"Wala naman akong ipinusta kasi!" reklamo ni Katniss pero nginsihan lang ni Steven si Katniss at kaagad na inangkin ang labi ng dalaga. Nagulat naman si Katniss sa ginawa ni Steven dahil hindi niya inaasahan ang kaniyang ginawa sa kaniya. Hindi pa sila tapos mag usap pero hahalik na kaagad ang binata sa kaniya. Hindi tuloy niya maiwasang mag isip kung ganito ba siya pinalaki o talagang ganito na talaga siya lumaki dahil sa mga nakapaligid sa kaniya? Bigla namang nahigit ni Katniss ang kaniyang hininga nang bigla na lang igalaw ni Steven ang kaniyang labi para angkinin nang mas maayos si Katniss. Ngunit hanggang ngayon kasi ay nanigas pa rin si Katniss sa kaniyang puwesto at hindi alam kung dapat niya bang tugunan ang halik ng binata. Maraming tumatakbo sa kaniyang isip pero ang gusto n

