Pagkatapos ma-settle ang lahat sa Dean's Office, hindi ko inaasahan ang pagdating ni Uncle Brix. Hindi ko alam kung bakit siya mismo ang pumunta. Pero nang makita ko siya sa loob ng opisina, may kung anong ginhawang dumaan sa dibdib ko.Sandali lamang iyon.Dahil ni isang beses, hindi niya ako tiningnan. Nakatayo siya sa tabi ng Dean habang pinag-uusapan ang nangyari. Malamig ang mukha niya, tuwid ang tindig, at kontrolado ang bawat kilos. Para sa lahat ng naroon, isa lamang akong ordinaryong estudyanteng natulungan ng charity program ng pamilya Siaco. Hindi niya kailanman hayagang sinabi na siya mismo ang nagpasok sa akin sa University. Naiintindihan ko naman. Isa akong Suarez. At kung malaman ng pamilya niya kung sino ako at kung bakit niya ako tinulungan, alam kong hindi iyon magi

