Higit dalawang taon na ang lumipas mula nang iwan ako ni Uncle at magsimulang magbago ang buhay ko sa piling ng pamilya Siaco.Mula ng kinuha ako ni Mam Nena sa suite ni Uncle. Pinaaral nila ako,sobrang bait ni Tita Nena,subalit si Mr.Rex Siaco ay malamig ang pakikitungo sa akin,wala akong ideya kung ano ang pakiusap sa kanila ni Uncle at napapayag silang ipasa ako sa kanila. Sa simula ay tumanggi akong sumama kay Mam Nena at naisipan ko na lang umuwi sa lugar namin kung saan ako kinuha ni Uncle,subalit hindi pumayag ang Ginang kaya napilitan akong sumama sa kanya at manirahan kasama ang mga magulang ni Uncle at ang ibang mga kapatid nya na bihira rin namang umuuwi dahil may mga sarili itong condo. Ngunit sa kabila ng lahat may isang bagay na hindi ko pa rin kayang kalimutan at yun ay si

