Nanginig ang aking mga tuhod. Hindi ko na ipinagpatuloy ang talumpati ko ang gusto ko na lang ay maglaho sa harap ng lahat. Pero hindi gumagalaw ang aking mga paa,tila ba napako ako sa gitna ng entablado habang pinanonood ng daan-daang tao na ako lang ang pinag uusapan. At sa gitna ng lahat ng iyon, iisa lang ang hinahanap ng mga mata ko. Si Uncle Brix. Dahan-dahan akong napalingon sa kinaroroonan niya.Nandoon siya kanina.Nandoon siya habang nagsasalita ako.Pero ngayon... Wala na siya sa kinatatayuan niya. Napatingin ako sa paligid, pilit na hinahanap ang matangkad niyang pangangatawan sa likod ng mga taong nagsisiksikan at nagbubulungan. Wala.Wala na siya. Parang bigla siyang naglaho sa mismong sandaling kailangan na kailangan ko siya. “Uncle...” bulong ko. Naramdaman kong tulu

