WALA ang propesor ni Penelope sa huling subject niya kaya maaga siyang nakauwi nang araw na iyon. Bago umalis ng unibersidad ay nag-text siya kay Joaquin na huwag na lang siyang sunduin dahil pauwi na siya. Pumayag naman ang binata. Abala rin daw kasi ito. Sa karinderya na dumeretso si Penelope dahil alam niyang may nakahanda nang meryenda ang kanyang ina. Hindi siya nakapagtanghalian kanina dahil naging abala siya sa library. Malakas ang karinderya ng kanyang mama dahil napapalibutan sila ng mga boardinghouse. Sa mga estudyante pa lang ay nauubos na ang mga pagkaing niluluto ng kanyang ina. Masyado nga lang matrabaho. May kasama naman ang ina sa pagtitinda at pagsisilbi ngunit labis pa rin itong napapagod. Kaya nga hanggang kaya nila ay tumutulong silang magkakapatid. “Ang sarap-sarap t

