BRIX POV
Halos isang linggo akong hindi umuwi sa suite.Sa opisina ako natutulog, doon kumakain, at doon ko rin tinatapos ang trabaho hanggang madaling-araw.
Naging normal na lang sa akin ang paggising sa sofa kaysa sa sarili kong kama.Ilang beses akong tinawagan ni Sofia.
Hindi ko sinagot kahit isang beses.
Nang gabing iyon, bandang alas-diyes na nang tuluyan akong umuwi.Tahimik ang hallway habang naglalakad ako papunta sa pinto ng suite. Pagbukas ko pa lang, nakita ko agad ang ilaw sa sala.
Nandoon si Sofia.
Nasa sofa siya, hawak ang cellphone. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto, mabilis siyang tumayo.
"Uncle." Hindi ako sumagot.
Hinubad ko ang coat ko at isinabit sa upuan.
"Bakit ngayon lang po kayo umuwi?" mahinang tanong niya.
"Nag-aalala po ako. Hindi n'yo rin sinasagot ang mga tawag ko."
"I never told you to wait for me."
Natigilan siya.
"Pero, Uncle, kung ang inaalala n'yo po ang nangyari--"
"Enough, Sofia. I don't want to talk about it."
"Pero gusto ko lang pong--"
"It's just a mistake." Tuluyan siyang natahimik.Lumakad ako palayo sa kaniya.
"Know your place here, Sofia."
Dahan-dahan siyang napayuko.
"Hindi kita inampon. You know that in the first place. I pitied you. No more, no less." Hindi siya sumagot.
"Huwag mong isipin na may kahulugan ang lahat ng iyon. Nasa iisang bahay lang tayo."
Tumalikod ako.
"Uncle..." Huminto ako, pero hindi lumingon.
"Sorry po." Ilang segundo akong nanatiling nakatayo bago tuluyang nagpatuloy sa kwarto.
Isinara ko ang pinto.Wala nang sumunod na yabag.
Wala ring katok.Lumipas ang ilang minuto bago ko narinig ang mahinang pagbukas ng pinto sa kabilang bahagi ng suite.Sumunod ang mga yabag.
Pagkatapos, muling natahimik ang buong lugar.Napabuntong-hininga ako.Mas mabuti na siguro ang ganito.
Mahigit Isang taon nang nasa pangangalaga ko si Sofia. Sa loob ng isang taon, unti-unti kaming naging malapit sa isa’t isa. Kapag nahihirapan siya sa assignments niya, tinuturuan ko siya. Isinasama ko siya sa park, nakikipag-shopping kasama niya, at binibilhan ng mga kailangan niya.
I never thought those simple moments would mean this much to me.
Pero dahil lang sa naging mahina ako noong gabing iyon, nagbago ang lahat sa aming dalawa. At ngayon, pinili kong dumistansya.
Napahilamos ako sa mukha at marahang nagpakawala ng hangin. Kinuha ko ang isang stick ng sigarilyo, sinindihan iyon, at tahimik na pinanood ang usok na unti-unting naglaho sa hangin.
Maybe distance was the only way to fix what I had broken.
---
Kinabukasan, maaga akong nagising.
Paglabas ko ng kwarto, wala na si Sofia.
Maayos ang sofa. Malinis ang mesa. Wala na rin ang bag niyang palaging nakalagay sa gilid.
Napansin ko ang isang plato sa dining table.May breakfast.
Eggs, toast, at bacon.
Katabi nito ang isang tasa ng kape.
May maliit na papel sa ilalim ng tasa.
Kinuha ko iyon.
Uncle,
I made breakfast before going to school. I know you probably don't want to talk to me, so I won't bother you.
Please eat before you leave.
I'm sorry.
Sofia.
Matagal kong tinitigan ang sulat.
Hindi ko iyon ginalaw.
Pero bago ko tuluyang umalis, napatingin ako ulit sa plato.
I hated the fact that despite everything I had said to her, she still thought of making me breakfast.
Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at umalis.
PAGDATING ko sa opisina, sunod-sunod na ang meeting.
Halos tanghali na nang mag-vibrate ang cellphone ko.
Ingrid.
Agad kong sinagot.
"Hello?"
"Finally." Napangiti ako nang bahagya nang marinig ang boses niya,kahit sa kaloob looban ko ay may tampo pa rin ako sa kanya dahil mas pinili niyang iwanan ako to pursue her career.
"Sorry. Busy." ani ko
"I know. You've been impossible to reach."
"I've been working."
"You're always working." May lambing sa tono niya.Napahilig ako sa upuan.
"Miss mo na ako?" Saglit siyang natahimik.
"Very much." Napangiti ako.
"How much?"
"Enough to be annoyed at you."
Napatawa ako nang mahina.
"That's not an answer."
"I miss you, my cold and handsome boyfie Me.Brix Siaco" Lumambot ang boses niya.
"Miss na miss na kita." Napapikit ako sandali matapos ang ilang araw kong pinapasan gumaan ang dibdib ko.
"Miss din kita." mahinang sagot ko halos pabulong.
"Talaga?"
"Yes."
"Give me a little time babe at pagkatapos ko dito uuwi na ako dyan to be with you." bigla akong natahimik.
"Brix..babe? are you still there?" tila natauhan ako nang magsalita siya sa kabilang linya.
"yes I'm still here"
"promise babe Stay faithful to me sige ka kapag nalaman kong may iba ka na dyan iiyak talaga ako at hindi mo na ako makikitang muli hmp!"
"I won't." two words pero bakit tila nakokonsensya ako sa naging sagot ko kay Ingrid.
Nag-usap pa kami nang ilang minuto.
At sa bawat malumanay niyang salita, unti-unting nabawasan ang bigat na ilang araw kong dala.
For a while, I forgot.Nakalimutan ko ang guilt.Nakalimutan ko ang gabing ayaw kong balikan.
At nang matapos ang tawag, mas maayos na ang paghinga ko.
"take care babe and I love you" sabi ni Ingrid,tumango lang ako at pinatay ang tawag.Pagkatapos, bumalik ako sa trabaho.
Bandang alas-tres ng hapon nang tumunog ang cellphone ko ulit.
Unknown number.
Sinagot ko.
"Mr. Siaco?"
"Yes."
"This is the dean of the school where Miss Sofia Suarez is currently enrolled." Napakunot ang noo ko.
"Why are you calling about her?"
"According to our records, you are listed as her emergency contact."
Nanlamig ang katawan ko.
Emergency contact.Ibig sabihin, alam na ng paaralan.
Hindi ko inaasahang malalaman ng paaralan na ako ang taong nagpasok kay Sofia.
"Mr. Siaco, we need you to come to the school immediately. Miss Suarez is involved in an incident."
"What incident?"
"We'll explain everything when you get here." Ibinaba ko ang tawag.
Hindi na ako nagtanong pa.
Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at agad na umalis.
Pagdating ko sa school, sinalubong ako ng isang staff member.
"This way, sir." Mabilis akong naglakad patungo sa conference room.
Pagbukas ng pinto, nakita ko agad si Sofia.
Nakatayo siya sa isang gilid.
Sa harap niya ay tatlong estudyanteng babae na pawang nakaayos at halatang galing sa mayayamang pamilya.
May mga magulang din sa loob.
Galit ang mga mukha nila.
Nang makita ako ni Sofia, agad siyang lumapit.
"Uncle!" Namumula ang mga mata niya.
"Uncle, hindi po totoo ang bintang nila sa akin." Tahimik akong nakatingin sa kaniya.
"Hindi ko po ninakaw ang kuwintas ni Shekinah." Isang babae ang agad sumingit.
"She took it! We saw her near Shekinah's bag!"
"That's a lie!" mabilis na sagot ni Sofia.
"Enough," singhal ng isa sa mga magulang.
"Your niece should be expelled!"
Napatingin ako sa dean.
"What exactly happened?"
Ipinaliwanag niya ang insidente.
Nawalang kuwintas at si Sofia ang huling nakitang malapit sa gamit ni Shekinah.
Walang malinaw na ebidensiyang hawak niya ang kuwintas.
Pero dahil mahirap siyang estudyante at nakapasok sa paaralan sa pamamagitan ng charity program ng Siaco Empire.Yun ang alam ng lahat dahil yun ang ginamit ko para makapasok si Sofia not knowing na ako mismo ang nagpapasok sa kanya sa pangambang malaman ito ng mga magulang ko lalo na ni Daddy na kadugo ng isang Suarez ang tinulungan ko.
Napatingin ako kay Sofia.
Umaasa siyang magsasalita ako.
"Uncle..." Saglit na nagtagpo ang mga mata namin.At doon ko pinili ang distansya.
"If she has done something wrong, don't call me." Nanlaki ang mga mata niya.
"What?" Hindi ko inalis ang malamig kong ekspresyon.
"I'm not related to her."
"Uncle..."
"I only helped her get admitted through the Siaco Empire's charity program." Namutla siya.
"Please..." Hindi ako tumingin sa kaniya.
"If she has a problem with the school, deal with it according to your rules."
Tahimik ang buong silid.
Napayuko si Sofia.
At sa sandaling iyon, nakita ko kung paano unti-unting napuno ng luha ang mga mata niya.
Pero hindi ako nagsalita.
Hindi ko siya ipinagtanggol.Hindi ko rin siya nilapitan.
"Mr. Siaco," sabi ng isang magulang,
"then you agree that the school should take action against her?"
Tumigil ako sa paglalakad.
"No." Napatingin silang lahat sa akin.
Huminga ako nang malalim.
"But I also don't agree with accusing someone without sufficient proof."
Napatingin ang dean sa akin.
"Sir?"
Binalingan ko ang tatlong estudyante.
"Shekinah right?."
"Yes?"
"You're expelled." Nanlaki ang mga mata niya.
"What?!"
"You heard me."
"Sir, my parents--"
"I don't care who your parents are."
Tumayo ako nang tuwid.
"The three of you are expelled effective immediately!"
Natahimik ang buong silid.
Maging ang mga magulang nila ay tila hindi makapaniwala.
"But you just said you're not related to Sofia!" galit na sabi ng isa.
"I said I'm not related to her."
Tiningnan ko sila nang diretso.
"I didn't say I wouldn't enforce the rules of a school owned by my family." Walang nakasagot.
Tumalikod ako.At bago ako tuluyang lumabas, napalingon ako kay Sofia.
Nakatayo pa rin siya roon.
Luha na ang dumadaloy sa pisngi niya.
Hindi ko alam kung galit siya sa akin o mas nasaktan dahil hindi ko siya ipinagtanggol.Siguro pareho.
"Uncle..." Mahina ang tawag niya.
Hindi ako sumagot.Lumabas ako ng silid hindi ko pinansin ang mga yabag na tila gustong sumunod sa akin.
Pero ilang segundo matapos kong isara ang pinto, narinig ko ang mahina niyang pag-iyak mula sa loob.
I stopped and closed my eyes.
For a moment, I wanted to turn back.
But I didn’t.
This was what I had wanted from the beginning...the distance between us. Ever since the night I told her she had no place in my life, I had believed this was what she deserved.
And now, I had to live with it.