Ilang segundo akong nanatiling nakatayo sa harap ni Uncle Brix matapos kong sabihin ang ipinag-utos sa akin ng kaniyang ina. Walang anumang salitang lumabas sa bibig niya. Sa halip, binuksan niya ang drawer ng kaniyang mesa at may kinuha roon bago iniabot sa akin. Tinanggap ko iyon nang walang pagtatanong. Bago pa ako tuluyang makatalikod ay muli niyang tinawag ang pangalan ko. "Sofia." Napahinto ako at bahagyang lumingon. "Alfonso's wedding planning company." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "We've chosen their company to handle the entire wedding preparations. From the wedding venue, decorations, and even the gown. I want everything perfectly organized." Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko inaasahang ang kumpanyang pinili nila ay ang kompanya kung saan doon ako inilipat kamak

