Episode 16

2690 Words
Chapter:16 KINABUKASAN ay hindi pumasok si Monica sa trabaho dahil maaga pa lang ay tumungo na siya sa Mansion at sinabi lang niya sa kanyang pinsan na wala itong babanggitin tungkol kay Clarissa.Habang nasa sasakyan siya patungo sa Mansion ay biglang nag ring ang kanyang cellphone at bagong number ang tumawag sa isip niya malamang si Dominic ang tumawag at wala siyang balak sagutin ang tawag nito. "Manigas ka!pagkatapos ng ginawa mo sa kaibigan ko may mukha ka pang magpapakita sa amin!?galit niyang usal. "May sinasabi po kayo Ma'am?anang driver ng Doña Isabel. "Po?ah eh wala po Manong"aniya dito. Hindi na ito sumagot at ilang minuto pa ay narating na nila ang Mansion,agad siyang umibis ng kotse at diretso na sa loob ng Mansion dahil welcome naman daw siya dito iyon ang sabi ni Doña Isabel sa kanya kahapon bago siya umuwi. Diretso na siya sa silid na ginamit ng kaibigan pansamantala dahil wala naman siyang nadatnang tao sa living room malamang tulog pa ang Doña.Nadatnan niyang nagsusuka si Clarissa sa bathroom kaya nagmamadali na siyang pumasok. "Clarissa?aniya dito. "M-Monica...bwaaaarrrrkkk! Lumapit si Monica sabay hinagod hagod ang likod ng kaibigan at naaawa siya sa kalagayan nito ngayon. "Okay ka na ba girl?mahina niyang wika. "Uhm"mahina nitong sagot sabay tumango. "Halika tutulungan na kitang maglinis" "H-huwag na Monica kaya ko naman"aniya sa kaibigan. "Sige dito lang ako sa tabi mo" Tumango lang siya atsaka naglinis na ng mukha at nag sipilyo na rin dahil tinatamad siyang maligo yung feeling na ang lamig lamig sa katawan.Pagkatapos niya ay lumabas na sila at inalalayan pa siya ni Monica patungo sa kanyang kama. "Thang you Monica ang bait bait mo talaga" "Sus ngayon lang napansin ang kabaitan ko" "Sympre matagal na noh..ano nabili mo ba yung pinabili ko? "Ah yung mangga saka bagoong?sympre noh kahapon ko pa binili"anito saka pinakita ang supot. "Wow!thank you girl"masayang wika ni Clarissa. "Pero wait lang kumain ka muna ng breakfast" "Ito nalang ang kakainin ko..halika sa kusina saluhan mo ako"ani ng kaibigan sabay bumaba ng kama. "Hindi naman ako naglilihi eh" "Okay lang yan" Pagdating nila sa kusina ay siya na ang nagbalat ng manggang hilaw para sa kaibigan at nanonood lang din ito sa kanya.At habang ginagawa niya yon si Dominic ang nasa isip niya dahil hindi niya alam kung sasabihin ba sa kaibigan ang tungkol sa binata na nandito na sa Pilipinas at hinahanap siya nito.Sa isip niya pagkatapos nitong iwan ang kaibigan ay babalikan na naman and the worst thing dahil sa kanya kaya naghirap ang kaibigan. "Monica bakit?untag ni Clarissa sa kanya. "H-ha?ahm wala may naisip lang ako" "Ano? "Inisip ko sana matanggap ka na ng Tatang mo"pagdadahilan niya. "Sana nga Monica"sagot ng kaibigan. Ngumiti lang siya at tinapos na ang pagbabalat ng mangga,pagkatapos ay hinaluan ng bagoong at nilagay na sa harap ng kaibigan agad naman nitong nilantakan ang mangga na hindi man lang nakakaramdam ng pang aasim ng mukha. "Kumain ka"aniya kay Monica. "Ikaw lang girl"ngiti niyang wika. "Magkape ka kung gusto mo" "Sige magkape nalang ako"ani ni Monica sabay tumayo upang magtimpla ng kape. Habang magkaharap silang kumain sa may kusina ay biglang sumulpot si Tita Isabel na hindi nila namalayan. "Good morning ladies"anito sa kanila. Kaya sabay pa silang napatayo at sumagot sa ginang"good morning po Tita"ani ni Clarissa. "Good morning po Tita Isabel"ani naman ni Monica. "You can sit now hija"anito sa kanila. Ngumiti at tumingin si Tita Isabel kay Monica pero nag iwas din agad ng tingin atsaka tumingin kay Clarissa"hija ngayon ka ba ulit pupunta sa inyo?anito sabay umupo sa bangko. "Opo Tita Isabel magbabakasakali akong matatanggap na ako ni Tatang" "Gusto mo samahan kita sa inyo? "Huwag na po Tita kami nalang po ni Monica" "Sigurado ka? "Opo Tita at huwag na kayong mag alala" "Okay!darating din naman si Tito Romulo mo mamaya kaya aalis din ako" "Sige po magta-taxi nalang kami papunta sa amin" "No..samahan kayo ng driver and I can drive myself" "Thank you po Tita Isabel" "Anything for you hija"ngiti nitong wika at tumingin kay Monica. Ngumiti din itong nakatingin sa kanya at gusto niyang hawakan ang dalaga pero hindi niya magawa yon dahil ayaw niyang maghinala ito. Pagkatapos nilang kumain ay nagbihis na si Clarissa at ilang sandali pa ay tapos na rin ito kaya umalis na sila ni Monica. "Tita mauna na po kami"paalam ni Clarissa. "Okay hija mag ingat kayo ha lalo ka na Clarissa dahil buntis ka" "Opo Tita thank you po"anito sabay halik sa pisngi ng ginang. "Sige po Tita Isabel"ani naman ni Monica. At humalik din sa pisngi ng ginang..ngumiti naman si Doña Isabel kay Monica sabay tumingin kay Clarissa na nakangiti din ito. "Sige lumakad na kayo"aniya. Habang nasa kotse sila ay manaka naka'y sinusulyapan niya si Clarissa at hanggang ngayon hindi niya alam ang gagawin kung sasahihin ba sa kaibigan ang tungkol kay Dominic o hindi,pero kapag hindi at malaman ni Clarissa sa ibang tao baka magalit ito sa kanya dahil pinaglilihiman niya.Kaya hindi tuloy niya naiwasang mapabuntong hininga na hindi nakaligtas sa kaibigan. "Bakit Monica?tanong nito. "A-ahm wala Clarissa may iniisip lang ako"aniya dito. "Kanina ka pa balisa at hindi mapakali..may problema ka ba? "Wala!wala ah"aniya. "Monica kilala kita alam ko kung may tinatago ka sa akin,ngayon sabihin mo may nobyo ka na namang bago ano? Diretso naman siyang napatingin sa kaibigan at nagpapasalamat siya na yon lang ang napansin ni Clarissa sa kanya at mali pa. "Crush lang pero ayokong maging nobyo"aniyang sinakyan lang ang hula ng kaibigan. "Aanhin mo nga naman ang nobyo kung iiwan ka rin lang sa bandang huli.Monica huwag mong hintaying magaya ka sa akin kaya mag ingat ka sa mga lalakeng manloloko" Napalunok siya at ngayon pa lang sinusundot na siya ng konsensya na hindi niya babanggitin ang tungkol kay Dominic dahil hindi lingid sa kanya na wala masyadong closure ang hiwalayan nila ni Dominic base sa kwento nito.Paano kaya kung sasabihin niya ang tungkol kay Dominic o di kaya sasabihin niya sa binata ang tungkol sa kaibigan niya.Malay niyang hinahanap ng binata si Clarissa para magpaliwanag o di kaya sasabihin nitong wala na sila as in wala na talaga para matahimik na rin ang kaibigan. "Clarissa may sasabihin ako sayo mamaya ha kapag malaman nating tanggap ka na ng Tatang mo"aniya dito. "Hindi mo ba pwedeng sabihin ngayon? "Mamaya na lang para marinig din ng mga magulang mo" "Okay ikaw ang bahala"aniya at natahimik na. Pagdating nila sa kanilang lugar ay nagmamadali na silang tumungo sa looban para puntahan ang bahay ni Clarissa pero hindi pa man sila nakarating sa bahay ay sinalubong na sila ni Aling Nena. "Uy Clarissa saan ka na nakatira ngayon? "Sa kanila po Aling Nena..kaibigan ko"aniya sabay turo kay Monica. "Ganon ba?maayos ka naman ba? "Okay naman po ako Aling Nena" "Siyanga pala mabuti nakagala ka dahil wala na ang mga magulang mo dito" "P-po!?nabigla niyang wika. Sabay nagkatinginan sila ni Monica at muli ding tumingin sa ginang. "A-anong ibig ninyong sabihin Aling Nena bakit wala ang pamilya ko? "Nag alsa balutan sila nung isang araw at biglaan nga ni hindi namin alam ang dahilan" "Hindi!aniyang umiling iling at naiiyak na. Sa kaalamang wala na dito ang pamilya niya at talaga ngang iniwan na siya. "Clarissa" "M-Monica..."aniyang tuluyan ng umiyak. "Pasensya ka na Clarissa hindi ko masabi sayo kung saan sila lumipat dahil hindi ko rin alam eh"ani ni Aling Nena. "Okay na po Aling Nena salamat"si Monica ang sumagot dahil hindi na magawang magsalita ni Clarissa. "Siya mauna na ako sa inyo" "Sige po"sagot ni Monica. "Clarissa halika bumalik na tayo sa Mansion"aniya sa kaibigan. "A-ang sakit na..na tuluyan na akong iniwan ng pamilya ko Monica hindi ko akalaing sukdulan ang galit sa akin ni Tatang.Saan..saan ko sila hahanapin ngayon Monica?saan?aniyang humagulgol ng iyak. "Huminahon ka muna Clarissa..tayo na sa kotse dahil pinagtitinginan ka na ng mga taong mapanghusga"ani ni Monica. Tumingin siya sa paligid at pinagtitinginan nga siya ng mga ilang tsismosa sa lugar nila.Umalis na sila at nagmamadaling pumasok sa kotse. "Girl okay ka na ba? "Hindi ako okay Monica dahil nag alala ako sa mga magulang ko at kapatid kung saan ko sila hahanapin" "Magpapatulong tayo sa Tita Isabel mo malay natin matulungan ka niya" "Sobra sobra na ang naitulong sa akin ni Tita at ayaw ko ng dagdagan pa ang utang na loob ko sa kanya" "Pero malalaman din niya na wala na ang pamilya mo dito" Hindi siya sumagot at tila na inisip kung sasabihin nga ba sa Tita Isabel niya ang tungkol sa pag alis ng kanyang pamilya pero ayaw na niyang distorbohin ang Tita tungkol dito pero saan siya hihingi ng tulong? "Ano na girl? "Hindi ko alam Monica..subukan ko munang hanapin" "Paano? "Bahala na"sagot niya. "Uuwi na ba tayo? "OO medyo nahihilo na naman ako"mahina niyang wika. "Diyos ko ikaw lang yata ang buntis na maraming problema Clarissa,hindi mo na tuloy na e-enjoy ang pagbubuntis mo" "Hindi ko alam Monica..ayokong sisihin ang ibang tao dahil sa nangyaring ito sa akin pero habang pahirap ng pahirap ang sitwasyon ko hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi sisisihin si Dominic!ani ni Clarissa. "Clarissa" "Kung hindi ako pumayag at hindi niya ako iniwan sa ere pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin sana hindi naging ganito ang buhay ko..hindi sana kami nagkahiwalay ng pamilya ko Monica"umiiyak na naman niyang wika. Niyakap siya ni Monica at sa balikat ng kaibigan siya umiyak ng sa ganon mabawasan man lang ang bigat ng dibdib niya. "Tama na Clarissa malalampasan mo rin ang lahat ng ito"ani ni Monica. "Anong gagawin ko Monica?hindi ko na alam ang gagawin ko pakiramdam ko nag iisa lang ako,walang karamay,walang mahihingan ng tulong" "Huwag kang mag alala nandito pa ako Clarissa" Tumango lang ito at biglang nag ring ang cellphone niya at yung number na naman kanina ang tumawag. "Clarissa sandali sasagutin ko lang"aniya sa kaibigan. Dumistansya naman si Clarissa saka niya sinagot ang tawag. "Hello?aniya. "Hi Monica it's me Dominic thanks God sinagot mo ang tawag ko"boses ni Dom. "Ah..ahm okay" "Monica how are you? "Okay lang ako..okay lang ako"aniya dito. "That's good! I wanna ask you something please" "Okay..ano yon? "Alam mo ba kung saan si Clarissa nakatira ngayon kasi pinuntahan ko siya sa lugar nila pero wala na ang pamilya niya at alam ko na ang nangyari kay Clarissa" "A-alam mo na?paano? "Tinanong ko kay Anton at sinabi ang nangyari dahil nalaman daw mula sayo,so now tell me kung alam mo kung saan siya dahil pinapahanap ko na rin ang pamilya niya" "G-ganon ba?sige sige ite-text ko sayo ang address okay? "Yes!thanks God!thank you Monica thank you so much" "Sige salamat din"aniya. "Alright!gonna wait okay?bye" "Okay bye"aniya at pinatay na ang tawag. Nilingon niya si Clarissa pero nakatulog pala ito,sa isip niya buntis nga ang bilis makatulog.Hindi na niya ginising ng sa ganon makalimutan nito sandali ang problema. "Manong tayo na po sa Mansion"aniya sa driver. "Okay po Ma'am"sagot ng driver. Habang sa daan ay tinext niya ang number ni Dominic kung saan nakatira ngayon ang kaibigan pero hindi niya sinabi ang kalagayan ni Clarissa ngayon. Pagkatanggap ni Dominic ng text message ni Monica ay bahagya pa siyang napakunot noo dahil alam niyang puro mayayaman lang ang nakatira sa subdivision na binigay ni Monica sa kanya.Sa isip niya pinagloloko ba siya ng dalaga?Kaya nag text back at siniguradong tama ba ang binigay nitong address.Pero sinabi ni Monica na nandon din ito kaya naniwala na siya. Nagmamadali na siyang sumakay sa kotse upang puntahan ang bahay kung saan nakatira si Clarissa. "Clarissa I can't wait to see you sweetheart"usal niya. Pagdating sa Mansion ay ginising na ni Monica si Clarissa dahil hindi ito nagigising sa daan. "Clarissa nandito na tayo sa Mansion ng Tita Isabel mo"aniya sa kaibigan. "Ah.."ani ni Clarissa saka dahan dahang nagmulat ng mga mata. "Dito na tayo" "Sorry nakatulog ako"aniya. "Hindi na kita ginising" "Uhm"aniya at umibis na ng kotse. Sabay na silang pumasok sa loob ng Mansion at nadatnan nilang nasa living room si Tita Isabel kasama ang asawa nito. "Hija"ani Tita Isabel. "Tita Isabel,Tito Romulo"ani ni Clarissa sabay lapit sa mag asawa at nagbigay galang. "Wow!you must be Clarissa right?ani ni Tito Romulo. "Opo Tito"ngiti niyang wika. "My God look at you now ang laki laki mo na at ang ganda ganda pa"ani ng Tito sabay yakap sa kanya. "Thank you po Tito,siya po pala si Monica kaibigan ko" Ngumiti ito sa kanya at tumingin sa kanyang kaibigan batid niyang alam na rin nito ang tungkol kay Monica. "Hello hija how are you?tanong nito sa kaibigan. "Hello po okay lang po ako Sir" "No..Tito nalang..Tito Romulo"anito at tumingin sa asawa nito. "Thank you po Tito"sagot ni Monica. "Come sit down Clarissa,Monica"ani ni Tita Isabel. Pagkaupo nilang lahat at nagdala ang katulong ng maiinom nila ay biglang may nag doorbell at kinabahan si Monica malamang si Dominic yon. "Julie may tao sa labas"ani ni Tita Isabel. "Opo Madam lalabas na"sagot nito at tumungo na sa pinto. Ilang sandali ay bumalik na ang katulong. "Madam may naghahanap po kay Ma'am Clarissa"ani ng katulong. "Naghahanap?sino daw?tanong ng ginang. Sumulpot si Dominic mula sa likod ng katulong at laking gulat ni Clarissa ng makilala ang sinasabi ng katulong na naghahanap sa kanya.Kunurap kurap pa siya dahil baka namamalikmata lang siya pero hindi totoong si Dominic ang nakita niya ngayon. Napapalunok si Monica habang nakatingin sa kaibigan dahil hindi niya alam kung anong sasabihin oras na magtanong ito kung paano nalaman ni Dominic ang Mansion ng Tita Isabel nito. Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ni Tita Isabel ng makita ang bisita ni Clarissa.Parang..parang pamilyar sa kanya ang lalake. Dahan dahang humakbang si Dominic palapit sa dalaga at ngayon pa lang natatakot na siya sa kung anong gagawin o sasabihin ni Clarissa sa kanya. "Clarissa"mahina niyang wika ng makalapit na ito. Saka pa kumurap si Clarissa ng sa wakas nagsalita ang binata,siya nga..si Dominic nga ang nasa harapan niya ngayon.Pero bakit ito nandito?pagkatapos ng ginawa nito sa kanya may mukha pa itong ihaharap?Inilang hakbang niya ito at wala siyang balak tanungin kung paano nito nalaman kung saan siya ngayon dahil ang gusto niya ngayon ay sampalin ito ng malakas na malakas. Paaakkkk....sinampal niya agad. Nagulat silang lahat sa ginawa ni Clarissa kahit alam na nila ang kwento ng dalaga. "C-Clarissa..." Paaakkkk...sinampal niya ito ulit na hindi nagsasalita. "I'm sorry..." Paaakkkk...halos kada salita niya at hindi pa matatapos sampal na ni Clarissa ang sagot. Napalunok siya at pakiramdam niya namumula na ang mukha niya pero tatanggapin niya ang galit ni Clarissa dahil sinaktan niya ito at siya ang dahilan sa mga nangyayari sa dalaga. Hindi rin nagsasalita ang mga ito dahil ayaw nilang makialam kaya nanatili silang nakatayo at nanonood lang. "L-let me explain please"mahina niyang wika. "Explain!??asik ni Clarissa sabay sampal ulit sa binata"pagkatapos ng ginawa mo sa akin Dominic may mukha ka pang ipapakita sa akin ha???ang kapal ng mukha mooo!!!ang kapal ng pagmumukha mong magpapakita sa akin hayooop kaaa!!!pag hihisterikal ni Clarissa sabay pinagsusuntok ang binata habang umiiyak ito sa galit. "I'm sorry Clarissa please hear me out first"ani ni Dominic. Sabay niyakap ng mahigpit ang dalaga kahit nagpupumiglas ito at hindi na ininda ang panununtok ni Clarissa sa kanya. "Galit ako sayo Dominic galit na galit ako sayoooo!!!wika ni Clarissa sabay sinuntok ulit ang binata. Medyo naalarma si Monica dahil baka makakasama sa kalagayan nito,ganon din si Tita Isabel kaya lumapit siya sa dalawa. "Clarissa hija calm yourself"ani ni Tita Isabel. "Umalis ka na Dominic ayoko ng makita ang pagmumukha mo dito!!asik niya. "Clarissa please let me explain" "Lumayas kaaa!!sigaw ni Clarissa at gusto na naman niya itong saktan. "Clarissa tama na"ani ni Monica sabay dinaluhan ang kaibigan. "Umalis ka na muna please"ani ni Tita Isabel. Dahan dahan siyang umatras para habang nakatingin sa dalagang humagulgol ng iyak,gusto niya itong yakapin pero batid niyang galit na galit ito sa kanya pero hindi siya susuko,susuyuin niya ito at kailangan niyang magpaliwanag para maintindihan siya ni Clarissa. Sinundan ng tingin ni Tita Isabel si Dominic habang palabas ito at hindi niya mawari dahil kakaiba ang nararamdaman niya ng makita ito for the first time.Iisang tao ang naalala niya. "John Carlo!usal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD