Napanganga naman si Katniss sa kaniyang narinig dahil hindi niya inaasahan na sasabihin ni Steven iyon. "Really? Unlimited rounds? Hindi pa ba siya naumay sa ilang araw na ginagawa nila iyon? Hindi pa ba unlimited ang ginagawa namin?" tanong ni Katniss sa kaniyang isipan. Hindi nga niya inaasahan na ganito ang sasabihin ni Steven sa kaniya. Ang buong akala niya ay pera ang kailangan ni Steven pero seriously? Unlimited rounds? Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa pinagsasasabi ni Steven sa kaniya. Naiinis na siya na ewan. Hindi niya alam. Kasi hanggang ngayon ay gulat na gulat siya sa nangyayari. Nilingon ni Katniss si Steven na ngayon ay nakangisi "Hindi ako nakikipagbiruan, Ven—" "Sino bang nagsabi na nakikipagbiruan ako rito, Kat?" tanong ni Steven sa dalaga. "I'm

