NANG mga sumunod na araw ay sinubukan ni Penelope na iwasan si Phylbert. Inabala niya ang sarili sa kung ano-anong bagay. Alam niyang nakakahalata na ang kaibigan ngunit patuloy pa rin siya sa pag-iwas. Pakiramdam niya ay lalo siyang nagkakasala kay Phylbert dahil nasasaktan siya tuwing nagkukuwento ito ng mga bagay tungkol kay Jace. Nadadalas tuloy ang pagsusulat niya sa kanyang diary. Kailangan kasi niyang mailabas ang nararamdaman dahil tila sasabog na ang kanyang dibdib sa mga dinadala. Si Joaquin ang hindi niya maiwasan. Minsan ay aminado na siya na ayaw niyang iwasan ito kahit na dapat. May maliit na bahagi sa kanya ang naliligayahan kapag kasama ang lalaki. Palaki na nang palaki ang maliit na bahaging iyon. Hindi mahirap magustuhan si Joaquin. Masaya kasi itong kasama at madaling m

