Mula nang mangyari ang trahedya kay Alvise, kapansin-pansin ang pagbabago sa ugali ni Uncle Brix. Mas naging mainitin ang ulo nito at halos wala nang ibang kinakausap kundi si Ingrid. Kahit ang sarili nitong pamilya ay nahihirapan nang lapitan siya. Dahil sa nakikitang pagbabago sa kanya, nagdesisyon ang pamilya ni Uncle na pabalikin siya sa mansion. Hindi man niya sabihin, ramdam ng lahat ang bigat ng pagkawala ng pinsan niyang si Alvise, na itinuring na rin niyang matalik na kaibigan at kapatid. Samantala, si Tita Bernadette, ang ina ni Alvise at half-sister ni Tita Nena, ay ilang araw nang nananatili sa ospital. Hindi pa rin nito matanggap ang sinapit ng kaisa-isang anak. Isang gabi, kararating ko lamang sa mansion matapos akong imbitahan ni Alfonso sa isang dinner. Medyo gabi na ri

