Inirapan ni Katniss ang binata dahil ngayon lang niya naisipang pagalain muli si Katniss. Ang tagal na niyang naghahangad na makalangoy o makagala muli sa isla pero hindi siya nito pinapayagan dahil puro sila sa kama. "After swimming, ano ang gagawin mo?" tanong ni Steven sa dalaga. "Mamasyal," maikling sagot ni Katniss at minabuting kainin na lang ang natitirang potato fries sa kaniyang plato. "No," striktong wika ni Steven sa kaniya. "Why not?" gulantang na tanong ni Katniss sa binata. Nilingon niya ito gamit ang kaniyang matalim na mga mata pero si Steven ay kalmado lamang kumakain. Kitang-kita pa ni Katniss kung paano umigting ang kaniyang panga sa tuwing ngumunguya ang binata. Halatang-halata rin kasi ang panga ni Steven. Sa sobrang talim no'n, napapaangat na lang ang kilay ni K

