Chapter 39

1488 Words

Matapos ang aksidente sa bodega, sa ospital na ako nagising. Mabigat pa ang aking ulo at halos hindi ko maigalaw ang ilang bahagi ng katawan ko dahil sa pananakit. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at ilang sandali munang pinagmasdan ang puting kisame bago ko tuluyang naalala ang nangyari. Ang aksidente sa bodega. Ang takot na naramdaman ko. At higit sa lahat, ang huling sandaling nakita ko si Uncle Brix. Hindi ko makalimutan kung paano niya ako iniwan. Kung paano niya piniling iligtas si Ingrid sa halip na ako, kahit alam niyang nasa panganib din ang buhay ko. Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung bakit. Hindi ba sapat ang lahat ng pinagsamahan namin? Hindi ba kahit minsan ay naging mahalaga rin ako sa kanya? Napangiti ako nang mapait habang unti-unting tumulo ang luha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD