MASAKIT ang ulo ni Joaquin paggising niya kinabukasan. Kaagad niyang hinanap si Penelope ngunit maaga itong nagtungo sa puwesto sa palengke dahil marami raw gagawin. Bahagya siyang nadismaya ngunit naisip niya na maigi na ring hindi muna sila magkaharap. Alam na alam niya ang mga nasabi kahit na lasing na lasing siya. Alam niya ang mga ginawa niya. Sa palagay pa nga niya ay nakatulong ang alak upang maalis ang lahat ng inhibisyon niya. Sa loob ng limang taon ay kagabi lang yata siya naging totoo sa sarili. Kagabi lang niya nasabi ang totoong nasa kalooban niya. Akala niya ay magiging magaan na ang kanyang pakiramdam pagkatapos ng nangyari. Akala niya ay magiging maayos na ang lahat sa kanya. Nakapagdesisyon na siya at sa palagay niya ay tama naman iyon. But it felt so wrong. Hindi siya

