“Sofia, hi.” Napatda ako sa kinatatayuan nang may marinig akong boses mula sa aking likuran.Paglingon ko bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Ingrid. Kanina lamang ay nakita ko pa siyang kausap sina Tita Nena, ngunit ngayon ay nasa likuran ko na siya. Malamyos ang kanyang ngiti at elegante ang pagkilos. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagsasalita, hindi maipagkakailang isa siyang babaeng madaling hangaan. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bigla akong nanliit sa sarili. “Ahm… Ma'am Ingrid, kayo po pala,” nauutal kong bati. “Why are you standing here alone?” tanong niya. “Come on. Join us in the living room. Kanina ka pa hinihintay ni Tita Nena.” Napatingin ako sa direksiyon ng sala. Naroon ang mga taong kanina ko pa iniiwasang makaharap, lalo na ang lalakin

