DEAR Diary, Hinagkan ako ni Joaquin. Hindi ko inaasahan ang kapangahasan niya. Alam kong dapat akong magalit pero wala akong makapang galit sa dibdib ko. The kiss felt nice—more than nice actually. It felt right. Si Joaquin ang first kiss ko at walang pagtutol sa puso ko. Masaya ang puso ko na siya ang unang halik ko. Iba na yata ito. Iba na yata ang nararamdaman ko para kay Joaquin. Parang nahuhulog na nang husto ang loob ko sa kanya. Ang dali naman kasi. Parang ang dali-dali niyang mahalin. Parang wala na akong kontrol sa puso ko pagdating sa kanya. Ano ang gagawin ko? May dapat ba akong gawin o hayaan ko na lang ang sarili kong makaramdam ng espesyal para sa kanya at maging masaya? Penny Nanginginig pa rin ang

