10

1672 Words

NAKANGITING pinagmasdan ni Penelope si Joaquin habang naghuhukay ng lupa. “Kailangan mo ng tulong?” tudyo niya. “Kiss ang kailangan ko.” “Mamaya na. Bilisan mo na at naiinip na `yong mga musikero. Hinihintay na nila ang suweldo nila.” “Na-burn na yata ang lahat ng kinain ko.” Napangisi si Penelope. “Para `yan lang, eh. Bilisan mo na at baka lumagpas na tayo sa curfew. Kakausapin mo pa sina Mama at Papa.” Wala pa ring pagsidlan ang kanyang kaligayahan. Pagkatapos nila sa swing ay niyaya na siya ni Joaquin na kumain. Pulos mga paborito niya ang inihanda ng binata. Akala ni Penelope ay hindi siya makakakain sa sobrang saya ngunit kabaliktaran ang nangyari—mas nagkagana pa nga siya. Halos maubos niya ang lahat ng nakahaing pagkain. Pagkakain ay sumayaw sila. Hindi siya mahilig sumayaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD