Chapter 1

1271 Words
Third Person's Point of View Kumunot ang noo ni Katniss nang makita makatanggap siya ng isang pulang sobre. "Para saan ito?" tanong niya sa kaniyang secretary. Nasa opisina lang siya ngayon dahil may mga tinatapos siyang mga paperwork. Wala siyang ibang schedule ngayon kung hindi ay puro mga document lang. Kaso bigla siyang nagulantang nang lumitaw ang kaniyang secretary nang hindi niya napapansin na may dalang pulang sobre. "Hindi ko rin alam, Ma'am, pero may nagbigay niyan," saad ng kaniyang secretary. Tila naguluhan naman si Katniss sa kaniyang nalaman. Ngunit kaagad na lang siyang tumango at hinahayaan ang kaniyang secretary na lumabas na lang. She needs privacy. Baka kasi importante ang laman ng sobreng ito. Kaya naman nang makita niyang lumabas na ang kaniyang secretary ay kaagad niyang binuksan ang sobre. Napaawang na lang siya ng kaniyang labi nang bigla niyang napansin ang invitation na may nakasulat. Love Island. "What the héck is this?" nalilitong saad ni Katniss. "Wala naman akong natatandaan na may ganitong isla sa Pilipinas, ha?" Kaagad niyang binasa ang laman ng invitation na iyon at laking gulat niya nang tuluyan niyang maintindihan ang nakasulat doon. Hi! We're inviting you to visit Love Island where you can express yourself without getting judged. If ever you received this invitation, you will be fetched tomorrow at exactly 6 AM in your house. Just email our official email to confirm your visit. Thank you! "Kung pupunta ako bukas, ilang buwan ako mamamalagi roon? Wala naman kasing sinabi," bulong niya sa kaniyang sarili. Ngunit mabilis din siyang umiling at kaagad na nag-send ng email sa account na ibinigay sa kaniya just to confirm everything. Nag-reply naman kaagad iyon. Kaya naman nagtanong na siya kung may babayaran ba siya sa lahat pero ang sabi ay libre raw. "Wow! That's weird. Hindi ba sila malulugi kung ganito ang ginagawa nila sa business nila?" naguguluhang tanong niya sa kaniyang sarili ngunit kaagad din naman niyang kinalimutan iyon. Kung pupunta siya bukas, kailangan niyang tapusin ang lahat dahil baka matagalan siya sa lugar na iyon. Sana lang ay wala ng dadagdag na kung ano dahil ayaw niyang ma-stress ngayon. Kailangan kasi bukas ay fresh pa rin siya. Kailangan pa man din niyang mag-post kung sakali dahil mahilig siyang mag-keep ng memories. Kada may pupuntahan siya, madalas siyang kumuha ng litrato. Hindi nga niya nakakasama si Valkyrie dahil palaging busy ang babaeng iyon sa kaniyang trabaho. Palaging ganoon. Kung gagala naman siya, uuwi rin kaagad dahil marami siyang gagawin. Hindi naman niya maaya si Samantha dahil busy rin ito sa kaniyang trabaho. Kaya ang ending, siya palagi ang gumagala. Halos nalibot na nga yata niya ang buong Pilipinas. Kaya pamilyar siya sa lahat maliban na lang sa Love Island. Pag uwi niya, sinubukan niyang kausapin si Samantha. Mabuti na lang ay sinagot niya kaagad ang kaniyang tawag pero nakausot pa din ito ng kaniyang eyeglass. "Gabi na, ha? Hanggang ngayon ba ay nagtatrabaho ka pa rin?" nagtatakang tanong ni Katniss sa kaniyang kaibigan. Close silang dalawa dahil magmula noong bata sila, sila ang magkasama palagi. Mas matagal ang pagkakaibigan nila kumpara kay Valkyrie pero madalas ay kasama naman nila itong mamasyal. Ang problema lang ay workaholic si Valkyrie at sumusunod naman na sa yapak ni Valkyrie si Samantha. "Kailangan. Marami akong hinahabol ngayon," paliwanag ni Samatha sa kaniyang kaibigan bago nagsimulang magtipa ulit sa kaniyang laptop. Nasa kaniyang condo na siya ngayon pero hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin siya. Mabuti na lang talaga at tapos na si Katniss sa lahat. Pinilit niya kasing tapusin ang lahat dahil ayaw niyang bumalik muli sa office niya nang may tambak na naman na trabaho. Pero kapag wala naman siya, ang kaniyang Daddy naman ang bahala sa lahat. Kaya naman malaki talaga ang pasasalamat niya sa kaniyang Daddy dahil kahit papaano ay nakakapasyal pa rin siya kahit na business owner na siya at siya na ang nagma-manage lahat ng kanilang business. "Ikaw naman na ang may ari ng mga business niyo, Sam!" sigaw ni Katniss. "Kahit na. Hindi naman puwedeng hayaan ko na lang lahat," paliwanag nito. Napairap na lang si Katniss sa kaniyang narinig dahil hindi niya inaasahan na maririnig niya ito sa bibig ni Samatha. Parehas na talaga sila ni Valkyrie na sobra-sobra kung magtrabaho. Ayaw naman niya kasing ini-stress ang kaniyang sarili dahil nga kailangan din naman niyang magpahinga. Ang problema nga lang kay Katniss, madalas siyang magpahinga at mamasyal kaysa magtrabaho. Pero ang kinagandahan ay natatapos niya kaagad ang lahat nang isang upuan lamang. Kaya nga puro meetings lang ang ina-attend ng kaniyang Daddy dahil palagi siyang gumagala. Pero at least, hindi sasakit ang likod ng kaniyang Daddy kapag puro paperwork ang kaniyang inaasikaso. "Parehas na talaga kayo ni Valkyrie," bulong ni Katniss. "Pero may tatanungin ako." Napalingon naman si Samatha nang biglang sabihin ni Katniss iyon. "Ano iyon? Hindi ba iyan tungkol sa lalaki?" bagot na tanong ni Samatha. Napairap na naman si Katniss sa kaniyang narinig. Hindi naman kasi ito tungkol sa lalaki. Wala iyon sa isip niya nitong mga nagdaang araw dahil nga busy siya sa pamamasyal o hindi naman kaya ay busy siya sa pagtatrabaho. Aaminin niyang mabilis siyang ma-attract pero hindi naman niya nilalandi ang mga iyon. Nagaguwapuhan lang talaga siya pero kapag hindi na guwapo sa kaniyang paningin, hindi na niya ito papansinin o bibigyan ng atensyon kahit pa maghubad ito sa kaniyang harapan. "Hindi! Iba ito," naiinis na saad ni Katniss. Umangat naman ang kanang kilay ni Samantha dahil sa kaniyang narinig na para bang hindi naniniwala sa pinagsasabi ni Katniss. Ngunit imbis na asarin pa lalo si Katniss ay itinuon na lang niya ang kaniyang mga mata sa screen ng kaniyang laptop bago muling magtipa. "Pamilyar ka ba sa Love Island?" tanong bigla ni Katniss. "May natanggap kasi akong invitation. Susunduin daw nila ako bukas." Natigilan naman si Samantha sa kaniyang narinig. Sa pagkakaalam niya ay isang exclusive island ang lugar na iyon na kung saan ay mas kilala bilang Pamactan Island. Isa itong isla sa Babuyan Island na may napakagandang tanawin. Naglalakihan ang mga puno at gusali roon. May asul na at saka malinaw na dagat din sila. Ngunit ang kinagandahan ng islang iyon ay white sand ito. Magagawa mo ang lahat ng gusto mo sa lugar na iyon nang walang manghuhusga sa iyo. Puwede kang makipag sèx basta protected ka lang. It's either uminom ng contraceptive pills, magdala ng emergency pills o hindi kaya ay magpa inject ng DMPA every three months. "Paano ka nakatanggap?" tanong ni Samantha. Mahirap kasing makatanggap ng ganoong invitation dahil bibigyan ka lang nila kapag kakilala ka ng mga may ari o hindi kaya ay may connection ka sa kanila. Kaya naman ay malaking katanungan sa isip ni Samantha kung paano natanggap si Katniss ng invitation galing sa Love Island. "Hindi ko alam. Basta ang sabi ng secretary ko, may nagbigay raw sa kaniya at inuutusan itong ipabigay sa akin," paliwanag nito sa kaniyang kaibigan. Huminga na lang nang malalim si Samantha at tinitigan si Katniss sa screen. "Exclusive island iyan. Tanging mga may invitation lang galing sa mga share holder o may ari ng isla na iyan ang may kakahayang mag imbita ng mga kilalang tao sa business world," paliwanag ni Samantha sa kaniya. "Kaya kapag nabigyan ka, possible na isa sa may ari ay gusto kang papuntahin sa lugar na iyon." "What do you mean?" nalilitong tanong ni Katniss sa kaniyang kaibigan. Nagkibit-balikat naman si Samantha at nagsimulang magtipa para ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa. "It's either gusto ka lang niyang imbitahan para makapagpahinga ka o hindi kaya ay gusto ka niya," tamad na sagot ni Samantha sa kaniyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD