwi din po ako pero pwede po bang later nalang?ani ng binata. "Sige ikaw ang bahala nagtatanong lang ako"ani ng ama at lumabas na ulit. Nagkatinginan sila ni Dominic at ngumiti sa isa't isa ng bigla siyang kinabig nito at niyakap ulit ng mahigpit. "Thank you for making me feel so inlove Clarissa" "I love you so much" "I love you too sweetheart"anito sabay halik sa kanyang noo. Nagtagal sa kanila si Dominic at masaya itong nagkukuwentuhan kasama ang kanyang mga magulang na animoy close sila dati pa,masaya din siya dahil tanggap ng mga magulang niya ang relasyon nila kahit na nga ba nandon ang takot dahil hindi pa alam ng mga magulang ng binata ang tungkol sa kanila. Mag 10:00 pm na yata umuwi si Dominic at nasa kwarto na nila ang Tatang at Nanang niya upang matulog kundi pa niya ito pinilit na umuwi eh wala yatang planong umuwi ngayon. "Babalik ako dito bukas okay?ani ng binata. "Sige ikaw ang bahala"sagot niya. "To take you for a date I mean to say"ulit nito. "Date? "Yeah why not? "Ikaw naman ngayon nga lang tayo magkasama eh" "Iba yung ngayon iba din ang bukas" "Wala kang trabaho o family outing kaya? "Hindi sila mahilig sa outing and so I" "Sige na nga" "Parang napipilitan ka yata" "Hindi naman gusto ko nga kung paano ba makipagdate" "Huh?hindi mo naranasan ang magdate?so paano kayo ng nobyo mo dati? "Ha?ahm hindi I mean kasi yung ikaw na kasama ko sa date" "Hmm okay..alright uuwi na ako and be ready tomorrow I'll pick you up at 9:00 am sharp" "Ganon ka aga? "Yes..dahil manonood tayo ng sine tapos kakain then mamasyal then kakain ulit something like that" "Marunong ka talaga ha? "Actually not!I never did that things in my life,ginawa ko lang to sayo believe me" "Eh bakit parang alam mo na? "Alam ko din naman kung paano itratong special ang babae I just didn't do it because I don't feel like doing it before but now yes I will do it for you sweetheart dahil I want you to feel special" "OO na sige na naniniwala na ako grabe ang sweet mo eh,pero sa ngayon umuwi ka na ha para makapagpahinga ka na" "No kiss? "Wala na nakuha mo na kanina" "I want more" "Tumigil ka" "Please? "Ayoko nga" "Okay hindi ako uuwi" "Sira ka talaga noh? "Come on" Lumapit siya saka hinawakan ito sa mukha at hinalikan ang binata,saglit lang naman. "Thank you"ani ng binata. "Sige na mag ingat ka okay? "Yes I will bye"anito at tuluyan ng umalis. Pumasok lamang siya sa bahay ng mawala na sa paningin niya ang binata at nakaramdam siya ng saya.Kakaibang feelings yung parang nais mong manatili nalang siya sa tabi mo dahil ayaw mong mawalay siya sayo?ganong eh,siguro ganitong pakiramdam ang tinutukoy ni Monica na masarap nga magmahal ng ibang tao lalo na kung mahal ka rin niya.Yes the best feeling that she ever had. Masayang masaya siya ngayong araw at yung pakiramdam na ayaw na niyang mahiwalay pa sa dalaga? "Clarissa"usal niya sa pangalan ng dalaga. Ngumiti siya ng maalala ang naging karanasan niya sa bahay ng dalaga,biruin mo nagawa niyang kumain na nagkakamay,kumain ng gulay na hindi niya nakain sa buong buhay niya,naghuhugas ng pinggan.Napapailing nalang siya pero masaya at gusto niyang ulit uliting gawin yon kasama si Clarissa. Pasipol sipol pa siya habang nagpapark sa garahe ng Mansion at diretso sa loob akala niya tulog na ang kanyang mga magulang pero nasa living room pa pala. "Papa!Mama! Still awake?aniya sa mga magulang. "Hinintay ka talaga namin hijo"ani ng kanyang Ina. "Why?tanong niya at umupo sa pang isahang sofa. "Gusto namin malaman kung sinong babae ang tinutukoy mong girlfriend mo"ani ng kanyang ama. "Sasabihin ko rin Papa but not this time" "Kailan pa kapag pinagsawaan mo na siya at sabihing wala na kayo ganon ba?ani ulit ng ama. "Papa I'm not thinking about having s*x with her,Kokontrolin ko ang sarili ko hanggat kaya ko because I respect her"sagot niya. "That's good to heard then...so bakit hindi mo sabihin sa amin kung sino ang babaeng nakakapag pabago sayo? "Gusto ko siyang iharap sa inyo Papa Mama at ipakilala na nobya ko siya kaya hindi ko muna sasabihin sa inyo ngayon" "Okay ikaw ang bahala"ani ng ama. "But I will tell you about her" "Go on" "Hindi sila mayaman at nabuhay lamang sa simpleng pamumuhay pero I can see the love and respect for each other na nagustuhan ko sa kanila" "Anong trabaho ng babae?tanong ng ama. "Hindi siya nakapagtapos...sales lady ang trabaho niya"sagot niya. "Not bad"ani ng Ina. "Her parents?tanong ng ama. "Labandera atsaka farmer" "Oh really?ani ulit ng Ina. "Yes"sagot niya. "Seriously Dominic are you out of your mind now?ani ng ama. "What's wrong with that Papa?atleast she's not a b***h working in a club,her parents not a corrupt politician or whatsoever they are a good family" "Gustavo tama naman ang anak mo ano ngayon kung sales lady lang siya at mambubukid ang tatay niya at labandera lamang ang nanay niya as long as nabuhay sila ng marangal" "I'm sleepy"ani ng kanyang ama at tumayo na ito. "Papa?tawag niya. "Hijo hayaan mo muna ang Papa mo..sige na umakyat ka na sa kwarto mo at matulog we can talk about this tomorrow" "Mama can I trust you? "Sure hijo" "Agree ka naman Ma kahit mahirap lang sila di ba? "Dom hijo it doesn't matter to me kung mahirap siya o mayaman ang importante mahal ka niya at mahal mo siya na hindi dahil sa kayamanan mo kaya gusto ka niya" "No Mama I assure you she's not after money she's not that kind of woman Mama I know she love me not because I'm rich" "Walang problema sa akin hijo at masaya ako dahil nagmahal ka ng totoo at natutuwa ako dahil sa kanya nagbago ang pananaw mo sa buhay,she made you changed hijo and I'm happy for that" "Yes Mama binago niya ako at ngayon ko lang nararamdaman to na hindi ko nararamdaman sa mga babaeng dumaan sa buhay ko" "I know..I can see it hijo..now tell to Mama kung sino siya? "Oh my God...Ma please don't be surprise okay? "No I won't promise"ngiting wika ng Ina. "Si Clarissa Ma"aniya sa Ina. "W-what?natigilang wika ng Ina. "Mama please? "No!seryoso ka ba hijo? "Yes Ma si Clarissa yung babaeng tinutukoy ko" "Si Clarissa Moran you mean? "Yes" "How?how did you two end up like this for just a short time?tila hindi kumbinsidong wika ng Ina. Kaya kinwento niya sa Ina kung paano nagsimula ang lahat,kung bakit niya kinuha ang pangangasiwa sa department store na si Clarissa ang gusto niyang makita doon araw araw,na he even know kung saan nakatira ang dalaga kahit wala siyang idea na nagtatrabaho pala sa kanila ang mga magulang nito at ngayong araw niya lang na komperma ang lahat. "Is that so?ani ng Ina pagkatapos niyang mag kwento. "Yes Mama you can call it crazy pero iyon ang nararamdaman ko I love her kahit bago ko pa siya nakilala"aniyang umaasa na sana tanggap ng kanyang Ina ang relasyon nila ni Clarissa. "It's getting late already hijo kaya matulog ka na" "Ayaw nyo din ba kay Clarissa Mama? "Hindi naman sa ayaw ko hijo pero let me think first" "You knew them for a long time Mama dahil dito sila nagtatrabaho,kung sino man ang nakakakilala sa kanila ng totoo dapat kayo yon but why sudden change of mind dahil ba trabahante lang sa lupain ninyo ang tatay niya?labandera lang dito ang nanay niya?at siya isang sales lady lang sa department store ninyo? "Hijo hindi ko naman sinabing ayaw ko sa kanya para sayo..yes kilala ko na sila ang pamilya niya pero ang inaalala ko lang ang sasabihin ng mga kaibigan namin ng Papa mo kung malaman nilang nakikipag relasyon ka sa anak ng labandera natin" "Wala din pala kayong ipinagkaiba kay Papa akala ko okay lang sa inyo ang ganong pamumuhay at least marangal,di ba yon ang sabi ninyo kanina that's why I trust you Mama pero no I was wrong,mas importante pa sa inyo ang sasabihin ng ibang tao kesa sa mararamdaman ko?how pathetic Ma!aniya at mabilis ng umakyat sa ikalawang palapag. "Dominic!?tawag niya sa anak. Pero hindi na ito lumingon pa at tuloy tuloy na sa kwarto nito. "Oh my God!aniya sabay napasapo sa sariling noo. KINABUKASAN maaga pa lang ay tumungo na siya sa silid ng binata at nagdala ng gatas na iinumin nito,dahil gusto niya itong kausapin tungkol sa usapan nila kagabi.She made up her mind,siguro nabigla lang siya kagabi ng malaman kung sinong babae ang tinutukoy ng anak kaya ganon ang naging reaksyon niya pero hindi naman talaga siya tumututol sa relasyon ng dalawa dahil nagpapasalamat siya at dahil sa dalaga ay nagtino na ang kanyang anak sa buhay nito. Kumatok siya sa pinto at ng sinabi ng anak na tumuloy ay binuksan na ang pinto,nakita niyang nakadapa pa sa kama ang binata at ni hindi ito kumilos upang tingnan kung sino ang pumasok. "Good morning hijo nagdala ako ng gatas para sayo"aniya sa anak. "I won't eat anything here dahil lalabas kami ni Clarissa mamaya"ani ng binata. "Speaking of Clarissa I'm sorry kung ganon ang naging reaksyon ko at nasabi ko" "What do you mean?tanong niya sabay bumangon at sumandal sa headboard ng kama. "As I said hindi ako tutol sa relasyon nyong dalawa..hahayaan na kita sa gusto mo dahil alam kong mahalaga siya sayo.You have my support hijo"ngiting wika ng kanyang Ina. "Really Ma?tila hindi siya makapaniwala. "Yes really" Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang ina dahil masaya siyang may kakampi siya sa relasyon nila ni Clarissa. "Thank you Mama thank you so much"aniya sa ina. "No problem hijo and I'm happy for both of you" "Pero Ma how about Papa? "Don't worry tutulungan kitang kumbinsihin siya na hayaan na kayo ni Clarissa dahil nagmamahalan kayong dalawa" "Oh thank you Mama and sorry about last night" "It's okay hijo pagkakamali ko yon" "Thank you Ma thank you again" "So are you two going on a date? "Uh-huh! So I gotta take a shower now" "Your milk"ani ng ina. "Ow"anito at ininom na ang gatas"thank you Ma"aniya sabay pumasok na sa bathroom. Ngumiti siya habang sinundan ng tingin ang anak papasok sa bathroom,she can see his face that her son is so in love na hindi niya nakita noon,his smile when she finally said she's agree about him having a relation with Clarissa is priceless.Kaya gagawin niya ang lahat upang suportahan ang kanyang anak. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas na siya sa bathroom at wala na ang kanyang Ina pero may napansin siyang sticky note na nakalagay sa ibabaw ng bedside table. Anang note.. "Happy for your first date ever son" Ngumiti siya at nilagay muli ang note saka tumungo na sa closet upang kumuha ng damit na susuutin niya.Tama ang Ina ito yata ang kauna unahang date na gagawin niya dahil dati hindi naman niyang matatawag na date dahil kakain lang sila ng babae tapos yayain niya sa hotel then having s*x after that wala na,,call it date for s*x! Pagkatapos niyang magdamit at okay na sa paningin niya ay naglagay ng pabango saka sinuklay ang makapal niyang buhok at bahagyang naglagay ng gel.Perfectly handsome ala Jamie Dornan lang ang dating. "Hmm mas pogi pa kaya ako sa mga hollywood actor"aniya sa sarili. Bumaba na siya at nakita niyang nasa dining area ang mga magulang niya. "Where are you heading to?tanong ng ama. "Good morning Papa"aniya sabay halik sa pisngi ng ama. "Bihis na bihis ka"ani ng ama. "He is going on a date with his girlfriend Gustavo"ang kanyang Ina ang sumagot. "Date?a date?okay enjoy your date son"ani ng ama na parang nang aasar. Dahil hindi siguro ito makapaniwalang magde date siya,eh bahala siya. "Okay I will"sagot niya at nilapitan ang Ina"I'll go ahead Mama"aniya sa Ina. "Alright enjoy hijo"ngiting wika ng Ina at tumuloy na siya. "Talagang susuportahan monang anak mo sa kahibangan niya Socorro?tanong niya ng makaalis na ang binata. "Kahibangan bang magmahal Gustavo? "Hindi sila bagay ng Clarissa na yon Socorro and I told you already mula pa kagabi na I don't like her for my son"ani ng asawa. Dahil sinabi niya na sa asawa na si Clarissa ang tinutukoy na girlfriend ni Dominic. "Mahal siya ni Dominic at wala tayong magagawa dun Gustavo kaya hayaan mo na ang anak ko" "Hindi mo ba naisip na pera lang ni Dominic ang gusto ng babaeng yon? "Hindi sila ganong klaseng tao Gustavo at alam mo yan dahil katiwala mo sa bukid ang tatay niya" "Noon yon dahil wala pa silang mahanap na pagkakataon para huthutan tayo,ngayon nababaliw yang anak mo sa anak nila sa tingin mo hindi nila sasamantalain ang kahinaan ni Dominic? "Don't be so paranoid masyado ka ng judgmental hindi mo pa nga nasubukan yung tao pinangungunahan mo na?malay natin na mahal talaga niya si Dominic? "Inilalayo ko lang ang anak ko sa ikasisira ng reputasyon niya bilang Fuentabella" "Nothing that concerns about their relationship kaya hayaan mo na ang mga bata after all Clarissa made him changed" "A gold digger will do anything to get what they want Socorro and I don't believe about that love anyway!aniya at sabay tumayo na. "Gustavo hindi ka pa tapos kumain" "I lost my appetite!sagot nitong hindi man lang lumingon. Napabuntong hininga siya habang sinundan ng tingin ang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD