HINDI mapakali si Penelope habang nasa mansiyon siya ng mga Cipriano. Kanina pa siya sinasabihan ni Phylbert na mag-relax ngunit ayaw niyang pakinggan ang kaibigan. Kung hindi lang siya nahihiya kay Tita Bianca, hindi talaga siya pupunta sa party na iyon. Isang linggo pagkatapos niyang sagutin si Joaquin ay bumisita sina Tita Bianca at Tito Hiram sa bahay nila upang makilala ang kanyang mga magulang. Kaagad na nagkasundo ang matatanda dahil katulad ng anak, mabait at humble din ang mga magulang ni Joaquin. Ayon kay Phylbert, taon-taon ay nagsasagawa ng party si Tita Bianca upang makatulong sa charity. May gaganapin daw na benefit auction at lahat ng malilikom na pera ay mapupunta sa kawanggawa. Maagang nagtungo si Penelope sa bahay nina Joaquin upang makatulong sana sa paghahanda ngunit

