Kinabukasan ay maaga ako nagising para sa date namin dalawa ni Lynch. Hindi ako excited pero gusto ko malaman kung ano ang surprise niya sa akin. Hindi na raw 'yon cliché tulad ng iba. Gusto ko talaga na iba ang way na panliligaw niya sa akin. I don't like him but I don't hate him either. I'm enjoying this... para iwas stress muna ako sa mafia. Wala pa naman inuutos sa akin si Damon dahil payapa naman na ngayon, e. Depende nalang talaga kapag kumilos ulit yung mga kalaban namin dati.
Sinabihan niya ako kagabi na simple lang ang suotin ko. Which is sinunod ko siya. Sinusuklay ko yung buhok ko hanggang sa matagal ako napaisip. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya na ako ang pumatay sa kapatid niya.
Shit. Everytime I gaze at his sky blue eyes, nakikita ko si Chloe sa mga mata ni Lynch. Parehas talaga sila ng mata na dalawa. Huminga ako nang malalim at kinuha ko si Deces. Pinatong ko siya sa balikat ko.
"He'll play my game..." I murmured. Nilingon ko si Deces na nilalapit ang mukha sa akin. "Hindi ko siya hahayaan na manalo at papahirapan ko rin yung magulang ko."
And I heard a sudden knock from the door. Tumayo ako at lumapit sa pintuan. Sumilip ako sa maliit na butas at nakita ko ro'n si Lynch. Yung isang kamay niya ay nasa bulsa at naghihintay sa labas ng pintuan. Napangisi ako nang buksan ko yung pintuan. Mukhang nagulat siya dahil may ahas sa balikat ko. Napansin ko na ilang beses siya napapalunok.
"Bakit may ahas ka?" he asked. "That's dangerous, sweetheart."
"Deces is harmless, Lynch," I chortled. Tumabi na ako sa gilid at mas lalo ako niluwagan yung pintuan. "Come inside..."
"Are you sure that thing is harmless?"
I arched my eyebrow. "This thing you're talking about is my pet. If you want me to be your wife... dapat tanggap mo ito si Deces."
"Fine..." he sighed. Napansin ko na nag-aalanganin siya lumapit sa akin pero dumukwang siya para bigyan ako ng halik sa labi. Napauwang ang labi ko at pumasok na siya. "Sasanayin ko yung sarili ko makakita ng ahas sa tuwing makikita kita."
I rolled my eyes. "Touch her..."
"Your snake is a female?"
"Shut up. Hawakan mo nalang siya para masanay siya sa ibang tao. Mahiyain kasi itong si Deces."
He shrugged. "Okay. Bakit ito ang napili mo? Pwede naman aso, ah."
"There's a reason behind it. Gusto ko kasi na nasa kamay ko yung mga ahas sa buhay ko kaya nag-alaga na rin ako. Marami pa naman traydor ngayon," I said, smirking.
His forehead creased. Gusto ko humalakhak sa ekspresyon ng mukha niya. Ang sarap niyang asarin na ahas din yung kapatid niya. Maybe next time.
"This is your abode, huh?" he commented. Umupo siya sa sofa at pinatong ko sa batok niya si Deces. Nanigas siya sa kaniyang kinauupuan. "What the f**k. Huwag mo 'yan ilagay diyan."
Humalakhak ako. "Paborito niyang pwesto iyan. Hayaan mo na..."
Napansin ko na namutla ang mukha niya kaya wala na ako nagawa kundi kunin na sa kaniya si Deces. Binalik ko na ulit siya sa kulungan niya. Humalakhak ako nang bumaling ulit sa kaniya. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Feel better?" I asked, mockingly.
"You just prove to me that you're not most girls," he replied.
"Well, I told you..." kinuha ko na yung wallet ko at binuksan na yung pintuan. "Let's go, Lynch."
He smiled. "Ladies first..."
I rolled my eyes. Lumabas na ako at nararamdaman ko na nasa likuran siya. Sabay kami pumasok sa elevator. Nakasandal lang ako habang tinitingnan siya. Mukha talagang dayuhan si Lynch dahil sa mata niya. Kanina ko pa 'yang iniisip yung mga mata niya. Sa tuwing tumitingin ako sa kaniya parang tinitingnan ko rin sa mata si Chloe.
"Saan ba tayo?"
Hindi siya nagsalita. Pinindot niya yung susi ng kotse at lumapit na kami ro'n. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at sumakay na ako. Nakangiti siya nang sumakay na rin sa sasakyan niya. He begin to revved the engine.
"Saan tayo? Gusto ko malaman," I reiterated. Pinagkrus ko yung kamay sa dibdib ko.
"If I tell you about it... it won't be a surprise."
"I'm just curious about it. Make sure that it is not cliche."
He chuckled. "You're being impatient, sweetheart."
Minutes passed and I scanned the whole place. Napauwang ang labi ko. f**k! Dito niya talaga ako dadalhin? Sa shooting range?
"I like your expression," he commented. Nilingon ko na siya ngayon. "Since you're a bold woman... mukhang mas bagay na dalhin kita rito. Tsaka gusto rin kita matuto sa self-defense. Para maprotektahan mo sarili mo."
Inirapan ko siya. "I can protect myself..."
"Regardless... I want you to be safe from the bad people. You don't know what are they capable off."
I pressed my lips together. Gusto ko sana sabihin na kaya ko protektahan ang sarili ko. I'm Cypher... isa ako sa pinaka nakakatakot na tao mundo sa underground. Kahit pa turuan niya ako mamaya sa baril, alam ko naman kung paano gamitin iyon. Baka nga magulat siya kapag sinubukan ko hawakan yung baril mamaya. Hindi ako nakapagsalita at hinayaan na siya pagbuksan niya ako ng pintuan.
Tahimik lang ako sa tabi niya nang makapasok kami sa loob. Naririnig ko yung pagpuputok ng baril. Pinapanood ko sila at may mga ilan din sa kanila na tinuturuan na bumaril.
"Two wards for us..." si Lynch.
Lumayo na ako at pinagmamasdan yung isang babae na nahihirapan na ilagay yung magazine sa baril. Nakatingin lang ako sa kaniya. Gusto ko siya lapitan at turuan kung paano gawin pero alam ko na sinusulyapan ako ni Lynch. Ayaw ko na malaman niya na marunong ako humawak ng baril. Hindi ko pa kaya sabihin sa kaniya na marunong ako lumaban. At kaya ko siya patumbahin kahit ngayon na.
"Let's go..." hinapit ni Lynch yung bewang ko at pumasok na kami sa isang ward. May target sa harapan namin. May nakahanda na baril sa harapan ko. "Turuan kita kung paano gumamit ng baril."
I gulped. "Okay... paano ba?"
Ngumiti siya sa akin. Nakatingin lang ako sa kamay niya kung paano niya inayos yung baril. Gusto ko siya tawanan dahil ang bagal niya kumilos. Hindi ko pinapakinggan ang explanation niya dahil marunong naman ako. Nagpanggap nalang ako na nakikinig.
"You get it?" he asked.
I nodded my head. Kinuha ko isang baril at mabilis ko inayos ito. Nang malagay ko na yung isang magazine at mabilis ko ito kinasa. Napangisi ako dahil napansin ko na nahulog ang panga niya. See? I know he'd get surprised once I let him know that I know how to handle a gun.
"Parang ganito diba?"
"You're too fast. How did you know it?"
I shrugged. "I'm a fast learner, Lynch. But I can do better than you."
"I can see that..."
Humalakhak ako. "You want me to aim now?"
"Kaya mo ba?"
"Are you underestimating me, Lynch?" I said, smirking. I raised my hand with a gun and c****d it in front of him. Kahit nakatingin ako sa kaniya, I extended my hand and pulled the trigger three times. Tapos tiningnan ko yung natama ko. "All bullets is bullseye."
"Damn it. Are you f*****g with me, Gwen?" aniya na nakakunot na ang noo ngayon. "Bakit mas marunong ka pa sa akin? Look at your aim! Para kang hindi ordinaryo na babae."
"Like what I've said... I'm different."
He huffed. "Fine. This will be our date. But I don't think that I need to teach you how to use a gun."
"Gusto ko pa matuto. Turuan mo pa ako ng iba," I said. Kinuha ko yung kamay niya at nilagay do'n yung pinanggamitan ko ng baril. "Teach me..."
"Okay," he muttered.
Hindi ko aakalain na magiging masaya ako ng araw na ito. Kung anu-ano ang mga tinuro niya at nagpapanggap nalang ako na hindi marunong. Ayaw ko na mabigla at magtaka si Lynch kung bakit marunong ako humawak ng baril. A while ago was already enough... kailangan ko pa magkamali para lang maniwala siya na hindi talaga ako marunong.
Hingal na hingal ako sa gilid. Marami kami ginawa ni Lynch at masaya ako na nakapagpapawis ako kahit papaano. Namiss ko na rin magtraining ng ganito. Umiinom ako ng malamig na tubig at umupo siya sa harapan ko.
"Kamusta naman date natin? Masaya ka naman?" he began.
"Masaya naman ako," I replied. Binasa ko yung labi ko at hinilig ko yung ulo ko sa pader. "Nagutom na rin ako bigla. Hanap tayo nang makakain."
"Saan mo naman gusto kumain?"
"Kahit saan na diyan..."
Ngumiti siya sa akin. "Kahit saan, really?"
"Yup. Tsaka hindi naman ako maarte sa kinakain ko," I said. Sinuklay ko yung mahaba kong buhok. "Tara na. May alam ako kung saan tayo kakain."
"Okay..." he smiled.
Lumabas na kami sa shooting range. Sumakay na ako sa sasakyan niya. Tinuturo ko yung daan kung saan kami kakain. Napadpad kami sa Roxas Boulevard. Pinarada niya yung kotse sa tapat ng convenience store. Matagal siya napatitig sa tinuro ko.
"That's pares, right?" he asked.
"Oo... hindi ka kumakain niyan 'no?"
Umiling siya. "I've never tried eating pares, pero alam ko iyan."
"I want you to try something new. Sometimes... kapag pagod ako sa trabaho ay bumibili ako niyan. Magugustuhan mo naman iyan, e."
He let out a deep chuckles. "Fine. Kapag nagustuhan ko kumain diyan balik tayo, ha?"
I nodded. "Oo naman. Kahit na mag-asawa na tayo ay babalik tayo diyan kapag nagustuhan mo."
Iniwas ko yung tingin ko. Narealize ko kasi yung sinabi ko sa kaniya. Seriously, Gwen? Pakiramdam ko nag-iinit yung pisnge ko. Hindi ko na siya nilingon at bumaba na sa sasakyan. Kailangan ko kumalma baka sabihin nilalandi ko siya. Para kasing pabor ako sa sitwasyon namin kung magsalita ako.
Nakakahiya ka, Gwen.
Naglakad na ako sa tindahan ng paresan. Tumabi na siya sa akin at ngumingisi siya. Naparolyo yung mata ko sa hangin. Kahit na bawiin ko yung sinabi ko ay tiyak na aasarin niya pa rin ako. Sinulyapan ko siya na busy tingnan panoorin ang mga tao na kumakain. Karamihan sa kanila ay mga empleyado.
"Ano po sainyo?" the man asked.
"Two pares with rice po," I replied. Hinatak ko na si Lynch at umupo na kami sa maliit na lamesa.
"First time ko ito..." si Lynch habang nakangiti. "Your whole personality fascinates me, Gwen. I'm starting to like you."
My lips parted. Akmang magsasalita ako nang nilagay na ni manong yung order namin. Kinagat ko nalang yung labi ko. Tumayo na ako para kumuha ng kutsara at tinidor. Wala naman kami sa mamahalin na restaurant, e. Self service talaga kapag ganito. Bumalik na ako sa lamesa namin. Napansin ko na nakatingin sila sa amin. Wala kasi sa mukha namin ang mahirap, kahit simple lang yung suot namin nahahalata na mayayaman kami.
"Gusto mo ako magtimpla niyan?" I suggested.
"Sure. Tutal ikaw naman may alam nito, e."
Tinimplahan ko na yung pares namin dalawa. Sabay na kami kumakain. Tahimik ako na kumakain habang pinagmamasdan siya. Alam ko na naninibago siya pero mukhang nagugustuhan niya naman. Palihim ako napangiti.
"It taste good, Gwen. Balik ulit tayo," he said. Uminom siya ng tubig at ningitian niya ako. "Kapag kasal na tayo kain ulit tayo nito."
I rolled my eyes. "What are you talking about?"
"Ah, you forgot what you've said earlier? Do you want me to remind it to you again?"
"Shut up, Lynch."
Humalakhak siya habang napapailing. I threw a deadly glare at him.
"Let me repeat what you've said..."
Napalunok ako. "Manahimik ka diyan. Oo na babalik tayo rito."
"Kapag?"
"Kapag mag-asawa na tayo..."
I felt my cheeks heat and turn into crimson red. Inubos ko nalang yung kinakain ko. Pakiramdam ko ay nagiging malambot nanaman ako. Bumabalik nanaman yung dating ako. Ganito ako kay Joshua dati, e. Palagi ako namumula sa tuwing pinapakilig ako ni Joshua. Tapos nangyayari naman kay Lynch.
"Ah! Manganganak na ata ako!"
Napalingon ako sa babae na buntis. Bahagya siya napahawak sa bakal. Nagsimula na mataranta ang mga tao. Yung nagtitinda ng paresan ay inalalayan yung buntis na babae. Marahil ay asawa niya ito. Tumayo kaagad ako at nilapitan sila.
"I'm a doctor, let me do my job," I said. Inalalayan namin siya at pinahiga sa bakante na lamesa. Mabuti nalang ay nakasuot siya ng daster. Pumutok na nga ang panubigan niya.
"Get me a wet towel... ibanlaw mo sa mainit na tubig. Kailangan ko rin ng malinis na kumot," sabi ko. Tumango naman sa akin yung asawa ng babae. Nilingon ko yung buntis sa harapan ko at tiningnan kung malapit na ba lumabas yung bata.
"A-Ang sakit!" the woman grunted.
"Calm down, Mommy. I want you to take a deep breath."
I motioned her to inhale and exhaled. Hinawakan ko yung tiyan niya at bawat segundo ay tinitingnan ko kung lalabas na ba yung ulo ng bata. Umiiyak na yung babae sa harapan ko. Masakit talaga manganak lalo na't normal delivery at wala pa kami sa ospital.
"Push!"
Sumigaw siya at lumapit sa akin si Lynch para alalayan yung babae. Nandito na ulit yung asawa niya at dala-dala niya yung mga bilin ko. Pinaire ko ulit yung babae at nakikita ko na yung ulo.
"I can see the crown of the baby. I want you to give me a hard push, Miss," I said, in a serious tone. Napangiwi si Lynch sa tabi dahil hawak niya yung kamay ng babae. "That's great, Mommy. One more push!"
Mas lalo lumakas ang sigaw ng babae. Her chest was heaving heavily. Pinagpapawisan na rin siya. Paulit-ulit ko 'yun pinapagawa sa kaniya hanggang sa mahatak ko na yung ulo ng babae. Napangiti ako ng malabas ko na yung babae. Kinuha ko yung basang towel at pinunasan yung baby at binalutan siya ng malinis na kumot.
"Congrats! It's a boy!" I announced. Naririnig ko ang pag-iyak ng sanggol. Maingat ko na pinatong 'yon sa dibdib ng nanay. Kailangan talaga gawin ito dahil naninibago yung mga sanggol sa paligid. Dapat niya marinig yung heartbeat ng nanay.
"Salamat! Magkano po ibabayad ko sainyo?"
Nilingon ko yung asawa ng babae. My hands were covered with her blood. Umiling ako at nilinisan ko na yung babae pati ang sarili ko.
"Don't worry... I won't charge you a fee. Just take care of the baby," I said, smiling.
"Salamat talaga ng marami, Doc!"
"You're welcome," sabi ko at sumilip ako sa mag ina. "But still, kailangan niyo pumunta sa ospital para tingnan ang bata. Kailangan malaman ang timbang niya at para na rin matahi ang asawa mo."
With that, naghanap sila ng trycycle at sumakay na sila do'n. Yung panganay nalang nila ang nagbabantay sa paresan. Naglagay ako ng alcohol sa kamay at napansin ko na nakatitig lang sa akin si Lynch.
I arched my eyebrow. "What are you looking at?"
"Your heart is so pure, Gwen," he said, huskily. Nilapit niya pa ang sarili niya sa akin. "You're making me fall for you harder."