Hinihingal si Katniss sa pinagsaluhan nilang dalawa. Halik lamang iyon pero parang nahigop na ang kaniyang lakas na naging dahilan para manghina siya nang tuluyan. Kinagat ni Katniss ang kaniyang ibabang labi kahit na nararamdaman pa rin niya ang titig ni Steven na tiyak ay nakakatunaw na naman. Sigurado kasi siyang tinititigan na naman siya nito dahil ganoon naman madalas ang gawin ni Steven sa kaniya. Parang hinahalukay na naman kasi nito ang kaniyang isipan o hindi kaya ay binabasa ang kaniyang mga mata. Ganoon kasi si Steven at wala namang magawa ang dalaga kung hindi ay kagatin na lang ang kaniyang ibabang labi at piliting pakalmahin ang naghaharumento niyang puso. Grabe kasi talaga ang epekto sa kaniya ni Steven. Ultimo puso niya ay kaya niyang baliwin ito. Nagugulat na lang ta

