ILANG araw na hindi mapakali si Penelope dahil sa nawawala niyang diary. Hindi na siya madalas na nagsusulat doon ngunit nakaugalian na niyang ilagay iyon sa bag niya araw-araw upang makapagsulat siya kung kailangan niyang mai-release ang nadaramang stress. Mula nang maging nobyo niya si Joaquin ay hindi na siya gaanong nai-stress kaya hindi na rin siya gaanong nakakapagsulat sa diary. Nakakatulong din na palagi niyang nakakasama at nakakausap ang nobyo kaya hindi na siya naghahanap ng masasabihan. Hindi na niya kailangang magsulat sa diary upang masabi ang mga gusto niya. Joaquin was a good listener. Alam nito kung kailan magsasalita at kung kailan mananahimik. Hindi mapakali si Penelope dahil nakasulat sa diary na iyon ang damdamin niya para kay Jace dati. Oo nga at wala na siyang narar

