“MINSAN, gusto na kitang pagselosan, BFF.” Nasuspende sa ere ang kutsaritang may lamang cake na isusubo sana ni Penelope dahil sa sinabi ni Phylbert. Nasa cafeteria silang dalawa at nagpapalipas ng vacant period. Kaninang umaga pa niya napapansin na wala ang dating sigla ng kaibigan. Masigla at masaya pa rin marahil si Phylbert sa pamantayan ng tipikal na tao ngunit dahil kilala na niya ito, alam niyang may bumabagabag sa kaibigan. Hindi niya gusto ang tono ni Phylbert sa kasalukuyan. Hindi pa man niya alam ang ibig nitong sabihin ay kinakabahan na siya. Nagi-guilty na kaagad siya. Nakaka-stress ang ganitong pakiramdam. Para akong kriminal na natatakot mahuli. Kung tutuusin, wala naman siyang ginagawa. Hindi lang talaga niya mapigilan ang nararamdaman. “B-bakit?” nakakunot ang noong tan

