Mas lalo kong pinagsikapang iwasan si Uncle.Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa amin noong mismong kaarawan ng fiancée niya.Kung paano matapos ang sinabi niya sa sementeryo na bibigyan niya na ako ng kalayaan ay may nangyari ulit sa amin. Isang pangyayaring paulit-ulit na bumabagabag sa isip ko. Hindi ko na alam kung paano ko tatakasan ang paraan ng pagmamanipula niya sa akin. Kahit anong pilit kong umiwas, tila lagi siyang may paraan para mapalapit sa akin. At ang pinakamasakit sa lahat, sinisisi ko rin ang sarili ko. Bakit sa bawat dampi ng mga labi niya, sa bawat yakap at halik na ipinagkakaloob niya sa akin ay tinatraydor ako mismo ng katawan ko. Bakit kahit alam kong mali, may bahagi pa rin sa akin na naghahangad ng kanyang paglalambing? Isang araw, abala ako sa pag-aayo

