PAGDATING ng Lunes ay hindi maharap ni Penelope si Phylbert. Kung wala lang siguro siyang exam ay baka hindi na lang siya pumasok. Kaagad niyang napansin na may kakaiba rin sa kaibigan niya. Tila hindi maganda ang pakiramdam nito. Ang ilang mga kaklase nila ay napansin din na wala ang dating sigla ni Phylbert. Sinubukan muna ni Penelope na ituon ang buong pansin at enerhiya sa exam nila. Hindi siya maaaring bumagsak sa kabila ng lahat ng nangyayari. Kung iisipin din niya ang problema, baka mabaliw na siya. Pagkatapos ng exam nila ay nagdesisyon siyang kausapin si Phylbert. Kailangan siguro niyang maging tapat sa kaibigan. Walang mangyayari kung itatago niya ang lahat. Kailangang may gawin siya. Hindi marahil siya maiintindihan kaagad ni Phylbert ngunit aasa siya na makikinig at maniniwa

