6

1044 Words
Kate's POV Kakatapos lang ng taping at pauwi na ako sa bahay. Sumakay agad ako sa sasakyan ko dahil dalawa lang sila ng aking kapatid. Pagkarating ko ay agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Agad akong sinalubong ng anak ko. " Ate, andito ka na pala. Nagluto na ako ng hapunan. " Sabi ng kapatid kong si Wendy. Kinarga ko ang anak ko para halikan ito sa pisnge nya at pang gigilan ang kanyang matambok nitong pisnge. " nag behave ka ba sa tita mo, ha? Sweety?" tanong ko sa anak ko kahit busy ito sa paglalaro ng aking buhok. Niyakap ako nito. "Wabyou" aww ang sweet naman ng anak ko. Hindi talaga maipagkakaila na nakuha nya ang katangian ng anak ko sa kanya. Hinalikan ko ito sa kanyang noo. Naghahain na si wendy ng pagkain sa lamesa. Hindi na ako nag atubili na magbihis ng pambahay naka pants naman ako at hanging blouse. " Ate... "tawag sa akin ni wendy. " Ano yon? " sabay sulyap ko sa kanya habang sinusubuan ko ang anak ko. " ngayon ko nalang ulit sya hindi nakita. Parang may something sa kanya, parang hindi ka ata matandaan? " napansin ko din 'yon pati 'yong nangyari sa amin noon. "Siguro nga may nangyari sa kanya noong umuwi sya ng pinas kaya ganun..." tinapos ko na ang kinakain ko dahil gusto ko ng magpahinga. Nagpaalam na ako kay Wendy na aakyat na ako sa taas para maligo. Masyadong nakakapagod ang trabaho ko. Lalo na pag sa byahe. Minsan gabing-gabi na ako umuuwi. Pagdating ko sa bahay tulog na ang anak ko. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong tulog na ang anak ko sa ibabaw ng kama. Marahil ay pinatulog na ito ni Wendy dahil sa banyo pa ako. Naglagay ako ng towel sa ulo ko at nakasuot lamang ako ng puting roba. Wala akong suot na bra sa pang itaas. Napasulyap ako sa anak ko at pumunta ako sa kama at pinagmasdan ko ito. Napakahimbing na ng kanyang pagkakatulog. Hindi talagang maipag kakaila na anak nya ito dahil para silang pinagbiyak na bunga dahil carbon copy nya ang anak ko. Inayos ang pagkakahiga nito dahil malikot sya matulog. Pagkatapos kong mapatuyo ang buhok ko ay humiga na din ako sa kama. Bigla na lamang sumagi sa isip ko kung paano ko sya nakilala ang ama ng anak ko. "Ahh" napadaing ako ng tinulak ako ni Domeng kasama ang kanyang mga alagad. Napalingon naman ako sa kanila pero nakangisi sya at pinagtatawanan ako. " tigilan nyo na ako plz parang awa nyo na..." pagmamakaawa ko sa kanila. Pero pinagtawanan lang nila ako. " Ang lampa mo kase eh! " " Ahh lampa! Ahh lampa! " tinulak pa nila ako kaya napahiga ako ulit at tsaka sila umalis. Napaiyak na lamang ako dahil masakit ang tagiliran ko. Babangon na sana ako ng may makita akong kamay na nakalahad sa kamay ko kaya napatingala ako sa kanya. " Abutin mo ang kamay ko" wala sa sarili na inabot ko ang kamay ko sa kanya para makatayo ako ng maayos. Pinagpagan ko ang suot kong damit at inayos ito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko matapos nya akong tulungan. " Lagi ka bang binubully ng mga 'yon? " nagbaba ako ng tingin sa kanya dahil ayoko syang titigan dahil naaattract ako sa kanya. Tumango na lamang ako bilang sagot. Bigla ako nitong hinawakan sa braso at hinatak nya ako. " Sandali, saan tayo pupunta? " " dadalhin kita sa clinic para magamot yang mga sugat mo..." tinuro nya kung saana ng may sugat ays kaya pala may nafe feel akong mahapdi kanina. Wala na akong nagawa dahil hinatak na nya ako. Simula ng makilala ko sya ay nakaramdam ako ng kakaibang feeling. Parang na love at first sight ako sa kanya. Magmula noon ay hindi ko na sya makalimutan. Pagpikit ng aking mga mata, mukha pa din nya ang nakikita ko. Maaga pa lamang ay nagising na ako dahil balak kong mag grocery sa mall. Tinignan ko ang anak ko at mahimbing pa ang tulog nito kaya kinumotan ko ito. Bumaba na ako ng kama at nagpunta ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ay bumaba ako ng kusina para magluto ng agahan dahil tulog pa Si wendy sa kabilang kwarto. Nagpainit ako ng tubig para magtimpla ng kape at nag toasted bread na din ako. Nagsangag na din ako ng kanin at nagprito ng hotdog at itlog para sa almusal. Sakto naman na pagbaba ni Wendy ay tapos na ako magluto. Nakita ko pa sya na naghihikab kaya inalok ko sya ng kape. " ang aga mo ata ngayon ate? May lakad ka ba? " tanong nito sa akin habang hinihigop ang kape nya. " Oo, pupunta akong mall mamaya, mag go grocery ako kase wala ng stock na pagkain dito sa bahay. " sabi habang kinakain ang toasted bread ko. " Ahh ok" . " Pakitignan mo nga si dion baka gising na sya sa taas. Kase iniwan ko muna sya dahil tulog pa sya kanina. " Agad naman ayang tumalima sa kwarto para tignan ang anak ko. Sa totoo lang ay hindi ko totoong kapatid si Wendy. Anak sya ng umampon sa akin noong mga panahon na nabubuhay pa ang kanyang mga magulang. Mabait si wendy na hindi katulad ng ibang bata na masyadong spoiled brat. Nang mamatay ang kinikilala kong ama at ina which is magulang Ni wendy ay nagpasya na lamang akong umalis dahil lahat ng ari-arian ng mga ito ay kinukuha ng bangko dahil sa laki ng mga utang nila. Kahit ang bahay ay kinuha din ng bangko kaya wala din kaming nagawa kundi umalis. Dahil malaki ang mga utang nila ay nalaman namim na tinambangan sila kung sino mang tao na malaki ang atraso nila. Imbes na ako lang mag isa ay sumama sa akin si wendy papuntang Spain para doon magsimula. Kaya hanggang ngayon ay tinututing ko syang para kong tunay na kapatid. Kami lang dalawa ang magka sangga sa lahat ng problema. Sa kanya ko sinasabi ang lahat ng mga problema ko kahit na mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya. Napabaling na lamang ang isip ko ng makita kong pababa na sila ng anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD