Warning SPG❗️ Pagbukas ko ng pinto, sumalubong sa akin ang isang pamilyar na amoy...alak. Napabuntong-hininga ako nang makita si Uncle Brix na halos hindi na makatayo nang maayos. Nakapikit ang mga mata niya,nakasandal ang buong bigat ng katawan niya sa isang lalaking ngayon ko lang nakita. Matangkad. Malaki ang pangangatawan. Halos ka-height lang ni Uncle Brix, at kahit lasing na lasing si Uncle, kitang-kita kong hirap din ang lalaki sa pag-alalay sa kaniya. Napakunot ang noo ko. Kaibigan kaya siya ni Uncle? Bago pa ako makapagtanong, tumingin sa akin ang lalaki. "Are you Sofia?" Napakurap ako. Nagtaka ako kung bakit alam niya ang pangalan ko. "O-opo." Bahagya akong tumango, pero mabilis ding bumalik ang tingin ko kay Uncle. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kaniya. Ilang beses na

