Pagkatapos ipahayag ang buwan ng kasal nina Uncle Brix at Ingrid, hindi ko na nagawang manatili pa sa loob ng bulwagan. Hindi pa man nagsisimula ang mismong gala ay gusto ko nang umuwi. Pero saan? Ayokong bumalik sa Siaco Mansion dahil alam kong mas lalo lamang akong masasaktan sa bawat sulok na magpapaalala sa akin kay Uncle. Ngunit wala rin naman akong ibang lugar na matatawag na tahanan. "Sofia, where are you going? Hindi pa nagsisimula ang gala," tawag ni Alfonso nang makita niya akong nagmamadaling lumabas. "Masama lang ang pakiramdam ko, Alfonso. I think I need to go home." Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang pinagmasdan ang mukha ko. "Tell me, Sofia. Are you okay? you look pale" Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Of course, Alfonso. I'm fine." Pinilit kong ngumit

