NAPAKAHIGPIT ng pagkakayakap ni Penelope kay Joaquin nang bisitahin siya nito sa bahay nila nang gabing iyon. Kaninang tanghali lang lumapag ang eroplanong sinakyan ni Joaquin. Kahit na sabik na siyang makita ang nobyo, sinabi niyang magpahinga na muna ito at sa susunod na araw na lang sila magkita. Pero hindi rin nakatiis si Joaquin dahil naroon na ito sa bahay nila. “You missed me, huh?” nakangiting sabi nito bago siya hinagkan sa noo. Nakangiting tumango si Penelope. “Ang tagal mong bumalik.” Hinagkan din ni Joaquin ang kanyang ilong. “Sorry po.” Kumalas ito sa kanya at pinuntahan ang mga magulang niya sa karinderya. Nagmano ito at ibinigay ang mga dalang pasalubong. Pati ang mga kapatid niya ay may pasalubong. “Hindi ka na sana nag-abala,” aniya pagkatapos tanggapin ang mga pasalu

