Chapter 2

1202 Words
Naguluhan si Katniss sa kaniyang nalaman. Sa pagkakaalam naman niya ay hindi iyon ganoon. Hindi nga siya nakikipag usap masyado sa mga lalaki kahit pa gusto niya. Hindi siya ganoon. Well nagaguwapuhan lang siya. Kaya nga nagkakaroon siya ng mga crush at kaya rin sinasabi ni Samantha na kung tungkol na naman ba sa lalaki. "That's weird," bulong niya sa kaniyang sarili habang nakatitig sa invitation card na nasa kaniyang harapan. Na-confirm na niyang pupunta na siya bukas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakapag ayos ng kaniyang mga gamit dahil nga maraming bumabagabag sa kaniyang isipan. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya makalimutan ang sinabi ni Samantha sa kaniya. Kung kanina ay excited siya, ngayon ay parang gusto na niyang matakot. Kinuha tuloy niya ang kaniyang cellphone para sana tawagan si Samantha pero nagulat siya dahil nakita niya ang message nito sa kaniyang social media account. Samantha Aragon: Don't worry about that. Nagbibiro lang ako. As far as I remember, kaya ka siguro nabigyan ng invitation dahil madalas silang mamigay ng ganiyan lalo na kapag nakikita nilang deserving ka. Free kasi lahat diyan. Wala kang babayaran. Wala ring expiration. Just make sure na magdala ka nang maraming pills. Baka kasi ayaw mo ng umuwi kapag nagustuhan mo ang lugar na iyon. Bahagyang namula ang pisngi ni Katniss dahil sa kaniyang nabasa. Hindi niya kasi inaaakala na babanggitin na naman ni Samantha ang tungkol sa pills. Kaya naman huminga na lang siya nang malalim at sinubukang pakalmahin ang kaniyang sarili. Medyo nakakaramdam na kasi siya ng excitement dahil makakagala na naman siya. Tumayo naman siya nang may ngiti sa kaniyang labi at kinuha ang invitation para makapag impake na siya. Kinakailangan na rin niya kasing matulog nang maaga dahil nakakaramdam na siya ng antok at pagod. Sinapo niya ang kaniyang dibdib nang makaramdam siya ng kaba. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Kaya naman tiningnan niya ang kaniyang reflection sa salamin. Nakapag handa na siya ngayon at ang hinihintay na lang niya ay ang susundo sa kaniya. Sabi kasi sa email na natanggap niya ay may susundo sa kaniya papunta sa location na kung saan ay nandoon ang chopper na sasakyan niya. She's wearing purple bodycon mini dress. Kaya litaw na litaw ang kaniyang magandang katawan niyang mala hourglass. May light makeup din siya para lang magkaroon ng buhay ang kaniyang mukha. She even curled her long hair kahit na alam naman niyang isla ang kaniyang pupuntahan. "Pupunta ka na?" tanong ni Samantha. Tumango naman si Katniss ngunit hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya. She wanted to back out pero dahil nga mukhang maganda naman ang islang iyon, bahala na raw. "Pero kinakabahan ako," bulong ni Katniss na nagpairap naman kay Samantha. "Maraming guwapo roon. Hindi ko nga lang sigurado kung mga business owner o kilala rin ang kanilang mga pangalan," wika ni Samantha. Gusto niyang tanggalin ang takot sa puso ng kaniyang kaibigan. Kaya kahit gustuhin niyang mapairap na lang dahil mukhang effective naman, hindi na niya binawi ang kaniyang sinabi dahil totoo naman talagang may mga guwapong lalaki roon. Isa rin kasi sa binabalik-balikan doon ang kanilang s-x life. Bukod sa maganda at nakaka relax ang tanawin, ang lugar na iyon ay marami ring mga lalaki. Nagliwang ang mukha ni Katniss sa kaniyang narinig dahil mukhang hindi na siya mahihirapan pang makahanap ng crush. "Totoo ba iyan?" tuwang-tuwa niyang tanong sa kaniyang kaibigan. Napatango na lang si Samantha sa kaniyang narinig ngunit hindi na siya nagsalita pa. Minabuti na lang niyang magbasa ng mga document dahil kakailanganin niyang matapos kaagad ang mga ito dahil may meeting na naman siya maya-maya at hindi niya sigurado kung hanggang kailan ito. "Off ko na. Magtatrabaho pa ako," aniya ni Samantha. Bago pa sana magsalita si Katniss at kaagad nang namatay ang tawag na ikinanganga na lang niya sa gulat. Napailing na lang siya sa kaniyang kaibigan ngunit kaagad din naman siyang tumayo at kasabay naman no'n ay ang pagtunog ng kaniyang doorbell. Kaagad siyang lumabas ng kaniyang kuwarto at kaagad na sinilip ang kaniyang main door na kung saan ay may nakatayong mga lalaki sa harapan ng kaniyang condo at nakasuot ng black tuxedo. Binuksan niya ang kaniyang pinto at kaagad na tiningnan ang mga ito. "Good morning , Ma'am Romero," bati ng isa sa kaniya. "We're here to fetch you." "I just wanted to ask if you are the guards that they were saying," saad ni Katniss. Tumango naman ang isa at kaagad na inilabas ang kaniyang ID na kung saan ay naglalaman ng kaniyang information at kung saan siya nagtatrabaho. "Yes, Ma'am Romero." Napabuga naman ng hangin si Katniss at niluwagan ang pinto ng kaniyang condo habang nakangiti. "Where's your belongings, Ma'am Romero?" tanong naman ng lalaki. "Nasa loob ng aking kuwarto," mahinang sagot naman ni Katniss. Tumango naman ang pinaka pinuno nila at kaagad na pumasok sa condo ni Katniss para kunin ang kaniyang mga gamit. "Ihahatid ka po namin sa chopper," saad ng lalaki. Napalabi naman si Katniss habang nasa sasakyan siya. Hindi niya kasi alam kung bakit siya kinakabahan nang husto. Pero alam naman niya sa kaniyang sarili na ayos lang ang lugar na iyon at safe. Sana lang talaga ay walang mangyari sa kaniyang masama habang nasa byahe siya. Nakausap na rin niya ang kaniyang Daddy tungkol sa biglaan niyang pag absent. Mabuti na lang talaga ya hinahayaan siya nitong mamasyal. Huminga nang malalim si Katniss habang nakatingin sa isang bintana ng chopper. Litaw na litaw kasi ang kagandahan ng isla, ang Love Island na matatagpuan sa Pamactan Island sa Babuyan Island. Exclusive ang lugar na ito dahil ang mga may invitation lang na galing sa mga share holders o may ari ng isla ang makakapasok sa lugar na ito. Ganoon kahigpit ang lugar na ito. Magagawa mo rin nang malaya ang mga bagay na gusto mong gawin dahil walang manghuhusga sa iyo. Malayo ito sa reyalidad. Malayo sa mga mapanghusgang mga mata at mga inggitera. Kaya nga ito binabalik-balikan dahil sa kagandahan ng islang ito at kung paano nila pangalagahan ang lugar na ito. Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi nang makita kung gaano kaganda ang lugar. Ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit exclusive ang lugar na ito at mahigpit ang security. Bukod kasi sa maganda ito ay halatang mayaman din ang mga nagmamay ari ng islang ito dahil sa mga naggagandahang gusali. Kakaiba rin ang disenyo ng bahay. Madalas ay ranch ang disenyo o hindi naman kaya ay parang modern designs. Siguro ay nakadepende sa theme ng isang bahay pero lahat naman ay magaganda. Kinuha niya ang kaniyang cellphone saka naman kaagad na binuksan ang camera nito para kuhanan ng litrato. "Ang ganda," bulong niya sa kaniyang sarili habang kinukuhanan ng litrato ang isla. Lumitaw naman ang ngiti sa kaniyang labi habang tinitingnan ang kuha niya sa kaniyang cellphone. Pakiramdam niya ay na in love siya sa lugar at sisiguraduhin niyang babalikan niya ang lugar na ito. Hindi nga lang niya alam kung paano niya siya makakakuha ulit invitation pero bahala na. Basta susulitin na lang niya muna ang lugar na ito. "Pero syempre, maghahanap muna ako ng crush," bulong niya sa kaniyang sarili habang natatawa sa nangyayari. "Love Island."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD